THE VAMPIRES ANGER

2.1K 66 1
                                    

Ang kalangitan ay nagsimulang dumilim habang ang buwan at araw ay nagsisimulang magsalubong... Isa lamang ang ibig sabihin nito magsisimula na ang digmaan, magsisimula ang madugong laban ng bawat nilalang na galing sa Apat na Kaharian. Mangyayari na ang dapat mangyari at ito ang digmaan. Wala silang maririnig kundi ang malakas na alon sa karagatan ng Piscina. Ang malakas na paghampas ng alon sa nsa buhangin ay sapat ng babala para sa lahat. Magaganap na ang digmaang hindi nila inaasahan, ang biglang digmaan na magpapabago sa mundo ng Pantasya... Sa mundo ng Zirconia.

Nanlilisik na inilibot ng Hari ang kanyang mga mata sa bawat nilalang sa karagatan ng Piscina saka matapang na iwinagayway ang kanyang isang palad. Nagsimulang magsigawan ang dalawang panig na palatandaan na sila ay nakahanda sa digmaan na nais ng Hari.

"Amandra, sumuko ka ng maayos kung ayaw mong maubos ang bawat angkan mo. Sumuko na kayo bago ko kayo isa-isang patayin!" Malamig na sigaw ni Haring Cassius na Hari ng mga Bampira

Matapang na naglakad si ang Prinsesa ng Hilvano na si Amandra. Itinaas niya ang kanyang isang kamay na nakakuyom at buong tapang niyang sinalubong ang mga mata ni Haring Cassius na nagliliyab sa galit.

" Sa ngalan ng Kahariang Hilavano, para sa aking mga angkan. Bilang isang Prinsesa ng Hilvano ay hindi ako susuko. Hindi ko susukuan ang aking kaharian! Hinding-hindi Cassius!" Matapang na sagot ni Amandra

Ang dalawang panig ay parehong naglalaban ng titig at isang maling galaw lamang ng isa sa kanila ay magtatagpo silang lahat sa gitna para simulant ang digmaan. Mainit ang titig ng bawat isa sa kanilang mga kalaban, nag-aantay ng pahintulot ng kanilang Hari at Prinsesa.

" Buhay ang kinuha mo sa akin Amandra... Pinatay mo ang dalawang mahahalaga sa buhay ko. Ang buhay na kinuha mo sa akin ay kailangan mong pagbarayan, buhay laban sa buhay. Maging patas ka sa laban! Ibalik mo ang buhay na kinuha!" Muling sigaw ni Haring Cassius

Malakas na bumuntong hininga si Prinsesang Amandra upang humugot ng lakas na loob kahit ang totoo ay nababalutan siya ng pangamba. Hindi lamang kanyang Ina at Ama ang nagtitiwala sa kanya maging ang bawat nilalang sa kanilang kaharian. Ayaw man ni Amandra makidigma ay wala siyang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na ipinataw sa kanya.

"Sinusumpa ko Amandra! Lahat kayo ay magiging alipin! Mamatay kayo sa mismong mga palad ko, ipaparamdam ko sa mga angkan mo ang galit ko." Mariing sigaw ni Haring Cassius

Mabilis na kumilos si Amandra nang magsimulang magsitakbuhan ang mga alagad ni Cassius palapit sa kanila. Ipinikit ni Amandra ang kanyang mga mata dahilan para magsimulang dumilim ang kalangitan. Sa pagdillim nito ay nagsimulang kumidlat ang langit hanggang sa nagkaroon na rin ng kidlat ang dalawang palad ni Amandra. Sa pagsigaw niya ay siyang pagtama ng kidlat sa mga Bampirang kalaban nila Amandra. Ang ibang mga Bampira ay nagtatalon sa puno habang isa-isang kinakagat ang mga Diwata. Mabilis ang bawat galaw nila kumpara sa mga Diwata. Ang mga Bampirang Diwata ay sinasalubong ang bawat Bampirang Tumatalon papunta sa kanila. Parehong naglalaban ng tingin ang mga ito habang magkadikit ang mga palad.

Mararamdaman sa digmaan ang poot at hinanakit lalo na ang mga dugong Bampira, walang gusto magpatalo sa dalawang panig. Hindi buo ang loob ng Prinsesa na makipaglaban ngunit wala siyang magagawa sapagkat sa kanya ipinataw ang tungkolin sa kaharian lalo na't nasa panganib ito.

"Ubusin niyo lahat ng angkan nila! Wala kayong ititirang buhay! " Sigaw ni Cassius habang isa-isang inaatake ang mga Diwata

Mararamdaman ang galit ni Haring Cassius sa mga Diwata, mababakas ang poot at hinanakit sa mga mata nito habang nakiki-digma. Nakabalot sa isip niya ang salitang paghihiganti kaya walang awa niyang pinapatay ang bawat Diwatang kanyang malalapitan. Ang mga Diwata ay umaawit habang ang mga Mangkukulam ay tumatawa na nakasakay sa isang makapangyarihang palipad. Habang ang iilan sa mga Bampira ay nakikipaglaban sa mga Lobo, mainit ang labang nagaganap. Saksi ang Karagatan ng Piscina kung gaano kasakit ang digmaang nagaganap sapagkat ang daming buhay ang Nawala.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon