Sabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
Hai sa lahat na TEAM CASSIUS AT DALLAS. HAHA. LALO NA PALA SA TEAM NILA ARTY AT AMANDRA.
Dedicate ko ang chapter na 'to kay Zarnih Marchessa. Hello sa 'yo, para sa 'yo ang laban na 'to. Love you💜
Ito ang kwentas ni Ambrosia.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
AMBROSIA POV
ISANG araw pa lang ako nalayo sa kanya pero para akong namatayan. Para akong nawalan, nawalan naman talaga ako. Tanging tunog ng alon at hangin ang maririnig habang nakatanaw ako sa karagatan na kumikislap na tumatama sa liwanag ng buwan. Masaya sila sa pagbabalik ko, pero ako malungkot dahil iniwan ko si Cassius. Ang pinakamasakit na parte ko ay ang umalis kahit mahal ko pa siya. Wala sa sariling itinaas ko ang aking palad sa buwan. Napakaganda sana ito pagmasdan kung kasama ko si Cassius.
Pero may mga bagay talaga siguro na kailangan mo ng pakawalan kahit mahalaga. Kitang-kita ko ang tatoo sa aking puslo. Napakaganda nito lalo na kung magdidikit ang kamay namin ni Cassius. Bumabagay sa tatoo niya sa daliri. Pero hindi ko na mahahawakan ang kamay niya. Maluha-luha kong pinikit ang aking mata at huminga ng malalim para umawit.
Sa aking paglisan Ikaw ay hindi basta malilimutan Sa aking isip ikaw ay nakatatak Kahit puso ko ay nawawasak
Si Cassius ang unang lalaki na nagbukas ng puso ko. Siya ang nagturo sa aking umibig.
Sana sa pagdating ng tamang panahon Tadhana sa atin ay nakaayon Ikaw at ako ay maari na Sana tayo ay maging masaya na
Hindi ko mapigilang mapahagulgol sa sobrang sakit. Hindi ko kayang tanggapin kung bakit ito ang naging kapalaran ko. Malakas akong napasigaw sa sobrang sakita dahilan para gumalaw ang buong karagatan. Ang alon ay humahampas ng malakas. Gusto kong ilabas lahat hanggang sa mapaos ako. Hanggang sa maging manhid ako sa sakit.
Dahan-dahan akong napaluhod sa sakit, wala sa sariling itinaas ko ang aking dalawang palad. Ganoon na lang ang pagkabigo ko ng hindi ko na magamit ang kapangyarihan ni Cassius. Talagang naputol na ang koneksiyon namin. Hindi ko na maaring gamitin ang kapangyarihan niya. Hinayaan ko lamang na umalingawlingaw ang boses ko sa buonh piscina. Gusto ko lang sumigaw nan sumigaw dahil sobrang sakit na.
Napatakip ako ng bibig ng hindi ko makayanan ang sakit. Nasasaktan ako, nadudurog ako ng sobra. Ang lalaking mahal ko ay hindi maari sa akin, hindi kami maaring dalawa. Talagang mapaglaro ang tadhana. Talagang kami ang napiling paglaruan. Buhay laban sa buhay, siya at ako ay magkalaban. Ang mahal ko ang aking kalaban.
"Bakit Batahala? Naging masama ba ako? Bakit ito ang ipinaparanas niyo? " Naiiyak kong bulong habang nakatingala sa buwan
"Mahal ko siya pero bakit kailangan kami ang maging magkalaban? Bakit siya pa na mahal ko? " Naiiyak kong dagdag