MATAAS ang liwanag ng buwan, walang bituin sa kalangitan. Tanging liwanag ng buwan ay nagbibigay liwanag sa kalangitan. Malakas ang bawat dampi ng hangin sa mga puno. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari, nakaharap si Haring Cassius. Hindi pa rin maalis sa akin ang takot ngunit tuwing naalala ko ang mga sinabi niya mas lalo akong kinikilabutan.
Nanunuyo ang aking lalamunan, naninigas ang aking kalamnan. Ang pula niyang mata ay talagang nakakatakot, para itong apoy na nagliliyab sa galit. Parang masusunog ka sa uri ng tingin. Hindi kami maaring magkita ni amandra. Nasa paligid ko lang siya, nakamasid. Binabantayan ang bawat galaw namin. Ano mang oras maari itong sumugod. Pinaglalaruan kami ni Cassius, nais niya kaming pahirapan.
"Ambrosia! " Sigaw ng isang babae
Nagising ako nang may tumatawag sa akin. Si Valerie, ito na nga ang sinasabi ko na hindi sila maaring magpakita sa akin. Mainit kami kay Haring Cassius kaya baka kahit anong oras ay sumulpot ito.
"Valerie, umalis ka na..." Kinakabahan kong pagtataboy
"Nais kang makita ni makita ni Amandra, nasa kagubatan siya inaantay ka." Mabilisan nitohg paliwanag
Kinakabahan kong tinignan ang buong paligid. Nais kong umayaw ngunit matiis ko ba ang aking kakambal? Halos ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Nang makaramdam ako na walang kakaiba sa paligid ko ay mabilis akong sumama kay Valerie.Kahit ramdam ko ang kaba ay pinili ko maging matapang. Ang malakas na hangin na dumadampi sa balat ko ang nagdadala sa akin ng kilabot. Umaasa ako na sana wala siya, sana talaga.
Hindi ko namalayan na nasa kagubatan na agad kami ni Valerie. Malakas akong napahagulgol nang makita si Amandra. Ang kaninang tapang-tapangan kong emosyon ay nawala sa isang iglap nang makita si Amandra.
"Amandra! " Hagulgol kong sigaw at mabilis na tumakbo palapit sa kanya saka ito niyakap na mahigpit
Ayaw ko na siyang mawala, siya na lang ang meron ako. Nawalan na ako at ayaw ko ng maulit lahat. Mas lalo akong napahagulgol habang iniisip ang pagkikita namin ni Haring Casius. Hindi ko makakalimutan lahat ng 'yon. Hindi ko makalimutan ang mga salitang binitawan niya.
Nais kong magsumbong kay Amandra at sabihin ang paghaharap namin ni Cassius ngunit ayaw ko mag-aalala si Amandra.
"Amandra, kumusta ka na? Nag-alala ako sa 'yo... "
"Ayos lang ako sa kagubatang ito Ambrosia. Hindi ako pinapabayaan ng mga Lobo, sila ang kasama kong magpalakas." Nakangiting sagot ni Amandra sa akin
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Amandra. Nanginginig ang labi ko maging ang aking dibdib ay malakas ang kabog. Malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang mangyayari.
"Amandra, 'wag muna tayo magkita hanggang sa hindi pa naayos ang lahat ng 'to... " Mahina kong bulong na ikinailing ni Amandra
"Ambrosia, lumayo na tayo... Magpakalayo-layo na tayo. Sumama ka na sa akin."
Naiiyak akong napailing sa sinabi ni Amandra. Hindi kami maaring lumayo na magkasama dahil isa lang ang sigurado kahit saang lupalop kami magtago... Mahahanap at mahahanap pa rin kami ng Haring puno ng galit at poot sa aming angkan.
"Hindi ka maaring malagay sa kapahamakan Aking kakambal sapagkat ikaw ang Prinsesa ng ating kaharian. Ikaw ang inaasahan ng lahat kaya kailangan mo manatiling ligtas." Naiiyak kong dagdag na ikinalaki ng mata ni Amandra
Masakit mang gawin ito ngunit wala akong pagpipiliian. Hindi ko alam kung ano ang salitang sakripisyo dahil sa tanang buhay ko halos sila Amandra ang gumagawa nito. Ito na ba ang pagsasakripisyo na sinasabi nila?
"Mahal na mahal kita Amandra, nakahanda akong gawin lahat para sa 'yo..."
Mahigpit kong niyakap si Amandra, mahal na mahal ko siya kaya kahit masakit mang magsinungaling. Wala akong magagawa kundi gawin ito dahil sa ayaw ko nang mawalan.
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...