AMBROSIA POV
HINDI ko alam kung kaya ko bang malayo kay Cassius. Alam kong hindi niya ako mahal, pero hindi ito sapat na dahilan para iwan ko siya. Asawa niya na ako, mahal na mahal ko siya.
Hindi ko kayang gumising sa umaga na walanh cassius. Hindi ko kayang ngumiti kung hindi ko siya mahahalikan. Hindi ko kayang lumaban kung walang cassius na nagpapalakas ng kalooban ko. Hindi ko kayang magmahal kung hindi rin naman si Cassius.
Siya na ang buhay ko, inalay ko na sa kanya lahat. Binigay ko na lahat pati sarili ko. Paano ko magagawang iwan ang lalaking binuo ako sa kabila ng sakit.
"Amandra, mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang umalis sa kahariang ito. Hindi ko kayang umalis sa tabi niya" naiiyak kong turan at dahan-dahang umatras
Saan man ako magtago mahahanap ako ni Cassius. Ngayon ay iisa na kami, asawa niya ko. Kapag oras nalaman niya ng tumakas ako lalaki ang gulong ito. Mas lalong magagalit si Cassius. Kaya nga ako nanatili sa tabi niya para protektahan lahat. Kaya ko nga inako lahat tapos ito tatakas ako bigla.
"Minahal ko siya kahit mahal. Minahl ko siya kahit alam kong masasaktan ako. Pero hindi sapat na dahilan 'yon para umalis ako sa tabi niya. Mahal na mahal ko siya" naiiyak kong dagdag
Kumirot ang puso ko ng makita ang luha nito. Mahalaga sa akin ang kambal ko, mahal ko siya. Pero masyado ng komplikado lahat.
"Ambrosia, pipiliin mo ba siya kaysa sa akin? Pipiliin mo ba ang lalaking pumatay sa kanila Ina at Ama, ang kumuha sa kaharian natin at ang nagtangkang pumatay sa akin. Siya pa rin ba kahit na ang dami niyang nagawa sa 'tin? "
"Ate, hindi nabibilang ang pagkakamali pagmamahal. Hindi nabibilang ang masasamang nagagawa. Ang mahalaga mahal mo siya, mahal ko siya sa kabila ng 'to"
Hindi ko kailanman inisip na mali ang mahalin siya. Hindi ko kailanman pinagsisihang mahalin si Cassius.
"Ambrosia, kaya mo bang piliin ang lalaking 'yon samantalang may lalaki ding nasasaktan at mamatay. Kaya mo bang maging masaya habang may naghihirap dahil sa 'yo. Hindi kayo ang para sa isa't isa. Hindi ang katulad niyang walang puso. Si Dallas ang para sa 'yo. Siya ang lalaking nararapat na piliin at mahalin"
"Ate, tulad mo nagbago na ang tadhana. Hindi na siya ang nakatakda sa akin. Hindi na siya ang para sa akin. Kami na ni cassius markado niya na ako. Pagmamay-ari niya na ako. Kaya kahit ano'ng gawin ko wala na akong kawala"
"Halikan na ambrosia. Hahanap tayo ng paraan. Gagawin natin lahat basta 'wag lang si Cassius. Makinig ka na sa akin kambal. Hindi ka nararapat dito, hindi ka nababagay sa kanya"
Napahagulgol ako ng makita ang pagmamakaawa sa mata niya.
"Piliin mo' ko ambrosia. Parang awa mo na ako ang piliin mo. Tayo na lang dalawa ang naiwan kaya sumama ka na sa akin"
Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari kung sakaling umalis ako. Kung hahanapin ba ako ni Cassius. Pero alam kong hindi niya ako mahal kaya wala ng dahilan para hanapin ako. Pero mahal ko siya, hindi ko kayang malayo sa kanya. Pero hindi ko kayang iwan ang kakambal ko. Tama siya na lang ang meron sa akin. Siya na lang ang natitira sa akin.
Alam kong isang pagkakamali ito. Isang pagkakamali ang desisyong pipiliin ko. Siguro kailangan ko ng tigilan 'to, tigilang ang ibigin si Cassius. Kailangan ko ng lumayo sa kanya, dahil kahit ano'ng gawin hindi pa rin ako. Sila ni Suzie ang dapat sa isa't isa. Kami dapat ni Dallas dalawa.
Hindi ko maiwasang mapahagulgol habang iniisip na mamatay si Dallas dahil pinili ko si Cassiuas. Hindi ko kayang maging masaya kung malalaman kong may namatay dahil sa akin. Pagod na akong makarinig ng may namatay naman sa akin.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampiriSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
