AMBROSIA POV
PAGOD kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa pagod. Buong araw akong inangkin nito, hindi man lang nakaramdam ng pagod sa ginawa nito. Hingal na hingal ako, gusto kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magalaw dahil nakatali ang kamay at paa ko sa magkabilaaang kama.
Naramdaman ko na lang ang pagtanggal ng tali ni Cassius sa kamay at paa ko. Dahan-dahan akong tumalikod ng matanggal ito. Hindi ko alam kung saan pinaglihi si Cassius bakit hindi man lang ito naubusan ng lakas. Hindi ko alam Kung bakit wala itong kapaguran. Kakagsising ko nga lang pero ito gising na gising at patuloy akong inaakin.
Hinayaan ko na lamang si Cassius, dahil alam kong ito lang ang kaya kong ibigay at saka mahal ko siya kaya ayos lang sa akin. Hindi kailanman pumasok sa isip ko ang pagkaitan siya lalo na sa pangangailanangan niya bilang lalaki. Saka ito ang hiniling ko, ang katawan ko ang kabayaran sa lahat. Alam kong masaktan pero kuntento na ako kung ano man ang meron ako. Sapa na sa akin na kasama ko siya .
Napaigik ako ng kumirot ang puso ko. Mahigpit akong napahawak sa kama ng sumakit pa ito nang sumakit. Habang patagal nang patagal mas lalong lumalala ang sakit. Kariin akong pumikit at nagdasal na sana mawala na ito. Hindi maaring magpabalik-balik ang sakit, hindi maaring magpatuloy ito.
Mabilis kong na imulat ang mata ko ng hawakan ako ni Cassius sa beywang at hinarap papunta sa kanya. Matamis akong ngumiti ng magkaharap kami. Pawisan ang mukha nito habang ang mga mata nito ay mapupungay. Gusto kong sumigaw pero hindi maari. Hinawakan ko ito sa balikat at mabilis na sinakop ang labi niya.
Handa na akong mamatay, handa na ako. Pero ayaw ng puso ko. Ayaw nitong iwan si Cassius, pero alam kong bilang na lang ang araw ko. Ilang araw na lanh at alam kong bibigay na ako. Alam kong ako mismo ang susuko sa sakit, gusto ko pang lumaban. Pero sadyang lumaki talaga akong mahina. Naluha ako ng sinagot nito ang halik ko.
Akmang lalayo ito ng mas lalo ko siyang hinapit. Gusto kong sulitin ang lahat, gusto ko siyang makasama pero hindi na maari pa. Hindi ko na kaya paunti-unti na akong pinapatay ng sakit. Unti-unti na akong nanghihina. Hindi ko na kaya pa, pero kung sakali mang bigyan ako ng nagtagpo kami ni Cassius sana sa ibang mundo na. Sana sa mundong hindi na magulo. Sana sa panibagong mundo mahal niya na ako.
Pero sa ngayon susulitin ko muna ang araw na kasama ko siya. Gagawin ko muna ang lahat habang nasa tabi ko siya, bubuo ako ng magandang alaala kasama siya. Para kahit papano bago ako mamatay maalala ko pa rin siya. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya. Nawala na ang sakit sa dibdib ko. Matamis akong ngumiti at buong puso siyang tinitigan.
Ang malamig nitong mata ang paborito kong pagmasdan. Pulang-pula ito pero mainit. Napakasarap pagmasdan. Kinabisado ko ang bawat sulok ng mukha nito. Maging ang mapula nitong labi ay hindi ko pinalampas ito ang lagi kong hahanapin. Ang halik niya, nahuhumaling ako sa halik niya.
"Mahal kita Mahal ko, kung sakali mang dumating ang araw na kailangan ko ng mamaalaam. Lagi mong tatandaan na mahal kita. Pagmasdan mo lang ang buwan, isipin mong ako ang buwan na 'yo. Lagi akong nasa tabi mo, lagi mong isipin na may isang tulad ko ang nagmamahal sa 'yo. May isang babaeng patuloy kang mamahalin. Magbago man ang ikot ng mundo, magkalayo man tayo ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko" naiiyak kong bulong sa kanya habang hinahaplos ang pisngi nito
"Hindi man ako perperkto, hindi man ako para sa 'yo basta minahal kita ng totoo. Kahit gaano ka kasama manantili ako. Kahit sino ka man mamahalin pa rin kita. Patuloy pa rin kitang tatanggapin. Hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka. Mahal na mahal kita Cassius" naiiyak kong dagdag at matamis na ngumiti
Akmang magsasalita ako ng may kumatok. Mabilis kong pinunasan ang luha at lumayo. Matamis akong ngumiti ng pumasok si Donnovan.
"Mahal na hari nakaayos na ang lahat" anito at yumuko
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampiroSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
