Uulitin ko Guys. Hindi ako madamot. Sadyang madamot talaga ako char. Kung pagod na kayo umiyak. Pano naman ako. Halos tumulo na nga sipon ko. De joke. Lab u💜
CASSIUS POV
NASA palad ko na ang gamot para sa mahal ko. Akala ko kailangan ko pang mamatay para lang makuha ito.
"Bampira. Alagaan mo siya. Huwag mo na siyang saktan. Mahalin mo siya nang mahalin. Tama na ang galit, alisin mo na sa puso lahat. Lagi mong tatandaan na kahit ano'ng mangyari ay iibigin ka pa rin niya. Kaya, ikaw protektahan mo siya"
"Mackan, salamat. Salamat"
"Bampira. Hindi ko kailangan ng pasasalamat. Ang kailangan ko ay pangako"
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Mangako ka kapag nagising ang mahal mo ay hindi mo na siya sasaktan. Mangako ka na kahit ano'ng mangyari ay hindi mo na siya papaluhain pa"
Nakangiti akong tumango sa kanya. Kahit hindi na sabihin ni Mackan. Gagawin at gagawin ko pa rin.
"Itapat mo lamang sa Dibdib niya ang Nemaniah na 'yan. Hayaan mong magliwanag ito. Gagamutin nito ang sakit sa puso ng mahal mo. Magiging normal na ang tibok nito" paliwanag nito
"Sana kapag nagising siya ay ipakilala mo ako sa kanya. Nais kong makilala pa ang mahal mo" nakangiti nitong sambit
"Hayaan mo Mackan. Bilang kabayaran iniimbitahan kita sa gagawing pagdiriwang namin ng Mahal ko. Ipapakilala kita sa kanya"
"Makakaasa kang dadalo ako. Humayo ka na Bampira. Basta, ang iyong pangako ay asahin kong tutuparin mo"
"Makakaasa ka Mackan. Hindi ko na hahayaang masaktan ang Reyna ko. Gagawin ko na lahat para ma protektahan siya. Aaminin ko na ang totoo kong nararamdaman"
"Nais ko sanang ibigay mo ito sa kanya" sambit nito at inabot sa akin ang mga kumikinang na perlas
Namangha ako ng bigla itong maging isang poseras at korona.
" Bilang isang Regalo ko sa kanya iyan Bampira"
"Salamat Mackan. Hanggang sa muli" nakayuko kong paalam
"Hayaan mong ihatid ko na kayo. Para magising na ang mahal mo" anito
"May kasama ako Mackan. Ang aking alaga na si Bakunawa. Salamat na lamang. Napakalaki nang utang ko sa 'yo"
"Kung ganoon ako kayo na lamang ang aking basbasan bilang pagiingat"
Nakangiti akong tumango.
"Paalam Bampira"
Mabilis akong lumipad papunta kay Bakunawa. Naghihintay nga ito kasama si Kronos.
"Halika na. Nakuha ko na ang gamot para kay Ambrosia" malamig kong sambit kay Bakunawa
"Mabuti naman kung ganoon Mahal na Hari at magigising na ang Reyna" masaya nitong sagot
Seryoso akong tumango. Hindi ko na mahintay pa. Hawak ko na ang gamot. Magigising na siya. Magigising na ang babaeng mahal ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang mumunti niyang tawa at kislap ng ngiti. Mahahalikan at mahahawakan ko na rin siya. Masasabi ko na rin ang totoo kong nararamdaman.
Mabilis akong tumalon pababa nang makarating kami sa kaharian. Lahat sila nag-aabang. Lahat sila naghihintay sa amin.
" Ito ang kaharian ko Kronos" sambit ko kay Kronos
"Salamat Haring Cassius. Malaking tulong na ito sa akin" nakangit nitong tugon
"Andito na ang Hari! " Sigaw ni Poro-poro
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
