CHAPTER EIGHTEEN

1.5K 54 8
                                        

AMBROSIA POV

Mabilis ang bawat ilag at galaw ko habang si Cassius ay panay ang tapon sa akin ng mga patalim. Halos mapatili ako kapag muntikan akong matamaan. Hindi ko alam ang gagawin sa sunod-sunod na pagbato sa akin ni Cassius. Naiiyak ako sa kaba. Sino bang hindi matatakot kung limang palasong ang sasalubong tapos susunan pa ng sampu. Halos matawag ko na lahat pero hindi pa rin tumitigil si Cassius.

"Saluhin mo Ambrosia! " Malakas nitong sigaw.

Nanlaki ang mata ko ng makitang papanain ako ni Cassius. Bathala! Nakakabaliw. Mabilis kong itinaas ang aking kamay at pumikit saka walanv pasabi na pinaikot ang palad ko ng maramadaman ng matulis na bagay sa aking palad. Pinikot-ikot ko ito  na parang isang maliit na bagay. Muli kong dinilat ang aking mata, tagaktak ang aking pawis dahil sa madugong pagsasanay.

Matapos ang mangyari kahapon ay naging pursgido akong matoto at ito ang nakahantungan ko. Mabilis kong nasalo ang espada ng tapunan ako ni cassius. Pinaikot-ikot ko ito at  winagayway. Mabilis kong naiharang ang espada ng atakehin ako cassius.

"Tandaan mo ang bawat galaw ambrosia. Huwag kang pangunahan ng kaba. Ituon mo ang pag-iisip sa pagsasanay natin"

Malakas akong bumuga ng hangin dahil sa sinabi ni Cassius. Mahigpit kong hinawakan ang espada. Seryoso akong nakatingin sa mata niya. Mabiis kong tinaas ang paa ko saka malakas itong sinipa at umikot saka itinaas ang espada at walang pasabing inatake si cassius.

Tanging tunog ng espada at ilag ang maririnig sa liblib na silid kung saan kami nagsasanay. Mabilis akong umilag ng sipain ako at patamaan ako ni Cassius ng espada. Sinipa ko ang paa nito dahilan para mapaupo si Cassius.  Mabilis akong tumayo at nilapitan ito saka itinutok ang espada  sa kanya.

   Akala ko tapos na pero ganoon na lang ang gulat ko ng sipain ni cassius ang espada saka hinablot ang kamay ko at hinala ako nito paikot. Ngayon ang kamay nito ay nakahawak sa beywang ko.

"Mahusay Ambrosia, unti-unti ka ng gumagaling" seryoso nitong wika.

Ramdam na ramdam ko ang mabigat nitong paghinga. Ang pagtaas-baba ng dibdib maging ang hininga na tumatana sa buhok ko. Malakas ko itong  siniko at lumayo saka inatake ng malakas na sipa dahilan para mapadaing at mapalayo ito. Napangiwi ako ng makitang namumala ang mukha nito.

"Cassius naman kasi eh, " naiinis kong turan habang naglalakad palapit sa kanya.

Ang hirap naman kasi ng mga pagsasanay na pinapagawa niya. Sumasakit na ang katawan ko. Talagang, hindi niya ako tinigilan. Masama ko itong tinignan ng makitang ngumiti  ito.

"Kailangan ba talaga ng ganoon, para namang mamatay ako sa pinapagawa mo" Sikmat ko sa kanya at hinawakan ito sa kamay para alalayang umupo.

"Mamatay ka kapag wala kang ginawa" seryoso nitong tugon

"Pero Cassius. Magaling ba talaga ang kalaban, para talagang mas lalo tayong magsanay? " Kuryosidad kong tanong.

"Hindi natin alam ang mangyayri Ambrosia, lahat magbabago. Hindi natin  alam na baka nga mas malakas ito dahil sa nangyayari ngayon"

Kinuha ko ang pamunas saka pinunasan ang pawis na pawis na mukha. Para akong naligo dahil sa sobrang pawis. Pinunasan ko rin si Cassius, ngayon ay pareho  na kaming naliligo sa pawis. Seryoso itong nakatingin sa kawalan, para bang may malalim na iniisip.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari? " Nag-aalala kong tanong at hinawakan ang kamay nito

Seryoso itong umiling dahilan para mapabuga ako ng hangin. Nababaliw na ako sa nangyayari, nababaliw na ako sa mga ginagawa namin ngayon.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now