AMBROSIA POV
MABILIS kaming napabangon ni Cassius nang makarinig ng Sigaw mula sa labas. Mabilis akong nagbihis tulad ni Cassius.
"Dito ka lang , ako na ang lalabas" sambit nito at mabilis na lumabas
Tinambol ako ng kaba dahil sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko naulit na naman ang lahat. Ang nangyari kahapon. Ang pagsugod ng mga kalaban. Mabilis akong naalerto ng bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Terra na nag-aalala.
"Mahal may halimaw sa labas. Kasama nito ang mga mangkukulam na nakamaskara" natatataranta nitong sigaw
Mabilis akong lumabas. Tama nga si Terra. May kakaibang halimaw ang sumugod sa amin. Ang mga kasamahan nitong mangkukulam ay nakikipaglaban sa mga bampira at diwata. Lahat na ay nagsisigawan. Hindi na talaga ligtas ang kahariang ito. Susugod at susugod talaga sa amin ang mga kalaban. Napahawak ako sa tiyan ko nang sumakit ang tiyan ko.
"Mahal na reyna, hindi dapat kayo lumabas! " Sigaw ni Gianluca
Nasasaktang umiling ako. Hindi maaring pabayaan ko sila. Nasa panganib ang Anatolia. Napatingin ako kay Cassius na ngayon ay lumilipad papunta sa halimaw. Nagulat ako ng hindi ito tinablan ng kapangyarihan ni Cassius, halatang malakas nga ito.
"Mamatay kayong lahat! Ang mangkukulam lang ang mamumuno sa kahariang ito. Hindi kayo! " Sigaw ng isang mangkukulam
Masama ko itong tinignan. Hindi ako makakapayag na magwagi ang mga kalaban. Galit kong nilabas ang aking pangil saka mga kukuo. Itinaas ko ang aking palad saka tinapunan ito ng apoy. Sumugaw naman ito nang sumigaw dahil nagliliyab ang apoy sa katawan nito. Hindi ang masasamamg mangkukulam ang magwawagi sa digmaang ito kundi kami.
Napunta ang tingin ko sa halimaw na ngayon ay nakikipaglaban kay Cassius. Alam kong nahihirapan siya kaya huminga ako nang malalim saka malakas na sumigaw. Rinig na rinig sa buong kaharian ang malakas kong sigaw. Ang iba ay nakatip sa tainga nila. Napalunok ako ng hindi tinablan ang Halimaw.
"Hindi siya oridinaryong halimaw. Pinadala siya ni Luxor, kaya hindi natin kaya dahil malakas siya" kinakabahang sigaw ni Gianluca
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Pero akam kong tama si Gianluca. Malakas nga ito dahil hindi man lang natablan ng kapanyarihan ko.
"Kailangan natin si Altansar! " Muling sigaw ni Gianluca
"Sino sila Gianluca? " Nagtataka kong tanong
"Sila ang mga bantay ng kahariang ito" sagot ni Angos
Naawang tumingin ako sa lahat. Hindi pa nagsisimula ang digmaan. Pero ito na ang nangyayari. Nagsisimula na ang madugong labanan. Wala akong ibang malalapitan kundi si bathala. Kaya pumikit ako para magdasal. Nagtitiwala ako kay Bathala kaya muli akong hihiling sa kanya na iligtas kami sa labanang ito. Hinihingi ko ang proteksiyon niya. Hinihingi ko ang kanyang paggabay sa amin. Hindi kami maaring malagay sa panganib lalo pa't nagdadalang tao ako. Hindi sa ganitong sitwasyon.
"Ang alaga ni Olthandor at Altansar! " Sigaw nila lahat dahilan para mabilis kong naimulat ang aking mga mata
Isang kakaibang halinaw ang nakikita ko ngayon. Kakaiba sila, nababalutan sila ng liwanag. Hindi ko alam kung tinupad ba ni Bathala ang hiling ko dahil ngayon pa lang naiiyak ako sa tuwa. Nakatitig lamang ako sa dalawang halimaq na kakaiba. Ang isa ay nababalutan ng Pula at ang isa ay liwanag.
"May isang bampira ang humiling kay Altansar kaya pinabigyan tayo" nakangiting sambit ni Gianluca
Nagtataak ko itong tinignan. Ako ba ang tinutukoy niya? Magtatanong pa sana ako ng magsimula nang maglaban ang mga ito. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Cassius.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampiriSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
