THIRD POV
Sa pagsimula ng digmaan ay ang malakas na sigaw ni Ambrosia habang hawak-hawak ang tiyan. Ramdam niya ang tubig na naglalandas sa kanyang Hita. Nakatingin lamang siya sa labas ng kaharian ng biglang sumakit ang kanyang tiyan. Nagsisimula na ang digmaan at ito na ang senyales na siya ay manganganak.
Mabilis naman siyang binuhat nila Angos papunta sa Neraka. Lahat ay natataranta. Maging sila Angos at Gianluca ay hindi alam ang gagawin. May mga kalaban ang nakapasok kaya nahihirapan sila. Hindi nila ala. ang gagawin dahil nanganganak na si Ambrosia.
"Harangan ang Neraka, nilulusob tayo ng mga kalaban! " Sigaw ni Napoleon
"Hindi dapat sila makapasok dahil mamganganak na ang Reyna! "Dagdag ni Napoleon
Mabilis na humarang sandamakmak na kalaban sa Harapan ng Neraka. Ang iba ay nasa labas ng kaharian nakikipaglaban. Maraming bantay ang nakaharang sa Neraka. Sila Doetrich at Angos ang nasa loob habang si Arty at Napoleon ang nasa labas. Sila ang nakikipaglaban.
Wala silang pinalampas na oras. Pinahiga na nila si Ambrosia. Patuloy na umiiyak ito sa sakit. Agad naman itong inasikaso ni Gianluca. Hinawakan niya ito para hilain ang bata. Paulit-ulit niyang pinapakalma si Ambrosia dahil lahat ay kabado. Ang lahat ng kalaban ay nasa labas na.
"Sigaw pa Mahal na Reyna! " Sigaw ni Gianluca
Tagaktak ang pawis ni Ambrosia habang paulit-ulit na sumisigaw. Rinig na rinig sa buong Zirconia ang malakas niyang sigaw.
"Malapit na! " Muling sigaw ni Gianluca
Lahat sila ay natataranta dahil sa mga kalaban na nakapasok. Rinig na rinug nila ang malakas na labanan sa labas ng Neraka.
" Ayan na! Isa na lang! " Sigaw ni Gianluca
Sa isang malakas na sigaw ni Ambrosia ay lumabas na ang isang sanggol. Ang sigaw ni Ambrosia ay napalitan ng malakas na sigaw ng isang Sanggol. Nakangiting itinaas ito ni Gianluca.
"Lalaki ang anak mo Mahal na Reyna! Naisilang na ang anak ng Hari? " Nakangiti nitong sigaw
Napangiti si Ambrosia ng makita ang malusog na anak. Puno ng dugo ang katawan nito. Mulung napasigaw si Ambrosia ng sumakit ang kanyang tiyan.
"Angos hawakan mo ang bata! May isa pa! " Malas na utos ni Gianluca
Natatarantang lumapit si Angos at hinawakan ang bata. Muling yumuko si Gianluca para hintayin ang paglabas ng bata.
"Isang Ire pa Mahal na Reyna! " Malakas na sigaw ni Gianluca
Naiiyak si Ambrosia sa sakit ng tiyan niya. Napahawak siya sa magkabilaang hawakan at napapaliyad siya kapag sumisigaw.
"Sige pa Mahal na Reyna! "
Mulings sumigaw nang sumigaw si Ambrosia. Binigay niya lahat ng lakas para lang mailabas ang anak. Sa muling pagsigaw niya au sumabay ang sigaw ng isang bata. Mas malakas pa ang sigaw nito.
"Lalaki muli ang anak mo Mahal na Reyna" nakangiting sambit ni Gianluca
"Naisilang na ang Taga-pagmana ng Anatolia. Naisilang na ang Prinsipe. Naisilang na ang dalawa! " Dagdag ni Gianluca
Dahan-dahang ibinigay ito sa kanya ni Gianluca. Naluha si Ambrosia ng makita ang dalawang anak. Kambal ang anak niya at parehong lalaki. Lumakas ang iyak ng dalawang anak ni Ambrosia. Hindi ni Ambrosia alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman.
Ang isang anak niya ay kulay Apoy ang mata. Manang-mana ito kay Cassius at napili niyang pangalanan ito ng Cassudus.
"Kalidus at Cassudus" naiiyak niyang bulong
![](https://img.wattpad.com/cover/225194371-288-k512899.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...