CHAPTER FIFTY NINE

1K 47 1
                                    

THIRD POV

Patuloy sa labanan sila Ambrosia at Alondra. Pareho silang hindi makalusot. Ilag at atake ang ginagawa nilang dalawa. Mabilis na lumipad si  Ambrosia at pinagalaw muli ang alon para ihampas kay Alondra pero nakailag ito.  Lahat ay naglalaban, hindi sila napapansin dahil may kanya-kanyang kinakalaban ang mga kalaban nila. Ang karagatan kanina na maayos ngayon ay nagkakagulo na. Ang nga puno ay nagsusunog na. Pero ang lahay ay hindi nagpapatalo.

Sinangga ni Ambrosia ang espada sa ni Alondra at sinipa ito sa Sikmura. Napasigaw  ito ng madaplisan ni Alondra ng espada sa Braso.

"Hindi na kita itinuturing na kaibigan ni Alondra matapos ng pinagagawa mo. Kaya huwag kang magtaka kung kinakalaban na kita dahil iba na ang tingin ko sa 'yo" malamig niyang sambit

Hawak-hawak ni Alondra ang kanyang Braso na nadaplisan. Masama siyang nakatingin kay Alondra. Imbes na kaawaaan ito ay mas lalo siyang nagagalit dahil alam niyang hindi titigil si Alondra hanggang hindi sila natatalo at naipangako ni Ambrosia  sa sarili na makikipaglaban siya hanggang kamatayan.

"Wala akong pakealam Ambrosia, wala! " Malakas nitong sigaw

Mabilis na tumayo si Alondra at dinampot ang espada. Walang nagawa si Ambrosia kundu kalabanin ito. Hinawakan ni Ambrosia ang kamay ni Alondra at binali dahilan para mahulog ang espada. Malakas niya itong tinulak palayo.

Nilibot ni Ambrosia ang tingin sa buong paligid para hanapin si Cassius pero hindi ni Ambrosia mahanap. Hindi niya ito makita dahil sa dami ng naglalaban. Nagkakagulo na ang lahat. Napailag si Ambrosia ng biglang  umulan ng bato. Mabilis siyang tumakbo ng may apoy na palapit sa kanila. Hindi siya lumingon, hindi niya pinansin ang malakas na sigaw ni Alondra. Gusto niyang makita si Cassius para makausap ito.

Maglalakad na sana siya para hanapin ito ng biglang humarang si Alondra sa harapan niya.

"Sino ang nagsabi na tumakas ka Ambrosia? " Galit nitong tanong

"Hindi kita tinatakasan! Gusto ko lang makita ang asawa ko kaya umalis ka diyan! "  Galit niyang sagot

"Hindi kayo magkikita Ambrosia, magkakamatayan muna tayo! " Galit nitong sigaw

Huminga ng malakas si Ambrosia para sigawan ito pero nakailag si Alondra. Mabilis niyang nilabas ang apoy sa  palad saka pinagtatapon kay Alondra. Nagulat siya ng mabilis itong umilag. Bawat bato niya ay naiiwasan ni Alondra. Hindi alam ni brosia ang gagawin dahil lahat ay  nasubukan niya na para mapatumba ito  pero hindi niya magawa dahil malakas ito.

Susugod sana si Ambrosia ng marinig. niya ang boses ni Amandra. Kinakabahan siyang lumingon, ganoon na lang ang takot ni Ambrosia ng makitang hawak ito ni Luxor. Natulala siya dahil sa takot.  Hindi alam ni Ambrosia ang gagawin o susunod na mangyayari. Naging mabagal sa kanya ang lahat. Pakiramdam ni Ambrosia tumigil ang mundo niya.

"Mamatay ka na Ambrosia! " Malakas na sigaw ni Alondra

Malakas na binaon  ni Alondra ang espada sa dibdib ni Ambrosia dahilan para matulala ito at sumuka ng dugo. Lahat ay napatigil sa nangyari. Lahat ay sabay-sabay na sumigaw  dahil sa gulat. Maging si Cassius ay napatakbo sa gulat. Hindi sila makapaniwala. Pakiramdam nila hindi totoo ang nangyari.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Ambrosia sa espada. Kahit na nanghihina ay humarap siy Kay Alondra at binaon ang espada sa dibdib nito. Tatlong beses ang ginawa niya bago malakas na sumigaw dahilan para tumilapon si Alondra.

Nanghihinang napaluhod si Ambrosia. Naiiyak na tumingin kay Cassius. Patuloy siya sa pagsuka ng dugo,umulan ng malakas at kumidlat. Nawala na ang kadiliman sa paligid. Maging ang pagpula ng buwan, lahat ay napaluhod sa nakita.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon