CASSIUS POV
Wala ng sasakit sa isang tulad ko na nawalan. Iniwan na ako ng mahal ko at ngayon paano ko magagawang mabuhay. Wala ng silbi ang lahat. Ang buhay ko at buhay niya ay iisa. Paano ko magagawang mabuhay kung para na rin akong namatay ng mamatay siya.
Bakit sa dinami-daming kukunin ay ang aking mahal pa. Wala siyang ibang ginawa kundi maging mabuti. Pero kinuha siya sa akin ni Bathala. Binawi agad siya sa akin. Napkaaga niya namang kinuha ang aking asawa. Paano na ang anak ko? Paano na ako?
Hindi ko kayang isipin na hindi makita ang kanyang ngiti. Ang masayang mukha niya. Hindi ko kayang magising na hindi siya ang nakikita. Ang kanyang halik na lagi kong hinahanap ay hindi ko na mararadaman. Ang kanyang yakap na nagpapakalma sa akin ay wala na. Natapos ang lahat sa isang iglap.
Si Ambrosia ang bukod tangi na babaeng minahal ko. Tapos ngayon ay bigla na itong kinuha sa akin. Talagang nakakabigla ang lahat. Hindi ako makapaniwala dahil talagang nakakagulat. Sino bang mag-aakala na sa digmaan pala mawawala ang mahal ko. Sana tinapos ko na lahat. Sana ako na ang natapos. Para hindi siya kinuha sa akin. Dahil napakasakit tanggapin na wala na siya. Sino ba ang mag-aakala na ang babaeng mahal mo ay biglang mawawala.
Sana isang panaginip na lang ang lahat. Sana nanaginip na lang ako para kung sakaling magising ako ay makikita ko pa siya. Pero gising na gising ako ss katotohanan na talagang wala na siya. Hindi ako makapaniwala na aabot sa puntong mawawala siya. Hindi ako makapaniwala na bigla siyang babawiin ni Tadhana sa akin. Bigla siyang kukunin sa akin ni Bathala.
Nanalo kami sa digmaan pero nawalan kami. Namatayan kami, kaya paano namin magagawabg maging masaya kung sa pagkamit ng kapayapaan ay may buhay na nawala.
Ilang beses na akong lumuha at sumigaw. Pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko. Hindi pa rin mawala sa akin ang masasayang alaala namin na mas lalong nagpapadagdag sa sakit.
Hindi basta-basta mawawala ang sakit na ito. Patuloy itong tatak sa puso ko dahil mahal ko siya. Patuloy na mabubuhay ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi basta-basta matutuldukan ang lahat. Hindi ang pagmamahal naming dalawa. Hindi dito magtatapos lahat. Hanggang tumitibok ang puso ko sa kanya patuloy akong aasa na magigising siya. Kapag oras dumating ang araw na 'yon, hindi ko na siya papakawalan pa. Hindi ko na siya iiwan pa. Hindi ko hahayaang maulit ang lahat.
Mabuhay lang siya sapat na sa akina. Mahawakan at makita ko lang siya ay masaya na ako. Kuntento na ako sa kanya.
Nagulat ako ng makita siya na nagliliwanag habang suot ang puting bestida.
"Ambrosia, mahal ko" naiiyak kong tawag
Akmang maglalakad ako palapit sa kanya ng umatras ito.
"Cassius, mahal ko. Hintayin mo ako. Hanapin mo ako"
Naiiyak akong tumango. Hihintayin ko siya kahit ilang taon. Hahanapin ko siya kahit saang lugar.
"Mahal na mahal kita Cassius, maging matatag ka. Maging matapang ka para sa ating dalawa. Huwag kang sumuko dahil nawala ako. Lagi mong isipin na lagi akong nasa tabi mo"
Napahagulgol ako sa sinai ng mahal ko. Hindi ko kayang maging natatag na walaa siya. Hindi ko kaya dahil mahal ko siya, hindi ko kaya dahil minahal ko siya ng sobra.
"Ambrosia, mahal kita mahal na mahal" naiiyak kong sambit
"Mahal din kita Mahal ko. Pero patawad, kailangan kong iwan ka muna. Kailangan kong mawala"
Nanghihinang umiling ako sa kanya. Hindi ko kaya.
"Mapunta man ako sa ibang mundo ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko"
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
