CHAPTER ELEVEN

2K 63 5
                                        

AMBROSIA POV

Mabilis akong tumakbo palapit sa mga bata ng makitang naglalaro ang mga ito. Sandali akong pinalabas ni Cassius sa kaharian pero may mga bantay ang nakasunod sa akin maging si Alondra ay nasa likod ko.

Napangiwi ako ng makitang lumayon akin ang mga batang bampira at mangkukulam. Si mandy lang ang nakangiti sa akin.

"Hala! Huwag kayong matakot sa akin, gusto ko lang makipaglaro" Nakangiti kong sambit

Nanlaki ang mga nito. Hindi makapaniwala. Malaki na ako pero gusto ko pa rin makipaglaro, masaya akong nakakalaro ang mga bata.

"Magagalit si Haring Cassius, paparusahan niya kami" sagot ng isang bampirang bata na mataba.

"Nako! Huwag kayong mag-alala. Ako  bahala"

Bakas sa mata nito ang pagtotol pero lumuhod ako dahila para hawakan ako ni Alondra.

"Mahal na ambrosia, 'wag kayong lumuhod"

Nnginitian ko lamang ito at hinawakan ang mga bata.

"Ano'ng meron? Naglalaro ba kayo? " Nakangiti kong tanong.

"Kaarawan po ni Mandy" sagot ng batang bampira.

Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig hindi makapaniwala.

"Hala! Bakiit hindi ko alam. Kaya ba kayo naglalaro? "

Sabay na nagtanguan ang mga ito. Wala sa sariling napalakpak ako sa tuwa.

"Wala tuloy akong regalo Mandy, sorry"

"Ayos lang ate, hindi naman kailangan"

Mabilis akong umiling. Napamgiti ako ng may  makitang bulaklak sa tabi. Bumunot akobng tatlo at patakbong lumapit kay mandy.

"Happy Birthday mandy" nakangiti kong bati at inabot ang bulaklak.

Nakangiti ito na hindi makapaniwala.

"Sige, batiin natin si Mandy. Pumalakpak tayo"

"Happy Birthday Mandy!  Happy Birthday Mandy" sabay naming sigaw
Nakangiti kaming lahat habang hawak ni   Mandy ang bulaklak. Nakangiti kong hinawakana ang

kamay ng mga bata at umiikot-ikot habang nasa gitna si Mandy.

"Happy Birthday! Happy Brithday! " Natatawa naming kanta habang umiikot at magkahawak kamay.

Sobrang saya ko dahil muli akong may nakalaro. Nakangiti kong binitawan ang kamay nila at nakisali sa  paghahabulan sa kanila.

Nakatingin ako sa kanila habang hinahabol ako ng mga ito. Hawak ko ang mahaba kong bestida, napaigik ako ng matumba ako dahil natapakan ko ang aking bestida.

"Ambrosia! "

Umalungaw-ngaw ang malakas na sigaw ni Cassius, napangiwi ako ng makita ang sugatan kong palad at tuhod.

"Lagot! Galit na ang Hari"  bulong ng batang mangkukulam.

"Paparusahan na tayo"

Bakas sa mga mata nito ang takot.

"Nako! Wala lang 'to, wala kayong kasalanan. Hindi niyo kasalanan" nakangiti kong  sambit kahit masakit ang palad ko.

Nagasgasan ito at namumula. Mabilis na lumapit sa akin sila Alondra na natataranta. Inalalayan ako nitong tumayo. Nanginginig ang kamay nito, inayos ko ang aking bestida. Ang hapdi ng sugat ko.

Ang lampa ko talaga. Napalunok ako ng makitang lumipad si Cassius palapit sa akin, masama itong nakatingin sa mga bata.

"Cassius! " Nakangiti kong tawag.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now