Sabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
Salamat sa lahat ng nagbasa at naghintay sa updated ko. Para sa inyo ang lahat na 'to. Salamat sa mga nag message sa akin kung ayos lang ba ako at nagpapatag ng loob ko. Para sa inyo 'to💜
Andito po ang pic ni Bakunawa at Drametra. Si Drametra po ay iba kay Demetra na nasa Sweet Obsession series. Drametra po ay Dragon, si Demetra naman ay ang ating make-up Artist.
BAKUNAWA
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DRAMETRA
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
AMBROSIA POV
MABILIS ang bawat galaw ko habang tumatalon sa bawat puno. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko si Drametra na nakasunod sa akin. Malakas kong tinalon ang buhangin ng tumigil Drametra. Tagaktak ang pawis ko sa ginawa naming pagsasanay.
"Mahal na Reyna, ang husay mo na" masaya nitong sambit
Mabilis kong nilagay ang bala ng pana ko sa likod at nakangiti itong hinarap. Sa bawat araw na lumipas, tinuon ko lahat sa pagsasanay. Nagsasanay akong mag-isa. Ginawa ko lahat para mas lalo pang gumaling. Pinunasan ko ang aking pawis. Hindi ko alam kung ilang linggo kong binuhos lahat sa pagsasanay. Nagpapasalamat ako kay Drametra dahil sa tubig na nakuha niya, naibsan ang uhaw na naramdaman ko. Pero alam kong panandalian lang lahat. Gaya ng sabi ni Inang Diwata ang dugo ni Cassius ang kailangan ko.
"Hindi pa ito sapat Drametra. Sa digmaang ito hindi sapat ang mahusay lang ako. Hindi sapat ang husay" seryoso kong tugon habang nakatanaw sa karagatan.
Mataas ang sikat ng araw at tumatama ito sa asul na karagatan. Habang ang alon ay umiindak. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang ganda nito, ang ganda ng karagatan.
"Kailangan ng tapang. Kailangan ko maging matapang, kailangan ko isarado ang puso ko. Dahil ang awa ang maglalagay sa akin sa panganib ito ang magpapabagsak sa akin" seryoso kong dagdag
Ngayon naintindihan ko na ang mga tinuro sa akin ni Cassius. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga bagay na sinabi niya sa akin. Sa pagsasanay kong ito siya ang naging lakas ko. Siya ang naging inspirasyon ko, siya ang dahilan kung bakit ako naging desdido na maging matapang. Sa digmaang ito magkalaban kami. Pero alam kong sa digmaan naming dalawa may kumakalaban pa.