CASSIUS POV
MABILIS ang bawat galaw ko habang sinasalubong ang mga kalaban. Si Ama ay seryosong nakatingin sa akin. Muli na naman akong tinuruan nitong magsanay. Nilabas ko ang aking pangil at isa-isa silang tinignan. Mabilis na sumugod sa akin ang isa para kagatin ako ng bigla itong maging abo. Isa-isa ko itong tinitigan. Pinaikot-ikot ko ang apoy sa akin palad. Hinayaan kong lumaki ito saka galit na tinapon sa kanila. Para itong mga bata na umiiyak. Unti-unting kumalat ang apoy sa kanilang katawan hanggang sa muli itong abo at liparin ng hangin.
Ganado ako sa pagsasanay dahil sa nangyari sa amin ni Ambrosia . Ginanahan akong magsanay dahil sa kanya. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Nagkakaroon ako ng lakas para magsanay nang magasanay araw-araw. Mamayang gabi muli ko siyang pupuntahan kaya habang hindi pa naggagabi aabalahin ko muna ang sarili ko sa pagsasanay.
"Magaling Anak, nagagamit mo na ang iyong kapangyarihan. Magsanay ka lamang nang magsanay dahil gagaling ka pa. Lalakas pa ang iyong kapangyarihan" nakangiting sambit ni Ama sa akin
Kung alam lang ni Ama ang dahilan ko kung bakit ko pa mas lalong ginagalingan dahil tulad ng sabi ni Ama. Hindi ko ito gagawin para sa sarili ko kundi kay Ambrosia na. Seryoso kong inabot ang espada sa bantay. Nakaakbay sa akin si Ama habang naglalakad-lakad kami aa kaharian. Lahat yumuyuko kapag dumadaan kami. Ganito ang buhay namin sa kaharian. Ginagalang ng lahat. Nirerespeto at higit sa lahat at kinakatakutan dahil sa bagsik na pamumuno ni Ama.
"Nagsumbong sa akin Si Suzie. Sinabi niya sa akin ang pagtrato mo sa kanya. Ipinaparamdam mo daw sa kanya na hindi siya mahalaga" seryosong paliwanag ni Ama
Nag igting ang panga ko sa sinabi niya. Talagang sinasagad ni Suzie ang pasensiya ko. Kailangan niya pang magsumbong kay Ama. Kailangan niya pa magmakaawa para ako ang magmukhang masama. Hindi ko alam kung bakit sobrang desperada niya at kailangan pang ikalat. Hindi na lang siya manahimik. Kaya, ayaw na ayaw ko sa kanya. Ang galing-galing talaga niyang magmanipula. Hindi ko talaga siya magugustohan kahit ano'ng gawin niya.
"Talaga bang ayaw mo sa kanya dahil ginawa niya naman daw ang lahat para mapansin at magustohan mo. Pero ikaw daw talaga ang umaaayaw sa kanya" dagdag nito
Halata namang ayaw ko sa kanya. Pinapakisamahan ko lang siya dahil isa siyang Prinsesa. Kailangan kong makisama bilang anak ng Hari. Siya ang nakatakda sa akin kaya kailangan ko siyang tratuhin ng maayos. Kung ordinaryo lang siyang babae baka kanina pa siya nasunog sa akin.
" Ang dami niyang sinabi sa akin. Umiiyak pa siya. Tulongan ko daw siya na ilapit sa 'yo"
Naikuyom ko ang aking palad dahil sa sinabi ni Ama. Pati si Ama dinadamay niya sa kanyang pagiging desparada. Bakit hindi na lang siya kumilos na mag-isa.
"Talaga bang ayaw mo sa kanya anak? " Seryosong tanong ni Ama sa akin
Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong ni Ama. Hindi ko kailangan dahil Ama ko naman siya.
"Ayaw na ayaw Ama. Hindi ko nakikita ang sariling sasaya sa piling niya. Naiinis ako sa mga inaakto niya at lalo na sa ugali niya. Hindi ko alam kung bakit siya ang itinakda sa akin. Bakit hindi na lang iba" naiinis kong sagot
Bakit hindi na lang Si Ambrosia? Masaya ako sa kanya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya na sasaya at alam kong magiging mabuti siyang asawa sa akin. Hindi ko na mahintay na masabi kong pwede ko na siya maging Reyna. Kapag talaga lumaki na ako. Kapag oras ako na ang hari. Kukunin ko agad siya. Sasabihin ko na sa kanya na siya ang magiging Reyna at asawa ko.
"Kapag oras may ayaw ka at kainiinisan . Isa lang ang ibig sabihin. May iba ka nang nagugustohan kaya ayaw mo mo sa kanya dahil gusto mo 'yung taong gusto mo"
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampiroSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
