AMBROSIA POV
NAKANGITI akong nakatitig kay Cassius habang hinahaplos ang mabuhok nitong dibdib. Kakatapos lang namin gumawa ng ka milagruhan. Napagod ata si Cassius, dahil nauna itong matulog kaysa sa akin. Nakangiti kong hinahalik-halikan ang labi nito.
Akala ko talaga wala ng pag-asa, akala ko magagalit siya kapag nalaman niyang mahal ko siya. Pero wala akong naramdaman, parang ayos lang sa kanya na mahal ko siya. Masaya ako dahil hindi niya hiniling na lumayo ako at hindi siya mahalin. Kung 'yon ang gusto niya tutuparin ko. Kung 'yon ang gusto ng lalaking mahal ko papayag ako.
Kung saan siya masaya ako doon ako. Ayaw kong mamilit, ayaw ko siyang pilitin. Ayaw kong sapilitan niya akong mahalin. Gusyo ko mahalin noya ako ng hindi napipilitan. Kusa niya akong mahalin tulad ng pagmamahal ko. Napahalakhak ako ng hawakan ako nito sa leeg at hinila para mahalikan. Unti-unti nitong minular ang mga mata."Magandang gabi" natatawa kong bati
Nagulat ako ng isiksik ako nito sa dibdib niya. Wala pa rin talaga itong balak na bumangon. Pakiramdam ko tuloy para na rin akong bampira. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Ayaw ako patulogin ni Cassius pag umaga. Medyo nasasanay na rin ako. Ilang buwan na rin ako sa Kaharian ng Anatolia, kaya unti-unti ko ng nalalaman lahat at natotonan.
"Cassius, hindi ba't may pagpupulong kayo? "
Narinig ko ang usapan nila ni Poro-poro na mag-uusap silang lahat ng mga mangkukulam at Bampira.
"Tssk"
Napabusangot ako, dahil talagang hindi pa ito babangaon. Nauna na akong bumangon at hinila siya patayo.
"Dali na Cassius, hinihintay ka na nila"
Pero si Cassius talaga 'to eh, matigas ayaw makinig. Para akong humihila ng kahoy sa bigat nito. Natumba ako sa ibabaw nito dahil sa ginawang pagpapabigat.
"Cassius! "
Hindi ako pinakinggan, kaya walw akong nagawa kundi hampasin ito sa dibdib dahil sa inis. Napayakap ako ng bumukas ang pintuan at pumasok si Anahita. Bakas sa mata ang gulat nito ng makitang nasa ibabaw ako ni Cassius.
"Sino ang nagsabi na pumasok ka Anahita! " Galit nitong sigaw.
"Paumanhin mahal na hari. Akala ko kasi natutulog pa kayo"
"Labas! " Malamig nitong utos
Mabilis itong lumabas ng sumigaw si Cassius. Malakas akong bumuga ng hangin ng makitamg galit na naman ito.
"Kailangan ka na siguro sa Bethoven, kailangan mo ng umalis"
Umalis na ako sa ibabaw nito para kunin ang saplot ko, sumunod naman si Cassius. Walang nagsalita sa amin. Umupo ako sa harap ng salamin para ayusin ang buhok kong magulo.
"Hihintayin na lang kita Cassius" nakangiti kong sambit.
Tinulongan ko itong ayusin ang damit, ako na ang nagsuot ng butones nito.
"Sasama ka sa akin, hindi ka mananatili dito na wala ako"
Napangiti ako sa sinabi nito. Sabay na kaming lumabas. Hinawakan ko ang kamay ni Cassius para mabawasan ang kaba ko. Nang makarating kami sa Bethoven kung saan nagpupulong ang mga Bampira at Mangkukulam lahat ay napauopo ng maayos na makita kami.
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...