CHAPTER TWENTY EIGHT

1.3K 47 1
                                    

Poro-poro Pov

HINDI ko alam ang gagawin para pakalmahin ang  hari. Kung magsusumbong ba ako sa nalama ko o hindi. Pero palala nang palala ang lahat habang tumatagal.

"Hanggang ngayon wala pa rin? " Galit nitong tanong

Kinakabahan namang tumango ang mga bantay. Napaitgtas ako ng may tumalik sa akin na malamig na bagay. Ganoon na lang ang gulat ko ng maramdaman ang malamig na bagay. Nanlamig ako ng  makita ang pulang likido. Dahan-dahan kong tinignan ang hari. Muntikan na akong mapatili ng makitang hawak na nito ang  ulo ng bantay. Mabilis kong iniwas ang tingin, dahil pakiramdam ko ngayon pa lang  nakaihaw na ako at pinpakain kay bakunawa.

"Poro-poro! " Malakas nitong sigaw dahilan para kabahan ako

"Mahal na Hari, " kinakabahan kong tugon at yumuko

"Ano'ng lugar na lang ang hindi napupuntahan ng mga bantay? " Malamig nitong tanong

"Ha? Hindi ko pa po natitignan" kinakabahan kong turan

Hindi maaring ako ang magsabi na alam ko kung na saan si Amrosia. Hindi ako maaring at lalong ayaw ko maihaw ng maaga.

"Gusto mo bang ihawin kita! " Galit nitong siga

Ganito na lang lagi ang nangyayari sa buong anatolia. Sigaw ng hari ang maririnig. Hindi na ito nadadala sa simpleng kalma o salita.  Sa tuwing nabibigo ang mga bantay ay namamatay agad.

"Mahal na Hari,  maaring ang piscina. Kung saan malayo sa apat na kaharian" sambit ni Gianluca

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Kinakabahan ako dahil alam kung ngayon pa lang sigurado akong patay na kaming lahat.

"Ang tagong lugar ng Piscina ang hindi na lang natin napupuntahan at ito  lang ang  maaring puntahan nila" dagdag ni Gianluca

Ngayong alam nang Hari kung na saan si Ambrosia, isa lang ang siinisigurado ko hindi ito babalik na hindi makukuha si Ambrosia. Hindi ito tiitigil, sa sinabi ni Gianluca ngayon Paniguradong   ang hari na ang lulusob sa piscina at sigurado akong marami ang madadamay.

"Donnovan, gusto kong maglagay ka ng mga bantay papunta sa mundo ng mga tao. Hindi na sila maaring makatakas ngayon" mariing utos ni Haring Cassius.

"Angos, ihanda lahat ng bantay. Maging ang mga mangkukulam ay tawagin niyo.. Dahil lulusob na tayo sa piscina. Lahat ng mga Bampirang diwata ay kukunin at ang mga lobo. Dadalhin sa kahariang ito para gawing Mga alipin" mariin nitong dagdag at mabilis na umalis

Napalunok ako sa inutos ni Hari. Paniguradong mauuwi ito sa digmaan. Ano na lang ang mangyayari? Ano ang gagawin ko para matulongan si Ambrosia, para matulongang makatakas ang mga kasamahan nito.

"Bakit hindi mo sinabi ang Totoo Poro-poro na talagang alam mo naman talaga ang lahat" ani Peri-peri

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Peri-peri, talagang gusto niya akong maiihaw ng hari.

"May alam ka Poro-poro? " Tanong ni Gianluca

Napalunok ako ng makita ang tingin ni Gianluca at Ang Vampirus. Ito ang sinasabi ko. Kapag ako ang nagsalita ihaw ang aabutin ko. Pero kahit hindi ako magsalita maiihaw din pala ako dahil sa ginawang panglaglag sa akin ni Peri-peri. Minsan gusto ko itong sakalin, pero dahil gusto ko siya hindi ko magawa.

May balak pa akong magkaanak. Ayaw kong mamatay ng maaga, gusto ko pa makita ang Hari na nakangiti at umaming Mahal si  Ambrosia. Pero sa nangyayari ngayon, si peri-peri pa mismo ang nanglaglag sa akin..

Ang laki ng problema ko. Kaibigan na nga ang turing niya sa akin tapos ito pa. Tanggap ko naman na hindi niya ako gusto bilang magiging asawa niya. Pero 'wag naman sana umabot pa sa punto na gusto niya ako ipaihaw.  Masakit na nga sa puso ang sabihin na hanggang kaibigan  lang kami, masakit na nga ang buhay pag-ibig ko tapos mamatay pa ako. Grabe na talaga ang kamalasang nangyari sa akin.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon