CHAPTER FIFTY FOUR

1.2K 53 5
                                        

AMBROSIA POV

NAKANGITI akong naglalakad palabas sa amimh silid ni Cassius. Malaki-laki na rin ang aking tiyan kung kaya't nahihirapan na akong maglakad.  Todo na rin ang paghihigpit ni Cassius sa akin. Hindi ko pa alam kung kailan ako manganganak. Pero sa laki ng tiyan ko ay bala malapit-lapit na.

Pinagbabawalan talaga ako ni Cassius lumabas pero may gusto akong kainin kaya ako lumabas. Sa paglilihi ko ay si Cassius ang nagbigay. Tuwing naiinis ako at nagagalit ay nilalambing niya ako. Kung minsan pa ay umiiyak ako dahil sa ayaw ko siyang makita. Nagmamakaawa naman sa akin si Cassius na huwag ko siyang palayuin kaya ang nangyari sa baba siya natulog at ako sa kama. Minsan naman kapag masaya ako ay nanlalambing ako sa kanya. Minsan kapag gusto kong yakapin at halikan siya ay ngumingiti naman agad ito.

Minsan kapag nag-iinit ako ay agad akong pinagbibigyan ni Cassius. Naawa na ako sa kamya dahil alam kong pagod na siya sa dami ng ginagawa at higit sa lahat ay mas lalo pa itong pagod dahil sa pag-aasikaso sa akin. Pinagsabihan ko naman siya na  huwag na muna akong alalahanin. Pero ayaw niyang mapatalo. Pinipilit niya pa rin akong alagaan.

Dahil do'n mas lalo ko siyang minahal.  Hindi niya ako sinukuan kahit minsan hindi na ako maintindihan dahil sa pagbubuntis ko. Kahit hirap na siya dahil sa mga kalaban. Pinipilit niya pa ring maging asawa at ama sa amin. Pinanidigan niya ang lahat para lang  magmpanan ang  tungkulin sa amin.  Hindi lang sa amin kundi sa lahat. Kumg hindi lang ako buntis sana natulongan ko na siya. Kaso lang nakisabay pa ngayon.

Pero hindi ko masisi si Bathala kung bakit ngayon niya pa kami pinagbigyan sa aming hiling na magkaroon ng anak. Kailangan lang talaga naming maging matatag dahil hindi madali ang pagsubok na haharapin namin.

"Mahal na Reyna, bakit po kayo lumabas? " Kinakabahang tanong ni Terra sa akin

"Hinahanap ko si Cassius" nakangiti kong sagot

"Nasa Bethoven po sila nagpupulong" nakayuko nitong paliwanag

Nakangiti akong tumango. Si Terra ay nanatili pa rin kaming magkaibigan at malapit sa isa't isa. Habang tumatagal ay naging matatag kami.

"Inuulan  tayo ng mga pana at iba pa sa labas na kaharian. Hindi pa rin sila tumitigil"

Napabuga ako nang hangin sa sinabi ni Terra.  Sa bawat araw na lumilipas. Talagang hindi sila tumitigil. Ayaw nilang tumigil. Hindi ko alam ang gagawin sa kanila. Sumasakit na ang ulo ko dahil patulot silang nanguguoo. Salamat na lang sa bantay ni Olthandor at Altansar dahil naging ligtas kami. Hanggang hindi pa nstatapos ang digmaan patuloy na  mangngulo ang mga kalaban. Hindi sila titigil sa amin. Hindi nila kami titigilan kaya kailangan ng matapos ang laban. Kailangan ng maayos ang lahat dahil siguradong marami ang masasaktan.

Sa digmaang ito matira matibay. Lahat ay magbubuwis ng buhay kaya hanggang magkasama kaming lumalaban ay hindi kami mawawalan  ng pag-asa na manalo. Matatapos ang digmaang ito. Siguro mahirap at masakit pero naniniwala ako na sa bawat buhay na  mamawawala ay may naghihintay na tagumpay.

"Hanggang kailan pa ba matatapos 'to Terra? Napakadami ng nasasaktan at nadadamay. Ilang buhay  pa ang kailangan mawala? Ilan pa ang kailangan masaktan? Napakahirap ng ganito"

"Huwag kang malungkot Ambrosia.. Huwag kang mapanghinaan ng loob dahil hindi tayo papabayaan ni Bathala. Isipin mo na lang ang iyong magiging anak" nakangiti nitong turan sa akin

Malungkot akong ngumiti. Iniisip ko naman sila. Pero hindi ko talaga maiwasang kabahan pagdating na sa iba. Hindi ko kayang maging kampante. Hindi ko kayang isipin ang sarili hanggang may nasasaktang iba.

"Malapit ka na sigurong manganak dahil napakalaki ng iyong tiyan. Baka bigla ka na lang manganak . Kaya kailangan mo mag-ingat. Hindi mo dapat pinapagod ang iyong sarili. Huwag mong isipin ang digmaan, isipin mo ang nasa sinapupunan"

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now