CASSIUS POV
SA tanang buhay ko wala akong nasabihan sa buhay na naranasan ko. Hindi ko akalain na sa mismong mahal ko nasabi lahat. Kitang-kita ko ang paghanga sa kanyang mata at awa. Hindi ako nagsisi na sinabi ko sa kanya lahat. Alam kong hindi si Ambrosia ang tipong nanghuhusga. Nagawa niya nga akong tanggapin sa kabila ng ugaling meron ako. Hindi na ako takot na makita ni Ambrosia ang totoong ako. Hindi ako takot na sabihin sa kanya lahat ng saloobin ko dahil alam na alam kon siya at siya lang ang makakaintindi sa akin.
Akala ng lahat ang buhay ko ay madali. Bilang isang Anak ng hari ay mapapasunod at makukuha mo na lahat. Akala nila madali ang maging matapang sa kabila ng lahat. Nagsimula ako sa pagiging mahina. Nagsisimula ako sa pagiging duwag. Umiyak muna ako bago ako naging bato. Nasugatan muna ako bago naging mahusay. Naghirap muna ako bago narating ko ang lahat ng 'to. Hindi madali ang maging masama. Hindi lahat nh masasama hindi na nasasaktan. Hindi naman lahat ng nakapatay wala ng puso.
Sa Mundo ng Zirconia kilala ako na walang puso. Hindi marunong maawa. Pero hindi nila alam na may puso pa rin ako kahit papano. Hindi nila alam kung paano ko nilabanan lahat ng konsensinsiya at higit sa lahat ang emosyon. Hindi madali ang lahat, hindi madali ang buhay ko. Malungkot akong ngumiti sa mahal ko ng maalala ang lahat. Kung paano ako sinanay ni Ama. Muling bumalik sa isip ko lahat ng pangyayari.
"Hindi ka maaring maging Hari, kung iiyak ka. Hindi ka magiging Hari, kung dahil sa simpleng sugat. Susuko ka na! Tumayo ka diyan Cassius! Lumaban ka! " Galit na sigaw ni Ama
Naiiyak kong kinuha ang espada. Hindi ininda ang sakit ng binti ko dahil sa sugat. Nanginginig ko itong tinutok sa bantay. Hating gabi na pero kailangan ko pa rin magsanay. Tanging apoy ang nagbibigay ng liwanag sa buong Quadra habang nakapalibot ang mga bantay. Si Ama ay nakatingin sa akin, habang si Ina au malungkot na ngumiti at tumango.
"Isarado ang puso. Buksan ang isip. Isipin mo na kalaban ang iyong kaharap at kailangan mo siyang patayin" malamig nitong sigaw
Nagulat ako sa sinabi ni Ama. Hindi ako makapaniwala na papatay ako. Nang makita ni Ama na nagulat ako ay mabilis itong tumayo.
"Huwag kang tumingin sa akin ng Ganyan. Kumilos ka! Tandaan mo ang tinuro ko. Paganahin mo ang iyong kapangyarihan! " Galit nitong sigaw
Mabiliis akong kumilos dahil alam kong paparusahan ako ni Ama kapag hindi ako sumunod. Napayuko ako ng magbato ng patalim ang bantay. Mabils akong naalerto ng lumapit ito sa akin para kagatin ako. Mariin ko itong tinitigian. Unti-unti itong nasunog. Mabilis ko itong sinugod at binaon ang espada. Sumigaw ito nang sumigaw hanggang sa naging abo. Iyon ang unang pagkakataon nakapatay ako sa murang edad.
Nakaramdam ako ng takot at konsensiya. Magdamag akong umiyak no'n. Hindi ako lumabas sa silid, dahil naalala ko ang ginawa kong pagpatay. Hindi ako makapaniwala na nakapatay ako. Galit akong pinuntahan ni Ama sa silid.
"Cassius, hindi ka dapat umiiyak at nagkukulong sa silid na ito. Hindi ka dapat makaramdam ng Awa! Tumayo ka diyan at magsanay! " Galit nitong utos
Nanginginig akong sumunod.
"Cassius, kapag hindi ikaw ang pumatay. Ikaw ang papatayin. Mapaglaro ang mundong ito. Kapag oras naawa ka, ikaw ang kawawa. Imbis na kaawaan mo sila ikaw pa ang magiging kawawa dahil mamatay ka sa awa na 'yan. Sa huli ikaw ang papatayin nila"
Napatitig ako sa mata ni Ama. Kalmado ito pero mabagsik. Lahat takot kay Ama, lahat napapasunod ni Ama sa isang salita.
"Itatak mo sa isip Anak na kapag oras naging mabuti ka. Hinding-hindi nila ibabalik ang mga bagay na ginawa mo sila. Aabusuhin ka nila kapag alam nilang mabuti ka. Aapihin ka nila kapag alam nilang mahina ka. Kapag alak nilang maawain ka papatayin ka nila. Hindi patas ang naninirahan sa mundo. Kahit ano'ng gawin mo para sa kanila. Masama ang ibabalik nila sa 'yo. Kaya, huwag mong isipin na tinuruan kitang maging masama dahil gusto ko. Ginawa ko ito dahil para sa 'yo lang din. Para maportektahan mo ang iyong sarili sa pagdating ng panahon. Ikaw ang susunod sa yapak ko bilang Hari. Sa 'yo aasa ang mga Kalahi natin Anak, kaya tatagan mo ang iyon loob. Hindi lang ito ang iyong mararanasan pag dating ng panahon"
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...