CHAPTER FOURTEEN

1.7K 50 15
                                        

AMBROSIA POV


TULALA akong nakatingin sa kawalan habang nasa paligid ko ang Vampirus at Poro-poro. Nasa tabi ko si Cassius. Hindi ko maintindihan kung tama ba ang narinig ko na ako na ang Reyna. Kani-kanina lang hiniling ni Alondra na maging reyna ako tapos ngayon andito na nga.

"Cassius, hindi ko alam na masasaktan ko si Anahita.  Siya ang na una. Ang gusto ko lang naman ay hanapin si Poro-poro tapos hinarangan niya ako" naiiyak kong paliwanag.

Hindi talaga ako makapaniwala na muli ko 'yong nagawa. Sabi sa akin ni Ina ay iwasan ko ang magalit dahil magdudulot ito ng kakaiba.  Naalala ko ang sinabi ni Ama sa akin noon. Ang kapangyarihan ko ay malalaman lamang kapag na markahan ako ng Nakatakda sa akin. Pero imposible naman 'yon, dahil hindi si Cassius ang nakatakda sa akin kundi isang Lobo.

Hindi ko alam kung masasabi ko ba na 'yon ba ang kapangyarihan ko, dahil minsan ko na rin 'yong nagawa ng may nanakit sa akin. Pero nvayon muli ko na namang nagawa. Ako ang kinakabahan. Hindi ko maintindihan.

"Hindi ko ginustong manakit, maniwala kayo. Ayaw kong manakit, ayaw na ayaw"

Napatakip ako ng mukha dahil sa takot.  Natatakot ako sa hindi malamang dahilan. Masyado akong nabigla sa nangyari.

"Pero ambrosia, kitang-kita ko ang pag apoy ng mata mo at ang iyong pangil" sambit ni Poro-poro.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Pero imposibleng maging apoy ang kulay purple kong mata. Nagiging ginto ito pero hindi nagiging pula. Kaya hindi ko maintindihan.

"Hindi ko alam Poro-poro, masama na ba ako? Masama ba ako dahil sinaktan ko si Anahita. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanya"

"Hindi ka masama Ambrosia, tama lang ang ginawa mo. Pinagtanggol mo lang ang sarili mo" sagot ni Angos.

"Pero dapat hindi ako gumanti, dapat hinayaan ko na lang. Kasi masama ang gumanti. Pero ginawa ko"

Sana talaga pinigilan ko na lang ang galit ko. Sana hindi ko na lang siya pinatulan. Sana hindi umabot sa ganito. Pero hindi naman kasi tamang sabihin niya 'yon sa akin at iduro ako. Walang sino man ang nakagawa sa akin noon, siya lang kaya parang mas lalo akong nagalit.

"Tama lang ang ginawa mo. Hindi pa 'yon sapat dahil papahirapan ko pa siya" malamig na sambit ni Cassius.
"Pero Cassius, may kasalanan ako. Nadala  lang siya ng galit dahil pinarusahan mo siya" kinakabahan kong sambit saks hinawakan ito sa kamay.

"Ambrosia, mali pa rin ang ginawa ni Anahita. Wala siyang karapatan na duruin ka. Ang pag duro sa isang tao ay pagpapakita ng pamamaliit. Minaliit ka niya, pinamukha niya sa 'yo na wala kang kwenta. Kaya nararapat lang sa kanya ang ginawa mo at hindi pa 'yon sapat"  Mahinahong paliwanag ni Gianluca.

"Masama ba ako dahil nanakit ako? Masama na ba ako dahil sinaktan ko siya? " Naiiyak kong tanong.

"Walang mali sa pagtatangol sa sarili. Tandaan mo Ambrosia sinaktan ka niya. Kaya nararapat lang na gumanti ka" singit ni Arty.

Gusto kong maniwala sa sinasabi nila pero inuusig ako ng Konsensiya ko. Nakakakonsensiya.

"Sorry Cassius" mahina kong sagot.

"Tssk"

"Aalis po muna kami mahal na hari para maayos na mamaya ang paghahanda" paalam ni Poro-poro.

Nagulohan ako sa sinabi nito. Hindi ko alam ang paghahandang sinasabi nito.

"Sasabihin na namin na si Ambrosia na ang Reyna ng Anatolia. Siya na ang bagong kabiyak ng Hari" nakangiting sambit ni Gianluca.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now