Guys tamang pambawi lang sa mga humiling ng Pov ni Cassius. Hindi po ako madamot. Sadyang ayaw lang makisama ng utak ko.
Sagutin ko na tanong niyo.
Anong name po ng mga Song na kinanta ni Ambrosia?
-Jusko! Huwag niyong tanungin ako lang mismo ang gumawa ng kantang 'yan. Partida! Sintunado pa 'yan.
Paano niyo po naisip ang kwentong ito?
-Po? Ahhaha. Hindi ko alam. Basta, tamang imbenti lang. Kung napapansin niyo ang mga Scenario, name place at also ang bawat detalye. Gawa-gawa ko lang..Madali lang sa akin ang mag imbento dahil Fantasy naman 'to.
-Hanggang ilang Chapter ito? Patapos na ba ito?
-Shit! Sana matapos na. Sabay-sabay tayong magdasal. Malayo pa lalakbayin natin.
-Isang daang Chapter po ito. Tapos tatlong libro po. Kaya magdasal na tayo🙄😂
CASSIUS POV
ANG maamo nitong mukha ay napakasarap pagmasdan. Nakangiti kong hinawakan ang labi nito at pisngi. Ang labi niyang napakalambot na laging humalik sa akin. Nawala ang ngiti ko na maramdaman ang yapak na papalapit.
"Mahal na Hari. Handa na po ba kayo para kunin ang gamot ng Reyna? " Tanong ni Gianluca
Malamig akong tumango. Mabilis akong humarap sa kanya. Nais akong may linawin ako. Hindi ko lang maintindihan kung malala na ang sakit niya bakit ngayon lang lumalala? Bakit hindi pa noon?
"Gianluca, kung talagang mahina ang tibok ng puso niya. Bakit ngayon lang lumalala? Bakit hindi noon? " Seryoso nitong tanong
"Dahil binalewala niya ang sakit. Mas pinili niyang hindi ito pansinin. Pero sa totoo lang nasasaktan na talaga siya. Alam niyang hindi na rin siya magtatagal, dahil habang patagal nang patagal. Hindi na ito nadadala sa balewala. Mas lalong humihina at sumasakit. Ngayon lang lumalala at nagsamasama, dahil ngayon niya lang naramdaman ang sakit. Araw-araw lang siyang ngumingiti. Pero sa totoo lang nasasaktan na siya" nakayuko nitong tugon
Isang babae na kailanman ay hindi inisip ang sarili. Isang babae na handang akuin lahat para sa mga mahal sa buhay. Hindi ko maiwasang masaktan. Alam kong nasasaktan siya. Ramdam ko pero mas pinili ko ring balewalain dahil alam kong wala na akong magagawa.
"Ang pagiging positibo sa buhay at lalong pagiging masayahin ang dahilan kung bakit naging masaya ang kaharian. Isang bagay na natotonan ko sa kanya Mahal na Hari. Kapag nagmahal ka, dapat handa kang tanggapin lahat. Hindi mo na kailangan pa bilangin ang mali ng mahal mo para hindi siya mahalin. Si Ambrosia ang nagpapatunay na ang pag-ibig ay makapanyarihan. Pinatunayan niya na hanggang may pag-asa. Magagawa natin ang lahat"
Napatitig ako sa nakapikit niyang mata. Hindi siya basta sumuko, hindi man siya kasing tapang na lahat. Pero masasabi akong isa siyang matapang na babae na nakilala ko. Hindi man siya matapang sa pakikipaglaban. Pero matapang siya para indain lahat ng sakit.
"Nais kong bantayan niyo siyang maigi. Walang maaring makapasok sa silid nito. Walang maaring gumalaw sa Asawa ko. Kailangan pag-uwi ko maayos ang lahay niya" malamig kong utos kay Gianluca
"Masusunod Mahal na Hari. Hihingi ako ng gabay kay Bathala para sa inyo. Sana magtagumpay kayo sa pagkuha ng gamot" nakangiti nitong turan
Mabilis akong tumango at tumalikod. Lahat nakayuko ng dumaan ako.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
