AMBROSIA
Mula sa sinag ng buwan sabayan pa ng Bituing nagliliwanag ang tangi kong makikita si madilim na kalangitan. Malakas na simoy ng hangin ay dumadampi sa aking balat, wala akong ibang ginawa kundi panuorin ang kalangitan.
Ang dami kong iniisip, ang daming gumugulo sa akin kaya habang nag-iisip ako ay tumitingin na lang muna ako sa kalangitan. Maganda mag-isip kapag nakatanaw ka sa magandang tanawin. Isabay pa ang masarap na hanging humahampas sa akin.
"Ambrosia, bakit hindi ka pa natutulog? Hating gabi na ah, " seryosong tanong ni Mama Kristine
Kinuha ni Mama Kristine ang suklay saka sinimulang suklayin ang mahaba kong buhok. Ito ang laging ginagawa sa akin ni Mama bago matulog. Si Mama Kristine ay hindi ko totoong Ina. Siya lang ang tangi kong kasama dahil wala siyang anak kaya ako ang itinuring niyang anak. Wala akong masasabi dahil mabait nga ito, lahat binigay sa akin, lahat pinaramdam niya sa akin. Itinuring niya akong anak at inalagaan ako ng mabuti ni Mama.
"Iniisip mo pa rin ba ang mga Bampira? Hanggang ngayon pa rin ba ay palaisipan mo pa rin 'yan? " Muli nitong tanong sa akin dahilan para mapa-iling ako
Napabuntong hininga ako sa tanong ni Mama. Sa bawat araw na lumilipas ay ito ang laging tinatanong sa akin ni Mama... Lagi siyang nagtatanong kung iniisip ko pa ba ang mga Bampira.
"Mama... lagi ko naman silang iniisip, kailanman ay hindi ito nawala sa isip ko. " Naka-ngiti kong sagot kay Mama
"Ngunit Ambrosia... Hindi mo na dapat 'yon iniisip. Labas ka na sa bagay na iyan mula noon at hanggang ngayon."
Malungkot akong ngumiti kay Mama Kristine, hindi ko alam kung dapat ba ako maging masaya dahil sa sinabi niya o dapat akong masaktan. Labas na nga ako. Ngunig hindi ko pa rin magawang isipin ang mundong iyon. Ang mundo ng mga Bampira.
"Ngunit iyon ang mundo ko Mama, dugong Bampira rin ang nanalaytay sa akin. Isa rin akong Bampira M-mama." Malungkot kong bulong dahilan para si Mama naman ang mapa-buntong hininga
Paano ko hindi iisipin ang totoong mundo ko? Mundo ko 'yon, kaya hindi ako masisi ni Mama na isipin ang mundo ko. Hindi man ang namulat sa mundo ng mga Bampira. Hindi pa rin mapagkakaila na isa rin akong Bampira.
"Tandaan mo Ambrosia, hindi na 'yon ang mundo mo. Dito ka na nabibilang sa mundo ng mga tao. Sabihin na natin na isa kang Bampira ngunit sa mundo ng mga tao ka nakilala." Naiiling na paliwanag ni Mama sa akin
Paulit-ulit na lang sinasabi ni Mama Kristine na hindi na 'yon ang mundo ko. Ngunit kahit balik-baliktarin ang mundo isa akong Bambira. Anak ako ng Bampira at hindi ako tao.Isa akong Bampira na hindi nararapat sa mundong ito. Dahil sa totoo lang wala dapat ako sa mundo ng mga tao, hindi dapat ako kabilang dito.
"Ngunit M-mama, matagal na akong hindi nakaka-punta sa Zirconia. Hindi ko na nasisilayan ang mundong ito." Mabilis kong pangagatwiran
"Makinig ka sa akin... Imulat mo ang iyong mga mata Ambrosia, hindi ka nila kilala. Walang may alam sa 'yo na naiisilang ka. Kaya 'wag mong hilingin na bumalik sa mundo ng Zirconia. Alam mo ang dahilan kung bakit ka andito." Nag-aalalang paliwanag ni Mama Kristine sa akin
"Si Amandra ang kilala nila A-anak, walang Ambrosia... Hindi ka maaring malagay sa gulo ng Zirconia. Kay hangga't maari protektahan mo ang iyong sarili. Umiwas ka na sa gulo at pag-iisip pa." Nag-aalalanh dagdag nito dahilan para matahimik ako
Si Mama Kristine ay isang tao, mul pagkabata ito ang nag-alaga sa akin. Lagi niyang kinukwento sa akin lahat. Lalo na sa totoo kong magulang. Alam ni Mama ang lahat na tungkol sa akin, dahil sa kanya ako pinangalaga ni Ina at Ama.
Nasa mundo ng Zirconia ang totoo kyng mga magulang, kung saan ang mundo ng Pantasya. Tama si Mama, hindi ako kilala ng sarili kong mundo. Walang nakakakilala sa akin. 'Yon ang pinakamasakit sa akin dahil sa sarili kong mundo ay walang nakakaalam na isinilang ako.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
