AMBROSIA POV
NAKANGITI akong nakatingin kay Cassius sa salamin. Habang sinusuklayan nito ang mahaba kong buhok. Seryosong-seryoso ito, kaya hindi ko maiwasang matawa. Kahit malamig ang mga nito hindi ko pa rin maiwasang kiligin. Sadyang sanay na talaga ako sa pagiging Seryoso at Malamig niya. Kaya, kapang ngumingiti siya nababaliw ako. Kakaiba kasi ang ngiti nito. Nakakabaliw na nakakaakit.
Nakangiti ko itong hinarap at kinukha ang sulaky. Hinila ko ito paupo sa sa upuang inupuan ko. Halatang nagulat ito pero agad ding ngumiti. Matapos naming mapuntahan ay agad din kaming umuwi. Para sa akin iyon ang pinakamasayang araw na nangyari sa tanang buhay ko. Nilagay ko ang aking baba sa ulo nito at ang aking kamay nakapulupot sa leeg nito. Nakatingin kami sa salamin.
"Kailan mo pa nalamang mahal mo 'ko? " Nakangiti kong tanong habang inaamoy ang buhok nito
"Matagal na. Siguro, hindi ko lang matanggap no'ng una na binabaliw mo 'ko" nakanguso nitong sagot
Hindi ko pa rin maiwasang kiligin kapag sinasabi ni Cassius kung gaano niya ako ka mahal. Hinawakan ako nito sa kamay at hinila pa upo sa kandungan nito. Ipinilupot ni Cassius ang kamay sa beywang ko at hinalikan ako nito sa Noo. Nakangiti ko itong hinarap.
"Ganoon mo na pala ako katahal minahal? Pero bakit nagsinungaling ka sa akin si Suzie ang mahal mo? " Nagtataka kong tanong
Umiwas ito ng tingin sa akin. Napahagikgik ako ng makita ang pagpula ng leeg at at tenga nito. Napanguso ako dahil hindi ito nagsalita. Pero kitang-kita ko ang pagkagat sa ibabang labi nito.
"Oy, ano na? " Natatawa kong tanong
"Hindi ko alam paano aamin. Hindi ako makapagsalita dahil umaatras ang dila ko. Nanghihina ako kapag oras nagtatangka akong umamin"
Napangisi ako sa sagot nito. Hindi ko akalain ma may pagkatorpe pala si Cassius. Kung alam ko lang na mahal ko na siya. Sana ako na lang ang nanligaw.
"Hindi ako madaldal na tayo. Ayaw ko ng nagsasalita, kaya kapag may gusto akong iparating o sabihin ginagawa ko na lang. Kaya, hirap akong sabihin ang totoo. Tahimik lang akong bampira. Minsan lang ako nagsasalita, kaya hindi mo ako masisi kung bakit ayaw ko umamin, dahil hindi ko kayang sabihin"
Naiintindihan ko si Cassius. Talagang magkaiba lang kami. Siya 'yung tipong hindi dinadaan sa salita kundi sa gawa. Habang ako sa salita muna bago ginagawa. Kaya pala ng sinabihan ko siya noo na mahal ko siya. Hinalikan niya lang ako, ibig sabihin pareho pala kami ng nararamdaman. Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa kilig. Kasi, naman kung alam ko lang na ganoon pala magmahal si Cassius. Sana noon pa natulog na ako ng mahimbing para umamin na si Cassius.
Nagulat ako ng pitikin ni Cassius ang noo ko. Masama ko itong tinignan. Pero ngumisi lang ito at kinuha ang kamay ko saka hinalik-halikan.
"Hindi mo lang alam kapag sinasabi mo kung gaano mo ako ka mahal lumalakas ang tibok ng puso ko. Hindi lang kita sinasagot pero pinipigilan kong huwag mapangiti. Pero hindi ko alam, hindi ko mapaliwanag"
"Kinikilig ka Cassius? " Gulat kong tanong
"Hindi ko alam kung ano ang bagay na 'yan. Basta. Ang alam ko, masayang-masaya ako kapag sinasabi mong mahal na mahal mo ako tapos kapag hinahalikan mo ako. Para akong bata na binigyan ng laruan. Tapos do'n ko nalaman na pagmamahal na pala ang tawag no'n. Hindi ko alam na mahal na pala kita" nakangiti nitong sagot habang nakatitig sa akin
Pakiramdam ko sa uri ng tingin nito. Sobrang ganda ko sa paningin niya. Kakaiba ang tingin nito nakakatunaw ng kalamnan. Malamig pero mainit sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam habang nagpapaliwanag siya kung ano ang nararamdaman sa akin habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...