AMBROSIA POV
TULALA akong nakatingin sa kawalan habang iniisip ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng saya matapos ang kasal namin. May bumabagabag sa akin, hindi ko makalimutan ang malungkot nitong mata at pagmamakaawa sa boses habang tinatawag ako. Matagal kong hinintay ang lalaking nakatakda sa akin. Hindi ko akalain na nakita ko na pala siya.
Muling bumalik sa isip ko ang araw na niligtas niya ako. Ginawa niya lahat para ma protektahan ako. Pero huli na siya, hindi na si Dallas ang nakatakda sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin kinakabahan ako.
"Anak, ang nakatakda sa 'yo ay matagal ka ng iniibig kaya alam kong magiging mabuti siyang kabiyak mo. Hindi ka niya papabayaan" turan ni Ina habang sinusuklay ang buhok ko.
Napatayo ako sa gulat ng maalala ang sinabi ni Ina, kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Matagal na akong iniibig ni Dallas, matagal niya ng alam na ako ang nakatakda sa kanya. Matagal niya akong hinintay at sa isang iglap nawala ang lahat na parang isang bula. Naglaho ang mga pangyayari dahil sa hindi inaasahan.
Nasaktan si Dallas, kitang-kita ko sa kulay asul niyang mata ang lungkot. Ngayin naintindihan ko na kung bakit patuloy ba sumusugod ang lobo dahil sa akin. Gusto nila akong kunin dahil alam nilang ako ang tinakda kay Dallas. Si Valerie, siya ang bantay ko.
Alam niyang si Dallas ang nakatakda sa akin. Si Ina at Ama, kaya sila malapit sa mga lobo dahil alam nilang ako ang nakatakda kay Dallas. Kaya ako pinoprotektahan ng mga lobo dahil kay Dallas. Si Dallas ang dahilan ng lahat.
Nanghihinang napatingin ako sa singsing maging sa tatoo ko. Tama si Gianluca, nabago ni Cassius ang pangyayari. Binago ni Cassius . Hindi dapat kaming dalawa, si Suzie sa kanya at ako ay kay Dallas. Nanlaki ang mata ko ng maalala ang sinabi ni Amandra sa akin noon.
"Hindi lahat ng nakatakda ay nag-iibigan, minsan kailangan mong kalabanin si Tadhana para sa taong iniibig mo. Kung gusto mo talaga mabago ang nakatakda ipaglaban mo ang totoong mahal mo. Piliin mo siya pero sa mangyayari ay may magiging kapalit, ikaw ay liligaya sa piling ng mahal mo. Sasaya ka habang siya ay manghihina hanggang sa mamatay. Siya ang magiging kapalit ng kasiyahan mo, siya ang magiging kabayaran sa saya mo. Kapag hindi kayo nagkatuloyan ng nakatakda" mahaba nitong paliwanag.
Nanlamig ako ng maalala ang sinabi ni Amandra. Hindi! Mamatay si Dallas. Mabilis akong tumakbo palabas. Kailangan kong malaman lahat, kailangan ko siguraduhin kung totoo nga ba lahat.
"Gianluca! " Kinakabahan kong sigaw.
Mabilis itong lumingon sa akin at ngumiti.
"Ano ang maililingkod Reyna Ambrosia" nakayuko nitong turan.
Gagawin ko 'to dahil gusto ko malaman ang totoo at makasigurado.
"May gusto lang akong itanong Gianluca" kinakabahan kong sambit.
"Ano po 'yon Reyna Ambrosia? " Nakangiti nitong tanong.
Hindi maaring may mamatay. Hindi maaring may mawala dahil sa pagbago ng nakatakda.
"Ano ang mangyayari matapos mabago ang itakda? " Seryoso kong tanong.
Nawala ang masaya nitong ngiti. Tinambol aKo ng kaba, bigla itong sumeryoso.
"Sabihin mo Gianluca, sagutin mo 'ko! " Garalgal kong sigaw habang mahigpit ang pagkakahawak sa aking bestida.
Huminga ito ng malalim parang hirap na hirap sagutin ang tanong ko.
"Sa pag-iibigan ang mahirap na kalaban ay si Tadhana. Dahil si Tadhana lang ang nakakaalam kung sino ang taong nakatda sa 'yo. Siya lang ang may kakayahang ibigay kung sino ang tamang tao sa 'yo. Pero kung talagang nag-iibigan ang dalawang tao, hindi sila matatakot na kalabanin ang tadhana. Handa silang harapin sila, kakalabanin nila si tadhana para lang maging sila at maging tao para sa mga mahal nila" seryoso nitong paliwanag.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
