AMBROSIA POV
MABIBIGAT ang bawat paghinga ko habang nakatingin sa mga bampirang walang buhay. Hindi ko alam ang nangyari, hindi ko alam nag gagawin o kung may magagawa ba ako. Hindi ko alam kung bakit nawalan sila ng buhay.
"Gianluca, ano ang nangyari sa kanila? " Galit na tanong ni Cassius.
Nagising na lang ako ng mabalitaang may namatay dahil may naglason.
"Nilason sila mahal na hari. May nakapasok sa atin, hindi namin alam kung sino" nakayuko nitong tugon .
Ito ang sinasabi ko, paano ko magagampanan ang tungkulin ko bilang reyna kung ngayon pa lang ay wala na akong magagawa. Reyna ako, pero wala ako kakayahang buhayin sila at iligtas.
"Ang lason na ginamit sa kanila ay Katas ng Bermuda na mula Monawis, mahirap kunin ang gamot dahil dadaan ka pa kay Bolokos. Ang pinakamabagsik na hayop, ito ang nagbabantay. Iilan lang ang nakakatakas ss kanya, iilan lang ang nakakauwing buhay" paliwanag ni Gianluca.
Dilat na dilar ang mga nito habang namumuti ang mga labi. Totoo nga na nalason ito. Pero ang hindi ko maintindihan sino ang may pakana ng lahat na ito.
"Sino ang may gawa nito? " Malamig ni Tanong ni Cassius.
"Ang mga lobo at Diwata, sila ang nakita ng mga bantay na pumasok. Hindi pa rin talaga sila tumitigil" sagot ni Donovan.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sila Dallas ang may gawa nito? Pero imposible? Ang hirap naman paniwalaan na sila nga, hindi ako makapaniwala. Bakit kailangan nila lasunin ang mga Bampira para makuha ako.
"Dalhin 'yan sa Hawla" malamig na utos ni Cassius.
Mabilis naman itong sumunod. Mariin akong napapikit, sa dami ng nangyari ay mas lalong nagiging komplikado ang lahat. May namatay na naman at dahil sa kanila Dallas. Pero ang hirap paniwalaan, hindi ako makapaniwala.
"Hindi lahat ng inaakala mo ay hinfi totoo. May mga bagay talaga na kailangan mong paniwalaan kahit mahirap dahil 'yon ang totoo" malamig nitong sambit at mariing nakatingin sa akin.
Napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Cassius. Alam kong nababasa niya ang isip ko. Alam niya ang nararamdaman ko. Dahan-dahan akong umupo para pakalamahin ang sarili.
"Cassius, kung sila ang may gawa. Bakit ngayon ps nila nilason ang mga ito, bakit hindi pa noon para mabilis akong makuha" kalmado kong paliwanag.
Marii akong tinitigan nito. Malungkot akong tumayo at lumabas para tignan ang buong kaharia. Kumirot ang puso ko, dahil talagang nagulo na ang kahariang ito. Kailanman ay hindi na ito maayos at hindi na magkaaayos pa.
Ang Zirconia ay binubuo ng apat na kaharian. Ang zirconia ay kakaibang mundo. Dito mo makikita ang ibang bagay na hindi mo nakikita sa mundo ng tao. Ito ang mundo na masasabi mo na isang ilusyon. Isa lamang imahinasyon. Pero ang mundong ito na kakaiba ay nababalutan ng kagulohan. Hindi mo alam kung may pag-asa pang magkaayos o may maayos pa ba.
Sa pagitan ng apat na kaharian ay may lamat na naiwan. Naalala ko ang sinabi sa akin noon tuso ang mga bampira pero mas mapanlinlang ang mga mangkukulam. Sa kanilang dalawa pareho lang silang nagagamitan. Pero ang anatolia pa rin ang lamang. Hindi mabubuo ang avalon kung hindi dahil sa anatolia, ito ang bumubuhat sa kanila.
"Cassius, ako ang reyna mo. Pero wala akong magawa kundi titigan lang ang mga namatay. Karapat-dapat pa ba ako maging reyn?aKasi pakiramdam ko ay hindi, wala akong magawa para masagip sila. Ano na lang ang magiging buhay nf Anatolia kung magpapatuloy 'to" nag-aalala kong paliwanag.
Ayaw kong umupo bilang reyna dahil mahina ako. Wala akong alam gawin. Malambot ang puso ko. Kaya pag-usapang emosyon, doon ako tumataob. Doon ako nanghihina.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
