CHAPTER TWENTY NINE

1.5K 43 5
                                        


Salamat kay Roxane Lou. Nag-effort ka pang i-drawing siya. Para sa 'yo ang chapter na 'to. Thank you and I love you💜

 Thank you and I love you💜

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AMBROSIA POV

MALUNGKOT akong nakatitig kay Dallas habang inaayos nito ang mga bulaklak. May ngiti sa labi nito habang nakangiting inaayos ang mga ito. Sumama ako sa kanya sa paghahanap ng mga bulaklak. Kitang-kita ko ang saya sa mata nito, ang ngiti ni Dallas. Ngiting inosente na masasabi mong hindi dapat ito mawala.

"Prinsesa ko, nagustohan mo ba? " Nakangiti nitong tanong habang inaabot sa akin ang rosas

Nakangiti akong tumango at tinanggap ang mga rosas.

"Oo naman, naakarami na nga ng bulaklak na binigay mo" natatawa kong turan habang inaamoy ang mga ito.

Nagulat ako ng umupo si Dallas sa may paanan ko. Napatitig ako sa kanya ng kinuha nito ang paa ko at nilagay sa paa niya. Nakatingin lamang kami sa karagatan. Pinapakiramdaman ang alon at hangin. Tinabi ko ang mga bulaklak na binigay ni Dallas.

"Pangarap ko dati na makasama ka. Sabi sa akin ni Ina At Ama kailangan lumaki muna ako bago ka makasama. Kailangan ko muna maging malakas para maportektahan ka. Kaya, nagsanay ako. Ginawa ko lahat, para matoto sa pakikipaglaban. Nakuntento na akong titigan ka sa mundo ng mga tao. Nakukuntento na ako sa simpleng tingin lang. Ipinangako ko noon sa sarili ko na pag ayos na ang lahat papakasalan na kita" panimula ni Dallas habang nakatitig sa dagat.

Nag-init ang sulok ng mata ko. Ang tagal akong hinintay ni Dallas, mula pagkabata alam niyang ako na ang nakatakda sa kanya. Hinintay niya ako dahil mahal ako ni Dallas. Tiniis niya lahat dahil mahal niya ako. Hindi siya sumuko dahil ganoon niya ako ka mahal. Kaya, paano ko magagawang saktan si Dallas? Minahal niya lang ako, kaya nga sinusubukan ko ang sarili na piliin siya at pag-aralang mahalin.

Pinipilit ko ang sarili na mahalin siya kahit masakit. Dahil alam ko ang pinagdadaanan niya. Pareho kaming naiipit sa mapaglarong pag-ibig. Pareho kaming nagmahal, pero hindi kami minahal. Kami ang mga bigo sa pag-ibig. Kami ang hindi minahal at pinili ng mga mahal  namin.

"Kaya ng malaman kong malapit na ang iyong kaarawan ay natuwa ako dahil maari na kitang makasama. Maari na kitang pakasalan. Pero lahat ng tuwa ko nawala. Para akong mamatay sa nalaman kong kinuha ka ni Cassius. Hindi ko alam kung bakit ang prinsesa ko ang kinuha? Bakit siya pa kung kailan handa na ako"

Tumulo ang luha ko ng marinig ang pagkabasag sa boses nito. Ang araw na kaarawan ko ay kung saan inangkin ako ni Cassius. Tama si Mama noon, magbabago ang lahat. Nagbago nga ang lahat dahil sa ginawa ni Cassius.. Hinintay ako ni Dallas tapos sa isang iglap mapupunta ako kay Cassius. Kahit ako masasaktan, ilang taon akong naghintay tapos sa isang araw mapupunta siya sa iba.

"Ginawa ko lahat. Pilit akong lumalaban dahil mahal kita. Sinusubukan kong kunin ka pero nabigo ako. Dahil kahit ikaw ay ayaw mong sumama sa akin. Hindi ko akalain na mamahalin mo siya. Hindi ko akalain na ang mahal ko ay magmamahal ng iba"

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now