AMBROSIA POV
ALAM kong ginagawa lang ito ni Cassius para pahirapan ako. Ito ang parusang gusto niya sa akin, gusto niya akong maging alipin pero matoto ako. Alam kong mahirap pero kaya ko namang tiisin lahat. Kaya kong tiisin ang pagpapahirap niya. Hindi rin naman magtatagal at susuko na rin ako, napahawak ako sa puso ko ng kumirot ito.
Malungkot akong ngumiti. Napapadalas na ang pagsakit ng puso ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para umubo. Pero ganoon na lang ang gulat ko ng maramdamang may tumalsik na malamig na bagay. Nanlaki ang mata ko ng makitang dugo ito, mabilis kong hinawakan ang ilong ko at hindi nga ako nagkamali. Nagdudugo ang ilong ko. Mabilis ko itong pinunasan at tumingala para pigilan ang pagdaloy ng dugo.
"Hoy ikaw! Upo-upo ka diyan! Bakit tapos ka na bang maglinis! " Sigaw ng isang alipin
Mabilis akong tumayo. Nagulat ako ng itulak ako nito.
"Hindi ka na Reyna, kaya huwag kang magpaganyan-ganyan. Pinarusahan ka ng Hari. Tinapon ka na niya matapos pagsawaan! " Sigaw ng isa
Ang pagkakaalam ko si Patria at Matapa ito.
"Kumilos ka na nga do'n. Akala mo kung sino. Bait-baitan. Pero may tinatagong baho" sigaw ni Matapa sa akin
Nakayuko akong umalis sa harapan nila at kinuha ang balde para linisin ang kulongan. Matapos sabihin ni Cassius na alipin na ako ay nakita ko na ang totoo nilang ugali. Talagang galit na galit sila sa akin, kaya sila gumanti dahil alam nilang hindi na ako kakampihan ni Cassius. Wala na akong proteksiyon. Wala ng magtatanggol sa akin
Hindi ko maiwasang mapahikbi. Hindi ako nasaktan sa ginawa ni Cassius. Nasasaktan ako dahil alam kung totoo ang sinabi nila. Wala na akong nagsilbi, nagsawa na sa akin si Cassius. Alam kong masakit pero kailangan kong tanggapin. Kailangan kong tanggapin na totoo naman talaga ang lahat. Naiiyak kong nilinisan ang kulongan.
Dito dapat ako, hindi dapat ako maging Reyna. Hindi nababagay sa akin, hindi sa katulad kong mahina. Itong kulongan na ito ang dapat kong higaan. Dito dapat ako. Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Wala akong magagawa, siguro ito na talaga ang buhay ko.
"Ambrosia, pinapatawag ka ng Hari" sigaw ni Terra
Mabilis akong humarap sa kanya. Bakas sa mata nito ang pag-aalala. Matamis akong ngumiti. Alam ko na kung ano ang gagawin ni Cassius.
"Sige, aalis muna ako" nakangiti kong paalam.
Inayos ko muna ang buhok ko bago pumunta sa silid ni Cassius. Tatlong katok ang ginawa ko bago pumasok. Bumungad sa akin si Cassius na walang saplot at nakahiga sa kama. Nanginginig akong naglakad sa kanya palapit.
"Magandang Gabi, may iuutos ka ba? " Nakangiti kong tanong
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa hitsura ko ngayong madumi. Ibang-iba sa hitsura ni Cassius. Sapat na itong dahilan, para malaman kong magkaiba kami. Siya ay isang buwan at ako ay isang lupa na kahit ano'ng gawin hindi ko siya maabot. Kilalang malakas si Cassius at matapang. Samantalang ako walang maipagmamalaki.
"Hubad" malamig nitong utos
Nangilid ang luha ko sa sinabi nito. Alipin niya nga ako at dapat ko siyang sundin. Ang katawan ko ang tanging kabayaran sa lahat. Ang katawan ko ang lalabasan niya ng galit. Ang katawan ko ang parausan niya. Wala ng rason para umayaw. Sa simula ito na talaga. Ito ang ganap ko sa mundong ito ang maging puta at labasan ng init.
Nakapikit kong hinubad lahat ng saplot ko. Hinayaan ko itong bumagsak sa sahig. Maging ang tali ko sa buhok ay tinanggal ko rin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, kitang-kita ko ang mainit niyang tingin sa akin. Wala akong nagawa ng hilain ako nito palapit sa kanya. Sinakop nito ang labi ko. Hinayaan ko lamang na halik-halikan ako nito. Hindi ko sinagot ang halik nito.

BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...