CHAPTER FOURTY FIVE

1.2K 39 2
                                    

CASSIUS POV


TULALA akong nakatingin sa buwan. Hindi ko alam kung bakit ko iniisip ang taong 'yon. Naalala ko ang sinabi niya sa akin na paborito niyang buwan. Ibig sabihin pinagmamasdan niya ito lagi. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kaharian. Wala si Ama kaya maari akong umalis. Mabilis akong lumipad papunta sa buwan. Gusto kong pumunta sa mundo ng mga tao.

Hindi ko alam kung bakit. Kusang gumalaw ang katawan ko papunta sa mundong 'yon. Wala akong kailangan pero gusto kong pumunta. May naguudyok sa akin na bumalik sa lugar kung saan kami nagkita. Hindi nga aio nagkamali. Nakaupo siya sa duyan habang nakatingin sa buwan. Hinayaan ko ang aking sarili na pagmasda siya. Kitang-kita ko ang ngiti nito. Ang masaya nitong mata habang nakatingin sa buwan.

Muling tumibok ang puso ko dahil sa ngiti niya. Ayaw na naman tumigil nito. Hindi ko alam kung bakit pero kusang gumalaw ang paa ko at naglakad papunta sa kanya. Dahan-dahan itong tumingin sa akin. Mabilis itong tumayo ng makita ako.

"Hala nagkita na naman tayo. Talagang hindi ako binigo ni Bathala. Nakita rin kita kuya! " Masaya nitong sigaw

Namanhid ako ng bigla itong yumakap sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa nitong pagyakap. Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay para haplusin ang buhok nito. Napikit ako dahil sa hindi ko mapigilan ang katawan ko. Kusa itong kumikilos. Ilang araw akong binabaliw ng taong na ito. Ilang araw akong hindi makatulog dahil sa kakaisip sa kanya. Ilang araw niya akong hindi pinatulog.

Pangalawang pagkikita pa lang namin. Pero magaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Ramdam ko ang mahigpit nitong yakap. Hinayaan ko lamang siya. Pinakiramdaman ko ang paligid, tanging tibok ng puso ko ang maririnig. Napatingala ako sa malaking buwan. Tumatama ang liwanag sa aming dalawa. Ipinikit ko ang aking mata para damhin ang yakap nito. Napakasarap sa pakiramdam. Nakakawala ng pagod.

Nakangiti itong lumayo sa akin. Ngayon kitang-kita ko ang maamo nitong mukha. Ang matamis nitong ngiti na para bang positibo sa buhay. Ang ngiti nito na dapat na iniingatan. Ang ngiti nitong hindi tulad na iba ito ay naiiba. Wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi nito at hinaplos. Bakas sa mata nito ang gulat pero hinawakan rin nito ang palad ko nA nakahawak sa pisngi niya . Makinis ito at napakasarap hawakan.

"Akala ko hindi ka na magpapakita. Bigla mo na lang ako naiwan. Nalungkot tuloy ako"

Hindi ko alam kung bakit siya malulungkot at higit sa lahat bakit hindi ako makapagsalita. Bakit hindi ko siya magawang kausapin. Bakit ako natulala. Sobra ba talaga akong nagagandahan sa kanya? Sobra ba talaga ang kagandahan niya para pakabahin niya ako.

Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at hilain ako nito mula sa duyan. Umupo ito sa tabi ko.

"Ano'ng pangalan mo? " Nakangiti nitong tanong

Bakit niya inaalam ang pangalan ko? May balak ba siyang kilalanin ako? Hindi ba siya natatakot sa akin gayong Isa akong Bampira.

"Ayos lang kahit hindi mo sabihin. Pero bibigyan na lang kita ng pangalan. Tatawagin lang kitang Gwapo. Payag ka ba? "

Gwapo ba ako sa paningin niya? Nagwapohan ba siya sa akin kaya gwapo ang ipapangalan niya sa akin. Bakit pakiramdam ko nag-iinit ag mukha ko. Bakit gusto kong ngimiti. Ginayuma ba ako ng babaeng 'to? Pero wala naman akong naalala na may binigay siya sa akin?

"Ang gwapo mo kasi. Ang ganda ng pulang mata mo. Kahit malamig at walang emosyon. Gusto ko pa ring pagmasdan"

Nagagandahan siya sa pula kong mata? Pero halos sa buong Zirconia takot na takot sa pula kong mata dahil alam nilang maari silang masunog. Pero bakit siya nagagawa niya pang purihin ang mata ko. Bakit niya gustong pagkamasdan?

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon