CHAPTER FOUR

1.9K 66 2
                                        




AMBROSIA POV

NAGISING ako dahil sa ingay na nasa paligid ko, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang limang bampira.  Naagaw ng pansin ko ang isang maliit na bampira na kulay pula at may pakpak. Lumilipad ito. Nanlaki ang mata ko sa nakita, hindi ko alam na may ganitong uri pa lang nilalang.

Napaigik ako ng maramdaman ang kirot sa katawan, nakakadena ako. Kaya hindi ko magalaw ang aking kamay at paa maging ang aking leeg. Hanggang ngayon ay nakatali pa rin pala talaga ako na parang isang hayop.

"Sino kayo? May kailangan ba kayo sa akin? " Mahina kong tanong

Nagulat ako nang lumapit sa akin ang Bampirang may pakpak. Napangiti na lang ako dahil nakakatuwa siyang tignan.

"Hindi ko akalain na may kakambal pala si Amandra..." Gulat nitong bulalas

"Bampira ka rin ba? Bakit ka may pakpak ka? Anong klaseng nilalang ka? " Nakangiti kong tanong

Nagulat ang nilalang na ito sa aking tanong, gusto ko siyang hawakan ngunit nakakadena ako. Natatakot rin ako na baka makita ako ni Cassius at bigla akong saktan ulit.

"Anong pangalan mo?  Maari ba kitang makilala nakakatuwang nilalang?" Nakangiti kong dagdag

Natahimik ako nang wala akong marinig na sumasagot. Lahat sila ay nanatiling nakatingin sa akin. Ang mga mata nila ay halatang andaming gustong itanong.

"Ako si Poro-poro ang taga-pamalita ng Anatolia. Isa akong Bampira na kalahating paniki. " Nakangiting pakilala sa akin ng nakakatuwang nilalang

"Nakakatuwa ka namang nilalang, hindi ko akalain na sa kaharian niyo ay may katulad mo. Ako nga pala si Ambrosia ang kakambal ni Amandra." Masigla kong pakilala sabay lahad ng aking palad na ikinagulat nilang lahat

Wala na rin naman akong maitatago sa kanila dahil lantad na ang pagkatao ko kay Cassius. Kilalang-kilala na ako ng Hari nila kaya  hindi ko na kailangan pa itago kung sino ako.

"Bakit ikaw ang kinuha ni Cassius? Bakit ikaw ang pinaparusahan? Hindi ba dapat ang kakambal mo ang magiging kabayaran? " Biglang tanong ng isang Bampira na kulay ginto ang buhok at may hikaw sa kaliwang tainga

"Mahabang storya... Bakit pala kayo andito? Pinadala ba kayo ni Cassius? "

Sabay-sabay silang umiling dahilan para matawa ako. Hindi ko akalain na marami pa pala akong hindi alam sa mundo ng Zirconia. Tulad ngayon... Hindi ko alam na may paniki pa lang taga-pamalita.

"Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan ng babaeng ito. Hindi ko alam bakit parang may harang sa kanyang isipan dahilan para hindi ko mabasa. Anong kapangyarihan ang may roon ka? " Naiiling na tanong  ng isang Bampirang kulay Asul ang buhok

"Bakit  ganoon Arty? Hindi ko rin mabasa ang awra niya? Bakit tila kakaiba nga ang kakambal ni Amandra? " Sunod na tanong ng isang Bampira na kulay itim na maamo ang mukha

"Binabasa niyo ba ang iniisip? Sinusubukan niyo bang basahin kung ano ang nasa isipan ko?" Hindi ko makapaniwalang tanong

Walang sumagot kaya natatawa akong napailing. Kung alam lang nila ang tumatakbo sa isip ko ay baka matawa rin sila. Ngunit ang tanong ko ay kaya ba talaga nilang basahin ang laman ng isipan ko?

"Ang iniisip ko ay tungkol sa inyo... Nagtataka kasi ako bakit kayo nasa aking harapan?" Nakangiti kong tanong

"Ibang-iba ka kay Amandra, hindi ko man nababasa ang iyong awra at iyong isipan. Kakaiba ang presensiyang nararamdaman ko sa 'yo sa mga oras na ito." Biglang usal ni Poro-poro

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now