CASSIUS POV
SEEYOSO akong naglalakad papunta sa kabundukan ng Douma. Kailangan kong makuha ang proteksiyon. Para kahit mag-umaga ako sa mundo ng tao ay mabubuhay pa rin ako. Hindi ako basta masusunog. Ang Douma, isa sa lugar kong saan taguan ng mga bagay sa Anatolia. Dito ni Ama nilalagay lahat. Walang makakapasok dito dahil nakabantay si Bakunawa. Ang alaga ko. Kinakatakutan ito ng lahat.
"Bakunawa, gusto ko sanang kunin ang Proteksiyon" malamig kong sambit
Mabilis kong kinuha ang bote na naglalaman ng dagta na mula sa Vostroya. Ito ang ginagamit ng mga Bampirang proteksiyon para malayang makakilos sa mundo ng mg tao. Kaya kailangan ko ito para mapuntahan ko siya. Binuksan ko ito at ininom. Ramdam na ramdam ko ang tapang na dumadaloy sa katawan ko dahil sa Dagta. Ngayon makakakilos na ako ng malaya. Hindi ko na kailangan magmdali pa kapag mag-uumaga na.
"Pupunta ba kayo sa mundo ng mga tao? " Seryosong tanong ni Bakunawa
Malamig akong tumango. Hawak-hawak ko ang Limang Rosas at ipit. Ibibigay ko ito sa kanya. Sana magustohan niya. Alam kong naghihintay siya sa akin.
"Aalis na ako Bakunawa. Ikaw na bahala dito" malamig kong utos at mabilis na lumipad
Hindi ako makapaghintay na makit siya. Tumatalon sa tuwa ang puso ko habang ang aking tiyan ay nagsimulang kumiliti. Wala sa sariling napangiti ako habang inisip ang nakangiti niyang mukha. Hinintay ko lang talaga ang mag gabi para mapuntahan siya dahil alam kong gabi pa ito pupunta.
Nang makarating ako sa mundo ng mga tao ay mabilis akong nagpunta kung saan kami unang nagkita. Hindi nga ako nagkamali naka-upo na ito sa duyan. Sa ayo pa lang nito alam ko na kung sino. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko ay ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Maganda pa rin ito kahit nakatalikod. Nakatingin ito sa buwan. Talagang paboritong-paborito nito ang buwan.
"Nakarating ka! " Masaya nitong sigaw
Muli ako nitong niyakap kaya gumanti ako ng yakap sa kanya. Amoy na amoy ko ang matamis nitong pabango. Ang sarap amuyin. Pigil na pigil akong huwag ilabas ang pangil at kagatin siya sa leeg. Nang lumayo ito ay hinawakan ako sa kamay. May supot itong hawak sa isang kamay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta namalayan konna lang nasa Karagatan na kami. Malakas na tunog ng alon sa karagatan ang tanging marirnig. Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa gitna ng dagat dahilan para kumislap ito nang kumilap. Malalakas ang bawat pag indak ng alon.
Napatingingin ako sa kanya. Nililipad ang mahaba nitong buhok. Natakpan ang mukha nito kaya kinuha ko ang buhok nito at nilagay sa gilid ng tainga niya. Nagtagpo ang mga mata namin. Para aking naakit dahil sa ganda niya. Para itong dyosa dahil sa ganda.
"Halika na nga. Baka mamaya matunaw tayong dalawa kung magtitigan na lang" malakas nitong sigaw papunta sa buhangin
Nakatitig lamang ako sa kamay naming magkahawak. Sa buhok nitong nililipad. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko. Sulit ang isang araw kong paghihintay para makita siya. Umupo ito kaya mabilis akong sumunod. Malayo-layo kami sa alon kaya hindi ka mababasa.
"Buti nakarating ka" masaya nitong sambit
Inisip niya bang hindi ako darating? Hinintay ko nga na gumabi para makita siya tapos iisipin niyang hindi ako dadating.
"May dala akong pagkain nating dalawa. Saja magustohan mo. Paborito ko pa naman'
May kinuha ito sa supot at nilabas ang isang kakaibang pagkain. Kakaiba ang amoy nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang pagkain. Hindi ito tulad ng pagkain sa Anatolia.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
