May tula pong Ginawa si Monique para kay Ambrosia.. I hope na magustohan niyo. Para sa 'yo ang chapter na 'to bilang pasasalamat. I love you
For ambrosia by @Lilang Seresa
Galit ang una Kong naramdaman sa puso at isipan ng ikaw ay aking matagpuan.Dahil alam mo at alam ko na tayong dalawa at magkaaway
Pero ang Galit na bumabalot sa aking puso at isipan at napalitan ng pagmamahal- pagmamahal na ikaw lang sa akin ang nagbigay
Patawad sinta kung ikay aking nasasaktan,
Galit at selos ang sa akin at nagtulak upang ikaw at saktan
Galit-dahil sa kabila ng pagiging masungit ko,ngiti ang palaging isinusukli moSelos-selos ang AkiNG nadama
Ng makitang may kasama kang iba
Nagseselos ako tuwing ikaw at
Ngingiti at titingin sa ibaDahil ang labi mong mapupula
Mga mata mong kayganda
Ay akin lang,ako ang nagmamay ari ng lahat ng mga iyan.Gustong gusto ko ang ginagawa mong pagyakap at paghalik
Harap nila poro poro
At nang ibang tao.Puso koy sumasaya tuwing ikaw aking napapasaya't napapatawa
Isipin ko pa lang na Hawak ka ng IbA puso koy nangangati na't gusting pumayag"Mahal KITA Cassius" mga salitang nagpatigil sa pagkatao't mundo ko
Gusto Kong umiyak sa saya dahil ako ay iyong iniibig,pero pinipigilan ako ng poot at GalitNgunit ang sayang naramdaman ko at biglang napawi,ng malaman Kong Sayo ay may nakatakda
Kayat wala sa oras na ikay minarkahan ng sa ganon ay maangkin na ng tuluyanNalungkot at nainis ako ng sobra ng ikay tumakas sa kaharian ng anatolia
Hindi ako papayag ng maangkin ka ng Iba
Dahil ako lang ang nagmamay ari sayo sintaAMBROSIA POV
MASAYA akong nagsasanay habang nakangiting nakatingin sa akin si Alissandra. Titig na titig ito sa akin, mas lalo akong ginanahan ng makta ang ngiti nito.
"Ang husay Ina" masaya nitong sambit
Mabilis kong tinabi ang espada at nakangiti itong nilapitan. Inayos ko ang buhok nito, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Dahil para ko talaga siyang anak. Pero alam kung anak siya ng Kakambal ko.
"Halika na, hinihintay nila tayo" masaya kong sambit at hinawakan ang kamay nito.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Humigpit ang pagakakahawak ko sa kamay ni Alissandra, palabas na kami sa kagubatan. Napangiti ako ng makita ang karagatan. Ngayong araw aalis na sila Alissandra, pupunta sila sa Douma. Hindi sila maaring magtagal.
Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng malakas na sigaw. Dahan-dahan akong lumingon kung saan ito galing, para akong hihimatayin ng makita si Bakunawa. Napaaatras ako sa takot. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung na saan kami.
Para akong malalagutan ng hininga nang makita ang kasama ni Bakunawa. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pula niyang mata at buhok. Ang tibok ng puso ko ay siya lang ang may kakayagang patibukin ng mabilis at higit sa lahat iisa lang ang nagmamay-ari ng pulang mata.
"Cassius" wala sa sarili kong bulong
Hindi ko akalain na magtatagpo kami. Hindi ko akalain na magkikita kami. Hindi ko alam ang gagawin, nakaramdam ako ng pangungulila. Ang tagal na rin ng huli ko siyang nakita. Nanlamig ako ng maalalang kasama ko si Alissandra. Mabilis kong binuhat si Alissandra at tumakbo.
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...