AMBROSIA POV
NAPALUNOK ako ng makita ang mga Bampira na hila-hila si Arty. Kumirot ang puso ko ng makitang hindi man lang ito lumaban. Pakiramdam ko naulit lahat tulad no'ng nangyaring pagparusa kay Anahita.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Cassius.
"Arty! Arty! " Naiiyak na sigaw ni Amandra
Tumulo ang luha ko ng makita ang sakit sa mata nito. Hindi ko alam ang gagawin, wala akong magawa para tulongan siya. Hawak-hawak siya nila Donnovan.
"Itigil mo na 'to Cassius" buong pagmamakaawa ko sa kanya
Hindi ito nagsalita, walaa akong nagawa kumdi umiyak lang habang nakatitig kay Arty na ngayon ay nakakadena.
"Leandro, dalawang daang latigo para kay Arty" malakas na sigaw ni Cassius
Napahikbi ako ng simulan nitong hampasin si Arty. Sumisigaw ito sa bawat hampas habang si Amandra ay sigaw nang sigaw. Alam ko ang nararamdaman niya. Iisa lang kami, nasasaktan siya dahil nasasaktan ang mahal niya. Wala siyang magawa dahil hawak ni Cassius ang anak nila. Wala rin akong magawa para sa kanila.
"Tama na! " Naiiyak nitong sigaw
Kung sana kaya ko lang, kung may lakas lang ako sana hindi umabot sa ganito. Sana hindi ako tumatakas, sana hindi na lang ako sumama. Kung ito ang magiging kapalit.
"Isunod ang mga lobo at ang kakambal ni Ambroasia! " Muling sigaw ni Cassius dahilan para mapatayo ako
"Hindi Cassius, 'wag sila. Tama na! Huwag sila" naiiyak kong pigil pero malamig ako nitong tinitigan
"Bigyan ng Isang daang latigo ang bawat isa"
"Cassius. Maawa ka, parang awa mo na" naiiyak kong pagmamakaawa
Hinawakan ako ni Cassius sa kamay at galit na tinignan.
"Mamili ka Ambrosia ang parusahan ko sila o patayin? " Galit nitong tanong
Naiiling kong hinablot ang kamay sa kanya. Wala siyang isang salita, wala siyang puso. Paano niya nagagawang saktan ang lahat. Pati ang kambal ko sasaktan niya.
"Ako na lang ang parusahan mo 'wag sila. Huwag naman ang mga mahal ko sa buhay. Maawa ka Cassius"
"Ako ang masusunod Ambrosia, hindi ikaw! " Galit nitong sigaw saka marahas akong hinila paupo.
Napahagulgol ako ng marinig ang sigawan nila at pagmamakaawa. Kasalanan ko ang lahat na ito, kasalanan ko kung hindi dahil sa kapabayaan ko ay sana hindi umabot sa ganito. Mariin kong pinikit ang mga mata ko ng marinig ang sunod-sunod na latigo. Ayaw kong makita lahat, ayaw kong makita ang kakambal ko na nasasaktan. Hindi ko kayang makita na masaktan sila.
Wala silang ginawa para parusahan. Sana pwede ko na lang akuin lahat, sana pwedeng ako na lang. Pero sa nangyayari ngayon ay alam kong imposible. Alam ni Cassius na sila ang kahinaan ko kaya niya ito ginagawa.
" Higit pa sa parusang 'yan ang matatanggap niyo kapag kinalaban niyo ako. Wala kayong karapatan na kalabanin at lalong ilayo ang Reyna sa akin, siya na ang Reyna ng kahariang ito. Kaya subukan niyong kalabanin ako, subukan niyong itakas siya. Sisiguraduhin kong pagsisihan niyo lahat" galit na sigaw ni Cassius
Para aking sinampal ng makitang nanghihina at duguan sila. Napatakip ako ng bibig ng makita si Amandra na malungkot na nakatingin sa akin.
"Amandra" naiiyak kong bulong
Gusto ko siyang lapitan, akmang hahampasin muli ito ng bantay na malakas akong sumigaw dahilan para mapatigil lahat. Hindi ko kayang masaktan sila. Handa akong tanggapin ang parusa na ipapataw sa akin basta 'wag sila. Malakas akong tumakbo papunt kay Amandra.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
