AMBROSIA POV
NAKATINGIN lamang ako sa mga bampirang nagkukumpulan sa ibaba habang nakaluhod ang babaeng bumato sa akin ng patalim.
"Cassius, 'wag mo na siya saktan. Nakahingi naman siya ng tawad" buong pagmamakaawa ko
Napalunok ako ng mahigpit nitong hawakan ang kamay ko at masama akong tinignan.
"Hindi sapat ang kapatawaran, kailangan niya maghirap at masaktan! "
Napangiwi ako sa sinabi nito, hindi talaga mapipigilan si Cassius pag galit. Hindi mo na ito madadala sa pagmamakaawa. Malungkot kong tinignan ang babae, nakakadena ito nakaluhod.
Lahat ng mangkukulam at bampira ay nakapalibot. Nang dahil na naman sa akin ay may masasaktan, nang dahil sa akin may maghihirap.
Naiintindihan ko si Anahita kung bakit niya ito nagawa. Nagalit siya sa akin, galit siya dahil namatay ang pinsesa nila.
"Donovan, bigyan ng Isang Daang latigo"
Napanganga ako sa sinabi nito, ako nga na hindi nakayanan ang sampu. Isang daan pa kaya, maari itong mamatay.
Nakayuko si Cassius, habang ang ibang mga bampira ay takot na nakatingin sa kanila. Napatalon ako ng hampasin ito ng latigo. Akmang bibitaw ako lay cassius ng pigilan ako ni cassius.
"Hindi mo gugustohing brutal ko siyang papatayin ambrosia! " Galit nitong sambit saka mahipit akong hinawakan sa beywang.
Naluha ako habang nakatingin kay anahita na sumisigaw sa sakit. Suno-sunod ang bawat hampas ni Donovan. Malakas, tumutunog ito tuwing hinahampas. Lahat napapalunok, dahil tumatalsik ang dugo nito.
"Cassius, nanghihina na siya. Nakakawa" naiiyak kong usal at tiningala ito.
"Ang awa na 'yan ang malaking kalaban ng lahat, dahil sa awa na 'yan maari kang mamatay. Kaya matoto kang maging matigas Ambrosia, maging bato ka. Kung ayaw mong mamatay dahil sa awang nararamdaman"
Wala akong nagawa kundi manahimik at titigan ito. Ako ang nasasaktan tuwing nagmamakaawa ito. Tuwing umiiyak ito sa bawat hampas. Gumagalaw ang kadena nito.
Nang matapos ang isang daang latigo ay akala ko tapos na pero mali ako. Napatakip ako ng bibig ng makita ang malilit na hayop na binuhos sa katawan nito. Nakakakilabot dahil dumidikit ito sa katawan ni Anahita. Para itong mga linta.
Sigaw ito nang sigaw, iyak nang iyak. Pero bato si Cassius, manhid ito. Hindi nakikinig sa pagmamakaawa.
"Lahat ng kumalaban sa akin 'yan ang magiging kahahantungan at kung hindi Ipapakain ko kay bakunawa. Ang demonyonh alaga ko"
Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Cassius, nawalan ng malay si Anahita. Unti-unting bumagsak ito at nawalan ng malay.
Lahat nakatitig sa duguan nitong katawan. Ngayon ay kinuha na ito ng mga bantay at hindi ko alam kung saan ihahatid. Nagulat ako ng lumipad si poro-poro papunta sa gitna.
"Ipinapaalam ng hari na sino man ang sumuway sa gusto niya ay mamatay, lahat ng magtangkang kumalaban sa kanya ay magiging abo" malakas nitong sigaw.
Mabilis na tumango ang mga bampira at mangkukulam. Wala silang nagawa kundi sumund. Makapangyarihan si Cassius, lahat kaya nitong gawin. Hindi ito basta-basta matatalo, hindi ito magpapatalo.
Hindi katulad ni Cassius ang maarin mong kalabanin. Kaya, iniiwasan ko itong magalit. Iniiwasan kong hindi makagawa ng pagkakamali.
"Mahal na Hari, lahat po sila ay nakahanda na. Andoon na po sila sa Bethoven. Para po ituloy ang pagpupulong na hindi natuloy" nakayukong sambit ng isang bantay.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
