AMBROSIA POV
HABANG patagal nang patagal mas lalong nagiging komplikado lahat. Ang hirap na intindihin ang nangyayari. Mas lalong gumugulo. Muli na namang nalasob ngayon. Sampung bampira at mangkukulam dahil sa kumakalat na lason. Palaisipan sa akin ang lahat. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng nakasulat sa porseras.Ang pagkakaintindi ko ay ang bagay na kinuha sa kanya ay buhay ang kapalit. Ibig sabihin may isanv bagay na nakuha sa kanya kaya siya pumapatay. Pero ano naman kaya ito, o tama bang itanong ko na ano? Baka sino. Walang gagawa ng ganito kung hindi malalim ang dahilan. Hindi hahantong sa ganito kung hindi mahalaga ang nawala sa kanya.
Wala sa sariling pumasok sa isip ko si Suzie. Kung kilala siyang mahilig mag manipula at magkontrol. Posible kayang siya ang nasa likod ng 'to? Posible din siyang dahil base na rin sa sinabi ni poro-poro sa akin. Pero patay na siya. Patay na ba talaga? Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Ang hirap alamin.
Una si Anahita ang pinaghihinalaan ko. Pero imposible, nakita ng dalawang mata ko ang pagkapira-piraso nito at pagiging abo. Posible kayang si Arty? Kung nasa kaharian ang taskil at malapit lang siya. Hindi posibleng siya ang magiging taksil. Hindi makakapasok ang lason kung wala talagng taksil. Hindi malalason ang mga bantay kung walang taksil. Pero sa mga nakita ko ay mangkukilam ang lumalabas. Posible kayang mangkukulam ang ginamit pero ang nasa likod ay bampira? O kaya ay bampira at mangkukulam ang taksil. Pero imposible.
"Iniisip mo pa rin ba ang nangyayari Mahal na Reyna? "
Mabilis akong napalingon ng marinig ang boses ni poro-poro. Malungkot akong ngumiti at lumapit sa kanya.
"Poro-poro. Habang tumatagal mas lalong lumalala. Makakamit ba talaga ng Zirconia ang katahimikan? O hindi na? " Malungkot kong tanong
"Magtiwala ka lamang ambrosia, makakamit natin lahat. Lalo na kung tulad mong mabuti na reyna ang namumuno. Walang imposible. Hindi malabong makamit ang katahimikan. Maging positibo ka lang tulad ng sabi mo noon" nakangiti nitong tugon, pero bakas ang lungkot sa mata
Tama si Poro-poro hanggang may pag-asa makakamit ang saya. Hindi dapat ako sumuko, hindi pa tapos ang laban. Alam kong malalampasan namin lahat. Ayaw ko mapanghinaan ng loob, kilala akong positibo kaya dapat ako ang dapat na mas lalong lumaban.
"Poro-poro. Nang hindi pa namatay si Suzie nangyari na ba 'to? " Wala sa sariling tanong
Seryoso itong tumango dahilan para magulat.
"Mas lalo lang nagulo dahil sa nangyaring digmaan sa pagitan niyo. Nagulo lang ang lahat dahil sa pagpanaw ng magulang ni Cassius at ni Suzie"
Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin hindi ito ang unang pagkakataon. Hindi ito ang unang beses na may namatay.
"Pero noon pa may taksil na? May lihim na kumakalabab sa dalawang panig? " Gulat kong tanong
"No'ng una ay mabagal ang lahat. Malinis ang bawat galaw, hindi mo malalaman kung sino talaga ang nasa likod ng lahat na ito. Pero habang patagal nang patagal. Mas lalong lumalala tulad ngayon. Unti-unti ng nagpapakita ang mga kalaban. Unti-unti ng gumugulo. Pero hindi pa rin mababago na kalaban namin kayo sa ginawang pagpatay ni Amandra sa magulang ni Csssius at kay Suzie"
Biglang sumagi sa isip ko si Amandra. Paano nagawang tumakas ni Amandra sa digmaang naganap noon? Malakas si Cassius, kaya hindi ito basta makakawala.
"Bakit nakatakas si Amandra noon? Bakit siya napunta sa mundo ng mga tao? " Sunod kong tanong
Kung mabagsik ang laban, hindi basta tatakas si Amandra. Kilala ko siyang matapang, kilala ko siyang palaban. Hindi siya ang tipo na tatakas. Hindi siya basta tumatakas. Kaya ang ginawa nitong pagtakas ay napakaimposibleng paniwalaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/225194371-288-k512899.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...