CHAPTER FOURTY EIGHT

1.1K 44 3
                                    

CASSIUS POV


MASAYA akong nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko na hindi ito mapakali habang nagsusuklay.  Tuwang-tuwa akong nakatingin sa kanya. Talagang ibang-iba ito sa lahat.  Hindi ito simpleng babae lang. Nakangiti akong bumababa at dahan-dahan naglakad palapit sa kanya. Mabilis kong tinakpan ang dalawa nitong mata. Halatang nagulat ito dahil sa ginawa ko.

"Cassius, ikaw ba 'yan? "

Hindi ako sumagot. Pigil na pigil  akong huwag tumawa dahil sa nagpupumilit itong humarap at abutin ako.

"Cassius naman eh! "

Mabilis ko itong binatawan at tumakbo palayo sa kanya. Natawa ako ng hinabol ako nito. Nagpaikot-ikot lang kami sa tabi ng dagat.  Tawa ako nang tawa dahil ang mukha nito ay parang inaway. Napatigil ako ng tumigil ito.  Malayo-layo ito ng kaunti sa akin. Nililipad ang buhok nito.

"Cassius! Cassius! " Malakas nitong sigaw

Nakangiti ko itong pinagmasdan. Kahit malayo ito sa akin nakikita ko pa rin ang ganda nito. Kung gaano ka ganda ang babaeng nagapapabaliw sa akin.

"Ambrosia! Ambrosia! " Malakas ko ding sigaw

Mabilis akong tumakbo ito palapit sa akin. Natatawa ko itong niyakap at inikot-ikot. Nakatitig lamang ako sa  kanya. Nakapikit ang mga mata nito. Para itong  anghel sa ganda. Dahan-dahan ko itong binababa. Pero hindi ito bumibitaw sa akin ng yakap. Siniksik nito ang mukha sa dibdib ko. Kaya nakangiti kong hinaplos ang buhok nito.

Tama nga si Amandra. Hindi dapat malaman ng lahat  na may kakambal si Ambrosia. Hindi dapat ito makita ng kahit sino. Kailangan kong mag-ingat para maprotektahan siya. Hindi maaring malagay sa panganib si Ambosia dahil sa akin. Nangako ako kay Amandra. Hindi ko sisirain ang pangako sa kanya.

"Kanina ka pa ba? " Nakanguso nitong tanong habang nakatingala sa akin

Nakangiti akong tumango at nilapit ang mukha ko sa kanya. Sandali ko itong hinalikan sa Noo.  Nirerespeto ko si Ambrosia.  Inaalaagan ko siya. Ginagalang kaya walang maaring may gumagalaw sa kanya. Naalala ko ang sadya sa  kanya. Kailangan ko siyang iharap sa kanila Ina at Ama.

"Nais kang makita nila Ina at Ama" seryoso kong sambit

Napanganga naman ito sa sinabi ko. Natatawa talaga ako kapag nagugulat ito.

"Sigurado ka ba diyan? Ipapakilala mo na ako sa magulang mo? " Hindi makapaniwalang tanong nito

"Oo naman, naikwento na rin kita sa kanila" masaya kong sagot

Nagulat ako ng tumili ito at itulak ako.

"Paano 'yan? Hindi pa ako nakaayos? Wala akong ibibigay sa kanila? Paano kong hindi nila ako  tanggapin? " Sunod-sunod nitong tanong

"Ayos lang. Maganda ka pa rin naman" nakangisi kong sagot

Mas lalong lumaki ang ngisi ko ng mamula ito.

"Sinasabi mo lang 'yan. Pero sigurado akong napapangetan ka sa akin"

"Araw-araw ka maganda sa akin. Kaya, huwag mo sabihing napapangetan ako sa 'yo"

"Pinapakilig mo ako Cassius, dahil alam mong gusto kita"

Napahalakhak  ako sa sinabi nito. Ang sarap talaga nito asarin. Natatawa ko itong hinila at niyakap. Gumanti naman ito ng yakap sa akin.

"Maganda ka kahit saang angulo tignan. Hindi mo kailangan mag-ayos dahil sapat na ang ganda mo. Simpleng-simple lang pero nakakabaliw. Para kang Dyosa sa ganda" nakangiti kong bulong

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon