AMBROSIA POV
MASARAP talaga ang magmahal sa taong mahal ka. Hindi mo maipaliwanag ang saya kapag kasama siya. Hindi sapat ang pagsigaw sa buong mundo para sabihing masaya ka na talaga. Kapag nagmahal ka. Kailangan mo talagang maghirap bago mo matupad lahat. Bago ka mahalin ng mahal mo. Pinaghihirapan ang lahat kung gusto mo talagang mahalin ka pabalik.
Sa mundo kasing ito hindi pwedeng kapag magmahal ka hanggang doon lang. Hindi simple ang pag-ibig at higit sa lahat. Hindi ito madali. Kapag nagmahal ka doon mo mararanasan ang iba't ibang bagay. 'Yung mga bahay na hindi mo naranasan no'ng ikaw ay hindi pa nagmahal. Hindi madali ang umibig, iyon ang natotonan ko mula pagkabata. Hindi ko alam kung ano sa pakiramdam ang magmahal pero alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito.
Masakit para sa akin ang lahat. Mahirap ang pinagdaanan ko. Kailangan kong magsakripisyo sa lahat. Kailangan ko silang iligtas kaya kahit sarili ko sinugal ko na. Kailangan ko pang maramdaman ang mga bagay na hindi dapat. Kailangan ko pang masaktan para mas lalong maging matapang. Nakakatanga ang pag-ibig. Aminin ko 'yon, dahil tanga ako pagdating kay Cassius. 'Yung tipong ang sakit na pero ikaw nakakapit ka pa rin. 'Yung tipong hindi ka na nga mahal nagpapakatanga ka pa rin.
Ang pagiging tanga kasi Natural lang 'yan. Kumbaga inborn na sa mundo ang mga ganyan. Parte na ang pagiging tanga sa pag-ibig. Kung hindi ka magiging tanga, magmamahal ka ba? 'Di ba hindi? Kasi ang salitang tanga at pagmamahal ay konektado. Iamang sila. Karugtong lang nito ang pag-ibig.
Nakangiti akong nakatingin sa buong Anatolia. Payapa ang lahat. Masaya ito kung pagmamasdan. Matapos ang nangyaring aminan sa amin ni Cassius ay bumalik si Amandra sa Hilvano. Kasama nito si Arty. Sila na ang bagong Hari at Reyna. Habang si Valerie ay nasa Palestine kasama si Donnovan. Nangako itong siya na ang mamahala ng kaharian. Maayos na ang lahat. Wala ang alitan sa pagitan naming dalawa. Ngayon ay magkakampi na kami sa digmaang ito. Pero ang nakakalungkot lang maraming buhay ang nawala bago naging maayos ang lahat.
Nawala ang ngiti ko ng maalala si Dallas. Sa aming tatlo siya ang kawawa at mas lalong nasasaktan sa sitwasyon naming ito. Isang pagkakamali ang mahalin ako. Sana kung na saan si Dallas ngayon ay masaya siya. Sana matagpuan niya na ang tamang nagmamahal sa kanya. Sana mahalin niya ito ng sobra.
Mabuting lobo si Dallas. Napansin ko rin ng sobra itong magmahal. Siya 'yung tipong nagmamahal na kahit alam ng walang pag-asa. Patuloy pa ring umasa. Alam niya na ang totoo pero nagbubulag-bulagan siya dahil mahal niya ako. Kahit alam niya ng hindi ko siya kayang mahalin naniniwala pa rin si Dallas na mamahalin ko siya. Hindi ako manhid, ramdam kong nasasaktan siya.
Pero mali lang talaga siya sa parte na sobra niya akong minahal. Mali din ako sa parteng hindi ko siya kayang mahalin. Kumbaga sa aming dalawa hindi ito ang tamang pagkakataon. Nasaktan ako dahil namatay siya sa mismong kamay ni Cassius. Namatay siya na hindi nahahanap ang babaeng mahal. Hindi niya man lang naranasan kahit sandali ang maging masaya.
"Ang lalim ng iniisip mo Ambrosia, pakiramdam ko hindi na masisid sa sobrang lalim"
Nagising ako sa pag iisip ng marinig ang boses ni Poro-poro. Nakangiti ko itong hinarap.
"May bumabagabag ba sa isip mo? Hindi ka ba masaya sa nangyayari? " Seryoso nitong tanong
"Masaya ako Poro-poro. Ang saya ko dahil mahal ako ni Cassius. Isa 'yon sa mga pangarap ko ang mahalin niya. Isa rin sa mg Pangarap ko ang kapayapaan ng Zirconia. Napapaisip lang ako kung hanggang saan ba ang saya na mararamdaman ko? May wakas ba ito? "
"Ambrosia, ang mundo hindi palaging masaya. Hindi puro saya lang ang maari mong maranasan. Pero hindi mo pwedeng isipin na kung hanggan saan ba o magwawakas ba ang saya mo? Dahil sa bawat pagsubok na nalalampasan mo. Makukuha mo ang saya. Magiging masaya ka kapag natapos ang lahat"
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
