CASSIUS POV
MABILIS akong napabangon dahil sa gulatm Tagaktak ang pawis ko. Napatingin ako sa aking asawa na si Ambrosia. Hindi ko alam kung panaginip ba ang lahat na 'yon. Pero bakit pakiramdam ko totoo. Sa bawat araw na lumipas unti-unting bumalik sa akin ang nangyari lahat.
Napatitig ako kay Ambrosia. Mahimbing itong natutulog. Ang amo nang mukha nito. Hinaplos ko ang makinus nitong mukha. Napakaganda niya pa rin kahit tulog. Hindi ako maaring magkamali, totoo ang lahat na 'yon. Nagkakailala na nga kami ni Ambrosia noon. Hindi lang kami nagkakakilala. Nagkalapit pa. Pero sino ang mangkukulam na 'yon. Siya kaya ang nagbura nang alaala ko.
Mabilis akong bumangon para hanapin si Gianluca. Siya lang ang makakatulong sa akin. Siya lang ang makakasagot sa tanong ko. Malinaw na sa akin ang lahat. Hindi ako maaaring magkamali. Posibleng ang mangkukulam na 'yon ang nasa likod nang lahat na 'to. Siya ang posibleng nasa likod nang lahat na ito.
Naabutan ko si Gianluca na tulalang nakatingin sa labas nang kaharian. Parang may malalim itong iniisip.
"Gianluca" malamig kong tawag
Mabilis naman itong humarap sa akin. Bakas sa mata nito ang gulat nang makita ako. Agas naman itong ngumiti sa akin. Si Gianluca ng isa sa tapat na mangkukulam na naglilingkod sa akin. Mula pagkabata kilala ko na ito. Isa ito sa pinagkakatiwalaan ni Ama. Kahit na isa itong mangkukulam sa amin pa rin ito pumapanig.
May sasabihin sana ako nang maaalala kong may iniisip ito. Hindi basta-basta tutulala si Gianluca sa kawalan kung walang iniisip. Hindi siya basta-basta tutulala kung walang iniisip. Sa tagal kong nakasama si Gianluca. Alam ko na rin ang mga kinikilos nito. Sa tagal ko itong nakasama kilala ko na ito. Hindi man niya sabihin sa akin ang totoo. Alam ko kunga nagsisnungaling ba ito o hindi.
"Ano ang iniisip mo? Bakit ka nakatulala? " Seryoso kong tanong
"May nakita akong pangitain na may Isang Bampirang nagbalik na ang alaaala. Matapos itong burahin. Hindi ko lang matukoy kung sino pero alam kung alam niya na ang totoo. Alam niya na ang lahat"
Nanlamig ako sa sinabi nito. Hindi kaya ako ang bampirang 'yon. Nakaramdama ako nang kaba.
"Sampung taon na ang nakalipas nang mabura ang alaalaa niya. Nababasa ko sa libro ng Vargon na magbabalik ang alaala dahil sa pag-ibig. Kaya, gusto ko sanang malaman kung sino ang Bampirang binurahan nang alaala"
Hindi ako maaring magkamali. Ako ang bampirang binurahan nang alaala at ngayon ay nagbalik na. Hindi panaginip ang lahat. Hindi na ako nag-iilusyon. Totoo ang lahat nang 'yon. Magkakakilala na kami ni Ambrosia mula noon. Siya ang babaeng inakala ko na Si Suzie. Siya ang gumugulo sa isip ko no'n. Siya nga. Ang asawa ko!
" Ayon sa kabanata Anim na nabasa ko sa Aklat nang Vargon ay ang alaalaang sapilitan binura dahil sa sariling mithiin ay kusang babalik dahil sa totoong pag-ibig. Mabubura ang alaaala nito pero hindi ang pusong nagmamahal. Makakalimutan nang isip nito kung sino ito sa buhay niya. Pero malalaman nang puso kung sino ito kapag oras tumibok ang puso"
Nang pumunta ako sa mundo ng mga tao. Nang makita ko si Ambrosia. Isa lang ang naramdaman ko. Ang malakas na kabog ng aking dibdib. Ang sinisigaw nito na parang nagsasabi na kilala Si Ambrosia.
"Kaya nais ko sanang malaman kung Sino ito. Para matulongan ko siyang masagot ang mga tanong kung sino ang may gawa sa kamya. Maaring siya ang nasa likod nang ito. Siya ang gumagawa nang kagulogan sa Zirconia"
Napapikit ako nang maalala ang Isang mangkukulam na nakamaskara. Naalala ko ang sinabi niya.
"Lahat nang mga magagandang nangyari sa 'yo ay makakalimutan mo. Makakalimutan mo ang iyong iniibig. Makakalimutan mo ang Diwatang 'yon. Galit ang mamumuno sa puso mo. Hindi mo siya maaalal at makilala"
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
