CHAPTER THIRTY SEVEN

1.9K 78 31
                                    

Ito na ang pinakahihintay niyo💜

CASSIOUS POV

MALAMIG  akong nakatingin sa labas ng kaharian habang umuulan ng Rosas. Mga rosas galing sa babaeng walang ibang ginawa kundi baliwin ako. Sa pagulan ng rosas ay nangangahulogan ng sobrang pagmamahal.  Sa bawat rosas na pumapatak ay may milyong kahulogan.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Pero isa lang ang sigurado ako, nasasaktan ako ng sobra. Nagdadalamhati ako sa nangyayari. Nasasaktan ako dahil sa sinapit ng mahal ko.

Napapikit ako ng maaalala ang una naming pagkikita. Ang inosente nitong mukha at maamong mukha ay kakaiba. Kakaiba ito sa kambal niya. Akala ko noong una siya ay si Amandra at nililinlang lamang ako. Pero nang mahahawakan ko siya nasabi kong totoo talagang kakaiba si Ambrosia.

Nakaramdam ako ng kakaiba nang makita ang mata nito. Nang mahawakan ko siya. Iyon ang unang pagkakataon na tumibok ng malakas ang puso ko at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'n. Kung kinakabahan ba talaga ako. Pero kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng kaba kahit ilang beses na akong napalaban. Walanb sino man ang nagpatibok ng puso kong bato.

Nang makita ko silang dalawa.  Masasabi kong iisa lang, iisa ang mukha pero hindi ang pagkatao. Iisa lang siya dahil magkakambal sila pero hindi sila iisa. Malaki ang pinagkaibahan nila.  Ang Amandra na Prinsesa ng kahariang Hilvano ang pumatay sa magulang ko ay matapang at matigas. Palaban ito, hindi ito kailanman natakot na lumaban. Pero ang Ambrosia  na inakala kong Amandra ay malambot. Hindi marunong lumaban, hindi marunong manakit. Malambot ang puso nito. 'Yon ang unang pagkakataon na nakatagpo ako ng isang tao na hindi kailanman nagsisinungaling sa nararamdaman, isang tao na hindi nagsawang maging mabuti sa kabila ng lahat.

Sa mundo kong ito ay kakaiba. Napapalibutan ng masasama. Pinalaki akong matigas at matapang. Pinalaki na akong buto ang puso. Kailanman ay hindi ako hinayaang ngumiti ng aking ama. Hindi ako hinayaan ng aking mga magulang na ngumiti, dahil ako ang susunod na magiging Hari sa buong Zirconia kaya kailangan ko maging matigas at tuso.

Hindi ako hinayaan nila Ama at Ina na malinlang sa emosyon. Kaya, walang nakakakilang totoo. Hindi nila alam ang tinatakbo ng isip ko dahil pinatili kong matigas ang emosyon ko. Hinayaan ko lamang silang magulohan kung ano ang iniisip ko. Pero isa lang ang sigurado ko. Tuwing nagtatangka silang basahin ang isio ko para na rin silang naghukay ng sariling libingan. Hindi nila ako basta- basta maloloko. Hindi nila ako matatalo..

Ako si Cassius Promtheus ang hari ng Anatolia.  Walang sino man ang maaring magpapabagsak sa akin. Walang makakatalo sa akin. Hindi ko hahayaang bumagsak ako. Gagawin ko ang lahat para manalo. Kung kinailangan ko maging sakim at tuso gagawin ko. Pero ang lahat nagbago natutunaw lahat ng  tapang ko kapag kaharap ko siya. Kapag nakikita ko ang ngiti niya. Kapag hinawakan niya ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sumuko sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako pa rin. Inisip ko noon na baka nga nagpapanggap lang siya, baka tulad lang siya ng kambal niya mapanlinlang. Pag oras nadal na ako sa patibong niya ay papatayi niya na ako tulad ng pagpatay nito sa magulang ko. Akala ko noon nagpapanggap lang siyang maamo, nagpapanggap lang siyang mabait. Kaya, ginawa ko lahat sinaktan ko siya nang sinaktan para maramdaman niya na hindi ako bibigay. Hindi ako magpapadala sa patibong niya.

Nang araw na makuha ko siya, do'n ko naranasan ang matulala at manlamig ng malamang birhen pa ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko no'n. Gusto kong umalis sa loob niya ng marinig ang mumunti nitong hikbi. Gusto kong bawiin ang oras na hindi ko na lang dapat siya inangkin. Nakaramdam aki ng konsensiya sa unang pagkakataon. Nakaramdam ako ng takot na hindi naman dapat. Kaya tinatak ko lahat para lang maramdaman niya ang galit ko.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon