CHAPTER TWO

1.9K 67 3
                                        

AMBROSIA POV
HINDI ko alam kung paano ko nagawang makatulog nang mahimbing na hindi iniisip ang mga sinabi ni Amandra sa akin.

Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin ang lahat ng bagay lalo na sa mga kaganapan sa Zirconia. Pakiramdam ko ay wala akong lakas na kumilos.

"Ambrosia, bilisan mo na! " Sigaw ni Mama habang naghahanda ng kakainin

"Opo! " Malakas kong sagot saka nagmamadaling bumababa

Mabilis kong kinuha ang bag at baon ko saka nag paalam kay Mama. kailangan kong pumasok dahil ngayong araw ang exam namin. Hindi ako pwedeng lumiban dahil papagalitan ako ng Guro namin.

Mabigat ang loob ko dahil sa hindi na ako makakabalik sa Zirconia, nag-aalala na  ako sa posibleng mangyari. Hindi ko alam kung sino ang mananalo. Kagabi pa ako nagdadadasal na sana ay maging ligtas sila Ina at Ama.
"Ambrosia! "

Napangiti ako ng makita si Vonna sa labas ng Gate. Siya ang matalik kong kaibigan sa Senior High. Lagi ko itong kasama ss lahat, hindi lamang sa kalokohan kundi na rin sa problema.
Pareho kami ng kursong kinuha  dahil sa gusto ko maging isang Reporter at si Vonna ay isang Pulis. Sinalubong ako ni Vonna nang mahigpit na yakap. Wala sa sariling napangiti ako sa pagiging malambing ni Vonna sa akin.

"Nabalitaan mo ba? " Nakangiting tanong sa akin ni Vonna na ikina-pagtataka ko

"Ang ano? " Nagtataka kong tanong

"May namatay daw na babae at ang hinala Bampira ang pumatay, dahil sa dalawang kagat na nakita sa leeg." Naiiling nitong sagot na ikinatigil ko sa paglalakad

Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib nang magsimula itong kumabog sa kaba.  Bampira? Hindi ako makapaniwala na kahit sa mundo ng mga tao ay pumupunta sila. Walang nasabi sa akin si Amandra tungkol sa ibang Bampira.

Ang alam ko ay kailagan nila ng Dugo para mabuhay ngunit matagal nang patay ang balitang ito. Muli na naman bang nabuhay dahil sa digmaan? Kailangan ba nilang magpalalakas ulit?

"Ikaw Ambrosia? Naniniwala ka ba sa Bampira? "

Nanlamig ako sa tanong ni Vonna, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong nito na gayong isa rin akong Bampira. Hindi ko magawang aminin lahat kay Vonna kahit matalik ko siyang kaibigan.

"Oo, bakit? " Balik kong tanong saka nagkukunwaring inaayos ang mga gamit sa aking upuan

"Hindi  ko alam, sa wattpad ko lang kasi nababasa mga 'yan. Pero base sa kumaklat ngayon... Naniniwala na ako." Naiiling   na sagot ni Vonna

Sunod-sunod akong napailing nang marinig ang sinabi ni Vonna. Hindi niya alam na ang mga kwentong sinasabi niya ay nangyayari rin sa totoong buhay. Hindi niya alam na isa rin akong Bampira... Na ang kwentong sinasabi niya ay totoong buhay ko.

"Tingnan niyo ang araw nagdidilim! "

"Bakit nag-iba ang kulay ng kalangitan?!"

"Tuloyan na ba tayong nilamon ng mga Bampira?!"

Napatayo kami ni Vonna nang  may sunod-sunod na sumigaw. Mabilis kaming tumakbo palabas para tignan ang mga sinasabi ng mga kaklase namin.

Ang kalangitan ay nagsisimulang dumilim. Ang araw ay natatakpan ng buwan, kalahati ng sinag ng araw  ang tanging nakikita.

Nakaramdam ako ng kaba, iba ang pakiramdam ko sa aking nakikita ngayon. Nanlaki ang mata ko nang makitang may dumaan sa bilog na buwan saka pinaghalong araw. Parang isang bampira ang tumalon.

"Nakita mo 'yon Vonna? " Gulat kong tanong habang nakatingin sa kalangitan

"Ang ano? " Nagtataka nitong tanong dahilan para mas lalo akong kabahan

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now