Sabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TATOO NI CASSIUS. ISIPIN NIYO NA LANG NA MALIIT😂
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
AMBROSIA POV
NANGINGINIG ako sa kaba habang nakatingin sa salamin. Inaayusan ako ni Alondra, dahil ngayon na ako haharap sa lahat bilang reyna.
"Ambrosia, paniguradong matutuwa ang iyong Ina at Ama kapag nalaman nila na ikaw na ang Reyna" masayang usal ni Alondra habang tintali nito ang bahay ko.
Ang kalahati ay nakatali habang ang iba ay nakabagsak. Nilagyan ako nito ng kaunting kolorete at mga alahas. Isang mahabang bestida na long sleeve ang pinasuot sa akin na kulay pula na may iba't ibang desinyo ang nakapalibot.
"Sana nga Alondra. Pero ayaw ko maging reyna. Pakiramdam ko kasi hindi ko kaya" malungkot kong sagot.
"Ano ka ba Ambrosia, hindi ka papabayaan ng hari. Nasa tabi mo siya. Sasamahan ka niya kahit ano'ng mangyari" nakangiti nitong sambit. Mabilis kong niyakap si Alondra, tama ito. Dahil sabi sa akin ni Cassius, hindi niya ako papabayaan. Tutulongan niya ako sa mga tungkuling gagawin. Ang kailangan ko daw gawin ay samahan siya, kailangan ko lang manatili sa tabi niya
"Masaya ako Ambrosia, dahil ang katulad mong reyna ang napili. Napakabuti mo"
Napangiti ako sa sinabi ni Alondra. Alam kong kaya ko ito, kailangan kong tatagan ang loob ko. Bumukas ang pintuan at iniluwa si Cassius. Nakapula rin ito tulad ko, kakaiba ang kausotan nito dabi sa gitna ay maraming butones at may kuwelyo.
Pero mahaba rin ito tulad ko. Bagay na bagay sa hitsura nito ang pagiging Hari. Nakangiti kong hinawakan ang bestida ko at lumapit sa kanya.
"Tapos ka na ba naayusan? " Seryoso nitong tanong.
"Oo Cassius, maganda na ba ako? " Nakangiti kong tanong.
Nagulat ako ng bigla ako nitong hapitin at halikan. Pero agad ko ding sinagot ang halik nito. Nilagay ko ang kamay sa batok nito saka mas lalo pang tumingkayad para maabot siya. Namula ako ng marinig ang pagtikhim. Nakalimutan kong kasama pala namin si Alondra. Matamis akong ngumiti sa kanya pero yumuko ito.