THIRD POV
Pula na ang buwan tanda na oras ng digmaan na. Madilim ang kalangitan. Walang bituing makikita. Sa sobrang dilim ay ang pulang buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na langit.
Nakatingin si Ambrosia sa lahat ng mga Bampira at kay Cassius. Ngayon na magaganap ang totoong digmaan, kasama na si Casssius dahilan para mas lalo siyang kabahan. Hindi ni Ambrosia alam ang gagawin. Mas lalo pa siyang kinakabahan sa mga nalaman. Hindi niya sinabi lahat kay Cassius ng malaman dahil ayaw niyang mas lalong madagdagan ang Problema nito.
Nakangiting lumapit si Cassius kay Ambrosia, hinawakan niya ito sa kamay at hinalikan ang palad nito.
"Kung sakali mang makahabol ako mamay sa 'yomg panganganak. Babalik agad akk para samahan ka Mahal ko, hintayin mo ako. Tatapusin ko lang ito"
Naiiyak niyang tinitigan si Cassius, gusto niyang sumama. Gusto niya itong makasama pero hindi maari. Kailangan niyang magtiis na nasa kaharian lamang siya.
"Mag-ingat ka Mahal ko, bumalik kang buhay. Hihintayin ka namin" naiiyak niyang bulong
"Babalik akong sugatan at buhay. Babalikan kita mahal ko. Mahal na mahal kita" nakangiting bulong ni Cassius
Naiiyak siyang tumingkayad at hinalikan ito. Natatakot si Ambrosia dahil alam niyang wala siyang maitutulong. Dahil alam ni Ambrosia na hindi niya malalaman kung ano ang magaganap dahil nasa kaharian lamang siya.
"Nakahanda na si Bakunawa, mahal na Hari. Hinihintay ka ng lahat" nakayukong sambit ni Donnovan
Dahan-dahang lumayo si Cassius dahilan para madurog ako. Alam kong hindi ito ang huling pagkikita namin. Babalim siya, babalikan ako ng mahal ko.
"Nais kong bantayan niyo ang anak ko Angos, huwag niyong hayaan na siya ay masaktan. Babalik agad ako" malamig na utos ni Cassius
"Masusunod Mahal na Hari. Sa abot ng makakaya namin ay po-protektahan namin siya. Maasahan niyo kami Mahal na Hari" nakayukong turan ni Angos
Matamis na ngumiti si Cassius kay Ambrosia. Hindi mapigilan ni Ambrosia ang mapahikbi habang nakatingin ss papalayong Cassius. Para siyang nananatay sa nakikita. Sa pagtalikod nito ay ang pagkadurog ng kanyang puso.
"Lahat tayo ay babalik na buhay! Mananalo tayo sa digmaang ito! " Malakas na sigaw ni Cassius
"Laban! " Sigaw ng lahat
Sandaling tumingin si Cassius kay Ambrosia bago sumakay kay Bakunawa. Nasasaktan siya ng makita ang pagluha nito. Nginitian niya ito para gumaan ang pakiramdam ng kanyang asawa.
"Babalik ako Mahal, babalikan ko kayo ng Anak natin" nakangiti niyang bulong
Malakas na sumigaw sila Bolokos, pusol at tulkan. Maging ang mga Bampira ay ganoon din. Mabilis na lumipad si Bakunawa ganoon din ang mga lobo at Bampira ay nagsitalunan na. Lahat sila ay nakahanda na sa digmaan. Malamig na nilabas ni Cassius ang kanyang pangil at koko.
"Mananalo tayo sa digmaang ito! Para sa Ziconia! " Malakas na sigaw ni Cassius
Muling sumigaw sila Pusol habang nakasunod sa kanya. Alam nilang hindi basta-basta ang digmaan pero napaghandaan na nila ito. Alam na ni Cassius na ito ang mangyayari. Deisidido siyang manalo sa digmaan dahil alam niyang ito ng gusto ng kanyang Asawa. Gusto ni Ambrosia ng kapayapaan para sa mga anak nila.
Nang makarating sila.sa Piscina ay nakahanda na rin ang mga kalaban. Nasa kabilang panig ito habang sila ay nasa kabila rin. Tulad nila ay marami rin ang mga kalaban. Kasama na nito si Luxor at ang alaga ni Luxor. Dahan-dahang bumaba si Cassius kay Bakunawa. Napatingin siya sa Pulang buwan. Pulang-pula na ito, para itong isang apoy na nagliliyab.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
