AMBROSIA POV
NAKANGITI akong nakatingin sa buong kaharian. Matapos ang nangayaring kagulohan ay bumalik na sa dati ang lahat. Umalis si cassius dahil may gagawin daw ito. Pinalabas niya ako pero maraming bantay ang iniwa.
Napabusangot na lang ako sa ginawa nito. Talagang inaakala ni Cassius na tatakas ako. Alam kong hindi ako makakatakas ng buhay at wala akong plano na tumakas pa.
Napakaganda ng kahariang anatolia, kakaiba sila pag umaga. Para din silang mga simpleng tao na nag-uusap at nagtatawanan. Nasa taas ako ng kaharian habang nakatingin sa kanila.
Matapos ng usapan namin ni poro-poro ay marami akong nalaman kahit papano. Naging dagdag impormasyon ko sa kanya. Pero hindi mawala sa isip ko si Suzie ang babaeng dumphir. Siya ang prinsesang mangkukulam at siya ang nakatakda kay Cassius. Pero ano ang ibig sabihin ni poro-poro na nabago ni Cassius ang nakatakda.
May nakatakda sa akin na isang lobo. Iyon ang sabi sa akin ni ina noon. Kami ang nakatakdang maikasal noon. Pero hindi ko alam kung sino, alam ko na ang dahilan ng paglusob ng mga lobo.
Nais nila akong makuha dahil sa kailangan na naming mag-isang dibdib. Pero palaisipan sa akin ang lobong nakatakda.
Kung isang lobo ang nakatakda sa akin ibig sabihin may posibilidad na hindi kami ni Cassius. May posibilidad na. . . Pero hindi ko maintindihan. Ang daming gumuhulo sa akin, sa nangyayari sa amin ngayon talagang magulo na.
Mas lalong gumugulo hindi kami maari na cassius dahil hindi kami ang itinakda. Lalong hindi talaga kami pwede dahil sa digmaang nangyari. Pero ang pag angkin sa akin ni cassius ay may ibig sabihin ba? Hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga habang tulalang nakatingin sa kalangitan.
"Ang Mahal na Hari! Andito na! " Malakas na sigaw ni Poro-poro
Mabilis akon lumingon ng marinig ang papalapit na yapak. Napangiti ako ng makita si cassius na ngayon ay malamig at seryosong nakatingin sa akin. Nagsiyukuan ang lahat maging si poro-poro. Kasama nito ang mga vampiros.
"Mahal na hari" sabay nitong sigaw at yumuko.
Seryoso itong tumango at naglakad palapit sa akin. Nakapanghari ito ng damit ns kulay itim na maraming butones sa gitna.
"Cassius" nakangiti kong tawag at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.
Narinig ko pa ang pagsinghap nila pero mas lalo kong hinigpit ang pagkakayakap kay Cassius. Ilang oras lang itong umalis pero hinahanap ko na siya.
"Mahal na hari ang mga dumphir ay naghihintay na po sa inyo"
Napahiwalay ako kay cassius dahil sa sinabi nito. Pero nakahawak pa rin ako sa beywang nito at nakasanda sa dibdib nito.
"Susunod ako" maikli nitong sagot.
"Ano'ng meron cassius? " Nakangiti kong tanong.
"May pag-uusapan kami" malamig nitong sagot.
"Sasama pa ba ako? "
"Oo, "
Sabay na kaming maglakad, hinawakan ako nito sa beywang para mabalanse. Hindi ko alam kung saan kamai pupunta basta nakasunod lamang ako kay cassius.
Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa amin ang malaking lamesa na maraming bampira at mangkukulam ang nakaupo. Nagulat ito ng makita si Cassius. Mas lalo silang nagulat ng mapunta ang tingin sa akin.
"Haring cassius" sabay nitong sambit.
Sabay-sabay itong tumayo at yumuko. Akmang aalis ako sa pagkakayakap kay cassius ng pigilan ako nito. Naglakad ito papunta sa gitna kung saan may isang upuan na walang nakaupo.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
