THIRD POV
NAKATITIG lamang si Ambrosia sa buwan. Ito ang paborito niyang pagmasdan at higit sa lahat ito ang nais niyang maabot. Pangarap niya noon na makatalon sa gitna ng buwan kasama si Cassius. Pero pakiramdam niya, hindi na ni Ambrosia ang lahat.
Mariin siyang napipikit ng kumirot ang puso niya. Nanghihinanv hinawakan niya ito, sa bawat araw na nagdaab unti-unting humihina ang tibok ng puso niya. Nanghihina siya sa sakit. Mahina siyang napadaing. Hinahampas niya ang dibdib para mawala ang sakit. Pero mas lalo itong sumasakit. Akmang sisigaw ng makarinig siya ng kalabog.
Mabilis siyang nag-angta ng tingin. Nanlaki ang mata niya ng makita si Cassius na nanghihina habang naglalakad papunta sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba, dahil ng makitang nanghihin ito. Napasigaw si Ambrosia ng bumagsak ito sa harapan niya. Mabilis siyang lumapit at hinawakan ito.
Naiiyak siya ng hindi ito magsalita. Nakapikit ang mata nito at bumigat ang paghinga. Hindi ni Ambrosia ininda ang sakit sa puso. Mas lalo itong sumakit ng tinapik-tapik niya ang mukha ni Cassius pero hindi ito nagising.
"Cassius, gumising ka" naiiyak niyang tawag
Nanlaki ang mata ni Ambrosia ng mapansin ang sugat nito sa leeg. May dalawang pangil ang nakabon, hindi niya maintindihan kung bakit kulay itim ang lumalabas. Napanganga si Nazatya ng mapansin ang sugat nito sa balikat.
Hindi maaring magkamali si Ambrosia. Napaaway si Cassius. Hindi alam ni Ambrosia ang gagawin, kitang-kita niya ang panghihina nito. Hinawakan niya ang pulso nito at naramdaman niya ang pagkabagal ng tibok ng puso ni Cassius.
Hindi niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya may kakaiba. Nataranta siya ng dumadaing ito. Akmang sisigaw si Ambrosia ng makarinig siya ng sigawan.
"Nalason ang Hari! " Sigaw ng mga bantay
Nanlamig si Ambrosia sa narinig. Nanginginig niyang hinawakan ang kamay nito.
"Kailangan mawala ang lason. Hindi ka maaring mamatay" naiiyak niyang bulong.
Hindi ni Ambrosia alam ang gagawin pero may isang bagay siyang alam na maaring mawala ang lason.
"Mahal na mahal kita Cassius, gagawin ko 'to para sa 'yo. Mahal na mahal kita" naiiyak niyang dagdag at sandaling hinalikan ang labi nito
Nakapikit niyang nilabas ang pangil at walang pasabing kinagat ang leeg nito na may sugat na kung saan lumalabas ang itim na likido. Mariing napapikit si Ambrosia ng maramadaman ang kakaibang kumalat sa katawan niya. Hindi siya tumigil kahit na kumirot ang puso niya. Patuloy pa rin siya aa pagsipsip. Hindi niya nalasahan ang dugo kundi ang lason ang nalasahan niya. Ang lason na unti-unting kumalakalat sa katawan niya hanggang sa puso.
Nanghihinang lumayo si Ambrosia, akmang magsasalita siya ng sumikip ang dibdib niya. Pero bago niya pinikit ang mga mata ay tinitigan niya muna si Cassius na walang malay bago nandilim ang paningin.
Nagkagulo na lahat ng bantay. May taksil na nakapasok, hinahanap nila ang Hari. Maging ang Vampirus ay hindi mapakali.
"Wala ang Hari sa Silid niya" kinakabahang sagot ni Angos
"Libutin lahat ng Kaharian, hanapin ang taksil" utos ni Donnovan
"Maaring nasa kulongan ni Ambrosia ang Hari" sagot ni Gianluca
Wala silang pinalampas na oras, mabilis silang tumakbo papunta sa kanila Ambrosia. Hindi nga sila maaring magkamali. Walang malay ang Hari maging si Amrbosia. Mabilis nila itong nilapitan.
"May tama ang hari" sigaw ni Napoleon
Mabilis na lumapit si Gianluca. Pero nanlamig siya ng makita ang sugat nito sa leeg.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
