CHAPTER TWENTY THREE

1.2K 50 3
                                        

I dedicate this Chapter kay Hazel Etubalam. Salamat at nagustohan mo ang kwento ko. Para sa 'yo ang chapter na 'to. Salamat sa pagbabasa. Marami-rami pa rin ang Team Cassius. Tapat na tapat pa rin sa Hari. 💜

AMBROSIA POV

MAHIGIT ilang linggo na rin ako sa Piscina at tama nga sila, hindi basta mahahanap ang luga na ito. Tago ito sa buong kaharian. Sa ilang linggo kong pananatili ay nakilala ko na sila lahat at ngayon ay malapit na sila sa akin. No'ng una ay nahirapan ako. Pero tama nga si Valerie, hanggang patagal nang patagal makakayanan mo rin pala lahat.

Wala na akong balita kay Cassius. Ayaw kong malaman ang nangyari sa kanya dahil natatakot ako.. Pa simpleng bumibisita si Artt sa piscina. Sinusubukan niyang sabihin sa akin ang lahat pero pinipigilan ko siya. Nasa proseso pa ako ng paghihilom. Kaya kailanagan kong tatagan ang loob ko, kailangan kong tiisin ng lahat na ito. Mahigpit akong napakapit sa puno dahil sa pagkauhaw.

Sa ilang linggo kong pananatili dito ay hindi sapat ang dugong na iinom ko. Hindi sapat ang dugong iniinom ko kay Dallas. Patuloy pa rin akong na uuha. Pakiramdam ko ibang dugo ang kailangan ko. Hindi dugo nila kundi kay Cassius. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Mabilis akong lumapit kay Inang Diwata. Katulad rin siya kay Gianluca mangkukulam na mangagamot. Siya ay diwatang bampira na mangagamot.

"May kailangan ka ba Mahal na Reyna? " Nakayuko nitong tanong

Ilang linggo akong nagtiis, pero habang patagal nang patagal nahihirapan ako. Ang dami ng dugo ang na ubos, ang dami ng dugo ang binigay sa akin.

"Inang diwata, bakit pakiramdam ko hindi sapat ang dugong iniinom ko? " Nag-aalala kong ranong

"Kasi Mahal na Reyna. Minarkahan niya. Kapag oras markado ka ng isang Hari. Siya lang ang hahanapin mo, siya lang ang gusto ng katawan mo. Hinahanap ko ito ng lunas pero malakas ang mangkukulam na mangagamot. Malakas ang basbas na hiningi niya kay Bathala. At ayaw ako pagbigyan ni Bathala. Ayaw niyang bawiin ang pagmarka ng Hari. Hindi na daw maari mabawi ang bagay na minarka lalo na kung isang hari" malungkot nitong turan

Nanghihinang naipikit ko ang aking kamay. Patagal nang patagal ay mas lalong nagiging komplikado.  Paano mapuputol ang uganayan namin. Paano mapuputol ang lahat kung si bathala ba mismo ang naglalapit sa amin.

"Ano ang gagawin ko? " Mahina kong tanong

"Hayaan mo. Makakahanap rin tayo ng dugo na pupuno sa uhaw mo. Sa ngayo kailangan mo munang tiiisin. Kasi hindi ordinaryo ang dugo ng Hari. Ang dugo niya ay nagmula sa matatapang na bampira at nakakataas sa  buong Zirconia"

Ano na lang ang mangyayari sa akin? Ang dugo ni Cassius ang kailangan ko. Siya ang hinahanap ng katawan ko.

"Pero may isang paraan. Kailangan may pumunta sa douma. Mahirap makapunta do'n dahil kay bakunawa. Pero sa Douma, ando'n ang panandaliang gamot sa uhay mo. Ang tubig ng Anatolia"

Minsan na akong nakapunta sa Douma at alam ko kung ano ang meron do'n kung bakit ando'n si Bakunawa. Dahila and'on ang mahahalagang bagay na si Cassius lang ang nakakaalam.

"Tatagal ito ng buwan pero pagkatapos no'n ay hindi mo na maaring gamitin pa. Isang beses lang 'yon tatalab sa katawan mo, kailangan mo talaga ang dugo ng hari"

Nakangiti akong tumango at mabilis na nagpaalam. Mabilis kong tinakbo ang punong lugar para tawagin si Demetra. Kailangan ko siya. Kailangan ko ang tulong niya.

"Aking mumunting alaga... Ikaw ay aking tinatawag... Lumapit ka  sa 'yong Reyna" nakapikit kong kanta

Napangiti ako ng marinig ang malakas nitong sigaw at malakas na hampas ng pakpak.

The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)Where stories live. Discover now