AMBROSIA POVHINDI ko alam kung ano na ang nangyayari kay Cassius. Ilang araw ko siyang napapansin na tulala habang nakatitig sa akin. Minsan naiilang ako pero kinililig. Masyadong nakakakilig kasi ang mga ginagawa nito. Hindi ako sanay. Katulad na lang ngayon.
"Mabura man ang alaala nating dalawa. Pero hinding-hindi ang pagmamahalan natin. Makallimutan man natin ang isa't isa. Pero hindi ang pagmamahalan natin" nakangiti nitong bulong
Natawa ako ng hinalik-halikan ako nito. Nang sabihin sa akin lahat ni Cassius. Doon ko nalaman na talaga ngang nagpapanggap kang si Cassius. Matagal niyang tinago lahat. Ilang taon niyang sinarili ang mga pinagdaanan. Tulad ko naging mahirap ang buhay nito. Pero masaya ako sa narating ni Cassius. Nagawa niya ngang magong hari. Napanindigan niya na ang tungkulin bilang Hari. Masaya ako sa kanya. Sobrang saya ko para sa aking asawa dahil sino ba naman ang mag-aakalang nakaya lahat ni Cassius.
Hindi madali lahat ang dinaanan niyang hirap. Iniisip ko pa lang na mararanasan lahat nahihirapan na ako. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin.
"Mahal kita Cassius. Mahal na mahal kaya kung ano man 'yang pinagsasabi mo tatanggapin pa rin kita"
Masaya ako dahil nakikita ko na ang totoong Cassius. Hababng patagal nang patagal mas lalong nararamdaman ki ang pagmamahal ni Cassius. Nakikita ko na ang totoong siya. Ang Cassius na hindi na takot sabihin ang nararamdaman. Ang Cassius na hindi na nanakit. Marami ang nagbago sa pagitan namin. Marami ang nag-iba simula ng mawala ang galit sa isa't isa.
Naalala ko pa na ang katawan ko ang naging kabayaran. Ang katawan ko ang naging kapalit. Sa bawat malakas na baon, sa bawat marahas na halik ay ramdam ko. Bawat pananakit niya ay nasasaktan ako. Pero ngayon iba na ang nararanasan ko. Ang lahat ng iyon ay mananatiling nakaraan sa aming dalawa. Isa iyon sa mga pagsubok na nagpalakas sa amin.
Dahil kung hindi ko naranasan ang galit niya wala kami sa ganito. Kung hindi ko hiniling na ako na lang ang gamitin niya para malabas laaht ng galit. Kung hindi ko hiniling na ako ang maging kabayaran sa lahat hindi ganito. Walang pagmamahalan kung hindi magsisismula sa galit. Walang galit kung walang pagmamahal. Laging pag-ibig ang nanaig sa lahat.
Hindi ako nagsisi sa lahat. Wala akong pinagsisihan. Siguro masakit. Masakit dahil nagmahala lang ako pero sobra niya akong sinaktan. Pero hindi lang din naman ako ang nasaktan. Pareho kaming dalawa. Nasaktan siya, nasaktan ako. Lahat nasasaktan. Ang masaktan ay malaking parte ng buhay. Pero masaya ako dahil lahat ng sakit ay tapos na. Aminin ko ma o hindi natatakot pa rin ako dahil may digmaan pang magaganap. Hindi ako handa, ayaw ko ng masaktan pa. Ayaw ko ng may masaktan pa. Gusto ko na lang ganito. Gusto ko masaya na ang lahat.
Hindi ko kayang manahimik. Hindi namin kayang maging masaya dahil sa sitwasyon namin. May mga taksil ang nakapalibot sa amin. Kahit ano'ng oras maaring sumugod ang mga ito. Maaring magsimula ang digmaan. Kailangan lang namin maghanda. Kailangan namin mag-ingat. Walang ligtas, hindi kami ligtas sa mundong puno ng kasakiman. Puno ng kagulohan.
Napatitig ako kay Cassius na ngayon ay nakahiga sa balikat ko. Magkahawak ang kamay namin. Kaming dalawa ang pag-asa ng Zirconia. Bilang Hari at Reyna buhat namin ang lahat. Kami ang magtatanggol sa laajy ng nasasakupan namin at 'yon ang mahirap. Kailangan naming gawin lahat hindi para sa sarili namin kundi sa lahat. Hindi naman 'to gagawin ni Cassius para sa isa't isa. Gagawin. namin ang lahat dahil kami ang inaasahan nila. Kami ang magtatapos sa digmaang ito. Maaring buhay ang mawawala. Iilan ang mabubuhay.
Hindi ko kayang iwan si Cassius. Alam kong nahihirapan siya sa tungkulin. Kaya bilang Rryna at asawa niya sasamahan ko siya. Hindi ko siya iiwan. Manana ako sa tabi niya kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/225194371-288-k512899.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...