CASSIUS POV
NAKANGITING nakayakap ako kay Ambrosia habang nasa kama kaming dalawa. Matapos ang nangyaring pag-uusap sa kanila Ina at Ama ay dito agad kami nagtungo. Sobra ang saya ko dahil yakap-yakap ko siya. Walang nagtangkang magsalita sa amin. Pinakiramdaman lang namin ang isa't isa. Dinadamdam ang bawat minuto na kami ay magkasama. Malapit na ring magumaga kaya kailangan ko na siyang ihatid sa mundo ng mga tao.
"Cassius, napakabuti ng mga magulang mo" masaya nitong bulong sa akin
Walang alam si Ambrosia sa pamumuno ni Ama. Lumaki siya sa mundo ng mga tao kaya hindi niya alam ang nangyayari sa Zirconia. Hindi niya alam kung sino ang totoo sa mundong ito.
"Halikan na. Ihahatid pa kita. Bukas ulit. Magkikita tayo" nakangiti kong sambit sa kanya
Mabilis naman itong bumangon. Inayos ko ang nagulo nitong buhok. Sa susunod hindi ko na siya kailangan pang ihatid dahil mananatili na siya sa tabi ko. Pero ngayon tiis-tiis muna kung ano ang meron sa aming dalawa. Hindi ko maaring madalii ang panahon kaya kailangan kong maghintay.
"Cassius, sa susunod na pwede na akonsa Ziconia makakasama na rin kita. Hindi na tayo magkakalayo pa dahil nasa iisang mundo na tayo. Pero ngayon ganito muna tayo ha, hintayin muna natin ang tamang panahon kung saan pwede na kitang makasama sa iisang muno"
Nakangiti akong tumango. Hanggang nakikita ko at nahahawakan siya ay ayos na sa akin. Kuntento na ako sa ngiti niya. Kuntento na akong kasama siya. Nakapikit kong hinalikan ito sa noo. Darating ang panahon pwede na ang lahat. Pwede na kaming dalawa ni Ambrosia. Siya at Ako ay magtatagpo rin sa iisang mundo. Makakasama ko na rin siya sa isang kaharian. Magiging Reyna ko siya at asawa. Kaming dalawa ay magkakasama. Hindi na kami maghihiwalay pa. Hindi na kami magkakalayo pa.
Nakangiti kong sinuot sa kanya mulinang balabal. Kailangan ko siyang protektahan dahil nangako ako sa kakambal niya. Gagawin ko rin ito para sa kanya. Hindi maaring mapahamak si Ambrosia dahil sa akin. Masyado itonh inosente sa lahat. Namuhay ito sa tahimik na mundo. Namuhay ito sa ibang mundo. Kaya hindi siya maaring malagay sa panganib. Hindi siya pwedeng mapahamak sa mundong ito. Hinding-hindi.
Nilahad ko ang aking kamay. Mabilis naman itong tinanggap ni Ambrosia. Hanggang hawak ko ang kamay niya walang maaring gumalaw sa kanya. Hanggang kasama ko siya hindi siya pwedeng saktan nang iba. Ako ang makakalaban nila. Nasanay na akong nasa tabi si Amboria. Masaya na ako nakasama siya. Kaya, hinding-hindi ko hahayaan na magkalayo kami. Hindi kami magkakalayo.
Hinawakan ko ito sa mukha para itago sa dibdib ko. Magiging lihim ang lahat. Ililihim ko ang lahat para sa babaeng mahal ko. Oo, mahal ko na si Ambrosia. Alam kong bata pa ito para sa aming dalawa. Pero alam ko na kung ano ang ibig sabihin nang nararamdaman ko sa kanya. Hindi na ito ordinaryong pagkagusto lang.
"Huwag kang lalayo sa akin Ambrosia. Huwag na huwag ka ring magsasalita" seryoso komg utos
Hinawakan ko ito sa beywang at naglakad palabas. Lahat nga nakatingin sa amin. Alam kong nagtataka sila. Pero wala akong balak na magpaliwanag. Wala silang pakealam sa buhay ko. Buhay ko 'to kaya ako ang masusunod.
Napatigil ako nang makasalubong Si Suzie. Gulat na gulat ito. Napahigpit ang pagkakahawak ko kay Ambrosia. Ang katulad ni Suzie ang hindi dapat makahuli sa amin dahi mapanganib ito. Dahil alam kong hindi siya mapapakakatiwalaan.
"Cassius sino siya? Bakit siya nakabaloy? "
Nag igting ang panga ko sa tanong nito. Ayaw ko siyang sagotin.
"Saan kayo pupunta? Bakit mo siya niyayakap? " Sunod-sunod nitong tanong
Masama kong tinignan si Suzie. Naiinis na naman ako dahil bakit ba ito nangingialam. Ano bang pakealam niya kung kasamako ko si Ambrosia? Ano'ng problema niya sa lagay na 'yon? Ang babaeng mahal ko naman ang kasama ko.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
