AMBROSIA POV
PARA akong bata na iniwan ng magulang sa kalsada, dahil sa kakaiyak. Nakonsensiya ako sa ginawa kong pagpatay kay Ellahamene. Hindi ko akalain na ako mismo ang papatay no'n. Hindi ko na naman na kontrol ang sarili ko. Nagsimula na naman akong makagawa ng pagkakamali.
"Cassius, kasalan mo. Kaya ko nagawa 'yon! " Paninisi ko sa kanya
"Tsssk"
"Kasi naman, ang sama niya magsalita"naiiyak kong sambit
Sa tanang buhay ko 'yon ang unang pagkakataon na nakapatay ako. Kung kanina ang tapang-tapang ko ngayon para akong namatayan este nakapatay. Nakapatay naman talaga ako. Sinasabi ni Cassius na dapat lang daw 'yon. Pero paano naging ayos sa akin 'yon. Eh, hindi naman ako kailanman pumatay. Mabait akong bata, alam nila Ina at Ama 'yon. Kailanman ay hindi ako nakipagaway. Tapos ito makakapatay ako.
Grabe na talaga ang kamalasan ang nangyari sa akin. No'ng una sinakal ko si Anahita, ngayon naman ay nakapatay ako. Nako! Ayaw ko na talaga ma ulit lahat. Mamatay ako kapag nangyari 'yon.
"Bathala, patawad. Hindi ko po sinasadya" naiiyak kong dasal
"Ginawa mo lang ang tama Ambrosia, dahil kung hindi ikaw ang gagaw no'n. Ako ang gagawa" malamig nitong turan
Napabusangot ako sa inis. No'ng una ayaw kong makakita ng makapatay si Cassius. Natatakot ako pero ngayon ako na mismo ang gumawa ng mga bagay na ginawa niya. Talagang nakakakonsiya. Buhay ng bampira ang kinuha ko.
"Cassius, kailanman ay hindi ako pumatay. Hindi ako kailanman nanakit"
"Pero kailangan mong matoto. Hindi pwedeng lagi na lang mabait. Sinabihan na kita ambrosia kapag hindi ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw ang papatayin " galit na sambit ni Cassius.
"Pero Cassius, hindi ko pa rin kaya. Hindi ko kaya kahit ano'ng turo at sabi mo kasi hindi ako lumaki sa mundong ito. Hindi ito ang kinalalihan ko. Kaya, kahit ano'ng turo mo wala pa rin. Hindi ko pa rin kaya, kasi lumaki ako sa mundo ng mga tao" kalmado kong turan
"Hindi ito ang mundong inaasahan ko. Hindi ito ang mundo na gusto ko na kailangan mong pumatay para mabuhay. Kaya nga ako nasa puder mo para maging kabayaran sa lahat. Kaya nga handa akong mamatay sa tabi mo para sa mga mahal ko sa buhay. Walang silbi kung buhay ako. Kung wala naman kayo, kung wala ang mga mahal ko"Napakahirap mamili. Kailangan mong pumatay para mabuhay. Pakiramdam ko hindi patas ang mundong ito. Iba ito sa mundo ng mga tao. Patas ang mundo pero ang mga tao hindi. Dito hindi patas lahat. Buhay laban sa buhay. Patalim laban sa patalim. Kaya paano maayos lahat, kung sa labanan idadaan. Sumasabay pa 'tong mga taksil. Hindi ko na maintindihan. Ang hirap intindihin ng mundong ito.
Hindi mo alam kung sino ba an totoo o totoo ba talaga ang kaharap mo. Kasi nagiiba ito pag nakatalikod ka. Saka kakalabanin ng patalikod. Kaya paano makakamit ang kapayapaan sa Zirconia kung sa bawat araw na dumadaan may buhay na mawawala. Kung sa buhat minuto o oras pwede kang mawala. Dahio sa mundong ito, hindi mo masasabi kung ligtas ka ba. Walang ligtas at kailanman ay hindi magiging ligtas.
"Ambrosia, gaya ng sabi ko utak. Huwag kang magpalamon sa sariling paniniwala. Ito na ang mundo mo, dito ka na. Hindi na ito ang mundong kinalakihan mo na sa isang bala lang ayos na lahat. Dahil dito dadaan lahay sa patayan bago makamit ang kapayapaan"
Mariin akong napapikit sa sinabi nito. Kung noon halos itaboy ako nila Mama Krinstine at Amandra sa mundong ito. Walang nakakakilala sa akin, tanging si Amandra lamang ang kilala nila. Hindi daw ito ang mundo ko. Pero ito kilala ni Cassius ang totoong ako at pinipilit niya na ito ang mundo ko. Pero alam kung tama siya simula ng isilang ako, dito na talaga ako. Pero ang pagkakamali lang ay napunta sa maling pagkakataon. Hind umayon sa akin ang pagkakataon na dito manirahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/225194371-288-k512899.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampirosSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...