AMBROSIA POV
ANG bilis ng panahon hindi ko akalain na tatlong linggo na pala akong nasa Zirconia. Hindi ko na alam ang nangyari kay amandra, umaasa ako na ligtas ito. Hanggang nasa tabi ako ni cassius alam kong walang mangyayaring masama kay Amandra. Kailangan niya maging ligtas. Siya na lang ang pag-asa ng hilvano, kaya hanggang kaya ko ililgtas ko siya.
Malungkot akong napatingin sa katawan ko na ngayon ay puno ng pasa at sugat. Tinanggap ko lahat ng latigo na hinampas sa akin. Tinanggap ko lahat ng pananakit sa akin ni cassius. Tinanggap ko lahat, dahil walang dahilan para hindi ko ito tanggapin. Alam kong maayos lahat, naniniwala ako kay bathala. Mabait si bathala kaya alam kong tutuparin niya ang hiling ko.
Minsan nakakapanghina, minsan nakakapagod pero ganoon talaga ang buhay kailangan mong mapagod at maging mahina, para maging malakas. Hindi naman pwedeng malakas ka lang nang malakas. Kailangan lang nating magpahinga, pero hindi susuko.
Napahawak ako sa kadena sa aking paa. Ibang-iba ang buhay ko noon. Walang kadena na nakatali sa akin, nakikita ko pa ang liwanag sa labas. Nakikita ko pa ang mahal ko sa buhay. Simple lamang akong babae na laging positibo sa buhay. Pero ito ngayon, isa na akong alipin. Ang makinis kong balat ay puno ng pasa.
Hindi ko maiwasang maluha, natotonan ko na hindi pala laging masaya. Minsan kailangan mong masaktan, kailangan mong lumuha. Minsan nakakatakot din maging masaya, malupit kasi bumawi si kalungkutan. Nakakapandurog.
"Bathala, sana po gabayan niyo sila. Alagaan niyo po ang mga mahal ko sa buhay. Kayo na lang po ang tangi kong pag-asa at maaasahan" malungkot kong bulong.
Kung sana maibabalik ko lang ang nakaraan, sana malakas na ako para maayos ko na lahat. Sana hindi galit si cassius, hindi ko kasi alam kong bakit kumikirot ang puso ko kapag nagagalit siya. Ayaw kong nagagalit siya, kaya lahat handa akong sundin, lahat gagawin ko. 'Wag lang magalit si cassius. Nalulungkot ako kasi puno ng galit ang puso niya.
"Hmm.. Sa kabila ng kagulohan, mangibabaw sana ang pagmamahalan" nakangiti kong kanta.
Mula pagkabata ko ay mahilig na ako kumanta. Gustong-gusto ko ang kumakanta dahil nalalabas ko lahat ng lungkot.
"Muli sanang maging masaya, makita ang ningning sa iyong mata. "
Napatigil ako sa pagkakanta na makarinig ako ng kaluskus. Nanlaki ang mata ko ng makita si cassius na mariing nakatitig sa akin
"Cassius! " Nakangiti kong tawag.
Parang naging makulay ang paligid ko ng makita siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mapatitig sa pulang buhok niya na bumagay sa kanyang mata. Makapal ang kilay at pilik nito na talagang bumagay sa bilugan nitong mata. Hindi ko maiwasang titigan siya. Wala kang maipipintas kay Cassius, gwapo ito sa panlabas na anyo.
"Kanina ka pa diyan? " Nakangiti kong tanong.
Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin. Mabilis akong nagayos ng makarating ito sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang duguan niyang kamay.
"Hala! Bakit may sugat ka? " Nag-aalala kong tanong.
Mabilis kong inabot ang kamay niya na ngayon ay may malaking hiwa. Dumudugo ito, mabilis kong pinunit ang aking palda at tinakip sa kamay nito na ngayon ay puno ng dugo.
"Napaaway ka ba? Napakalaki ng sugat mo" Sunod-sunod kong tanong.
Dahan-dahan ko itong tinali. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil ayaa tumigil ng dugo. Nang matali ko ito, dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya.
"Magingat ka sa susunod Cassius, nag-aalala ako baka ano'ng mangyari sa 'yo" mahina kong sambit.
Dahan-dahan akong nagangat ng tingin at matamis na ngumiti. Nakita ko ang kaunting pagawang ng labi nito. Mabilis itong umiwas ng tingin.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
