AMBROSIA POV
HINDI ko pa rin talaga ako makapaniwala. Ngayon nakatayo ako sa kaharian ng anatolia at kitang-kita ko lahat ng bampira na masayang sumasayaw. Hindi ko maiwasang mapatili kapag nakakakita ako ng kakaiba.
Noon hindi ako naniniwala na isa akong bampira, para sa akin isa lamang itong imahinasyon, walang katotohanan. Pero mali ako, dahil totoo nga. Ito ang mundo iko, isa akong bampira.
Napakaraming bagay ang pinagkaiba ng mundong ito sa mundong kinalakihan ko. Mga mangkukulam na lumipad at mga bampirang nagsasayawan at masayang naguusap habang nakatingin si cassius. Merong mga palaro para sa mga batang bampira at iba pa.
"Cassius, baba tayo" nakangiti kong sambit.
Malamig ako nitong tinignan, hindi pa rin binibitawan ni cassius ang kamay ko. Ayaw niyang bumababa.
"Sige na, gusto ko sumali sa kanila" pamimilit ko kay Cassius.
Mabilis itong tumayo habang hawak ang kamay ko at walang pasabi na binuhat ako pababa. Lahat napatigil ng bumababa kami. Gulat silang napatingin sa amin pero matamis akong ngumiti at kumaway
"Hello sa inyo" nakangiti kong wika at kumaway.
Lahat gumilid ng dumaan kami ni cassius sa gitna. Pakiramdam ko isa akong prinsesa sa nangyayari ngayon. Lahat sila nakatingin sa amin sabayan pa ng malamyas na kanta.
"Sayaw tayo" nakangiti kong usal at kinuha ang kamay nito.
Walang pasabing hinarap ko si cassius at hinawakan ito sa balikat habang ang kamay ko ay hawak niya. Dahan-dahan akong nagangat nh tingin at matamis na ngumiti sa kanya.
Seryoso ito at malamig. Akala ko hindi siya gagalaw pero nang gumalaw ang paa ko ay gumalaw rin ito. Dahan-daha kong sinandal ang aking ulo sa dibdib niya habang ang katawan namin ay gumagalaw.
Ramdam ko ang kakaiba nilang tingin, pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Gusto kong magsaya kahit sandali, gusto kong sulitin ang araw na ito.
"Cassius, ganoon ba sila kagalit sa akin tulad mo? " Malungkot kong tanong.
Nangilid ang luha ko habang naalala ang mgab sinabi nito, hindi ko na kailangan magtanong dahil alam ko na ang sagot. Mas lalo kong hinigpitan ang kapit kay cassius. Ilang lingo pa lang pero naging malapit na ako sa kanya.
Ayaw ko ng malayo kay cassius kaya kahit masakit mananatili ako. Ginuto ko ito kaya paninindigan ko.
"Patayin mo na lang ako cassius, patayin mo na lang ako para hindi na sila magalit. Para maayos na lahat. Ayaw kong magalit sila dahil sa 'yo. Ayos lang sa akin na magalit sila. Pero hindi sa 'yo, nasasaktan ako cassius "
Tumulo na ang luha ko ng higpitan ni cassius ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng kaba. Iba ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ligtas ako sa piling niya.
"Dapat hindi mo na ako binuhay. Para wala ng mamatay pa. Sorry, kasalanan ko" naiiyak kong bulong.
"Hindi kita papatayin ngayon dahil gusto kong pahirapan ka bago mamatay. Gusto ko makitang hirap na hirap ka na " malamig nitong tura
Nakangiti kong tiningala si Cassius habang may luha sa mga mata ko. Nakatitig lamang siya sa akin. Alam kong ito ang isasagot niya.
"Sabihin mo lang kung kailan cassius, dahil hanggang nabubuhay ako lahat gagawin ko para sa 'yo. Kung papatayin mo man ako, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako. Lagi kitang gagabayan, lagi kitang ipagdarasal kay bathala"
"Kahit papano pag namatay ako maging payapa ka na. Pag nakita ko na si bathala, hihilingin ko na buhayin ang mga mahal mo sa buhay. Para hindi ka na malungkot, para hindi ka na mahirapan pa. Pipilitin ko si bathala na tuparin ang hiling ko" nakangiti kong sambit
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampireSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
