Plagiarism is a Crime. Tama na ang pangongopya sa sulat ko. Kahit ano'ng kopya niyo sa akin pa rin ito. Someone copying my story. Mahirap sa akin ang ginawa niya. Kinausap ko siya maayos pero nakatanggap ako ng pambabastos. Alam kong hindi ako magaling, but please. Stoo copying my story kung alam niyong hindi ako magaling.
"Ako ang gumawa, nilikha ko ito para sa aking mambabasa. Nakawin mo man ito, pero hindi mo maloloko ang mga taong na unang nagbasa ng gawa ko"
AMANDRA POV
Malungkot akong nakatingin kay Ambrosia ang kakambal ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ay siya pa ang nakatakdang masaktan. Mula pagkabata ay mabait na siyang kakambal, kaya ganoon na lang ang pagprotetkta ko dahil sa takot na masaktan siya.
Noon pa man ay ayaw ko siyang nasasaktan. Doble ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikitang umiiyak si Ambrosia. Mahal na mahal ko siya. Napakabuti niyang kakambal. Isa ito sa mga taong nagpapalakas ng loob ko kapag nanghigina ako, isa ito sa mga taong nagpapangiti sa akin kapag malungkot ako. Siya lagi ang nasa tabi ko para pasayahin ako at pakalmahin.
Tama sila, ibang-iba ako sa kakambal ko. Iisa man kami ng mukha pero hindi ang pagkatao namin. Siya ay lumakung may gintong puso habang ako ay lumaking matapang. Mahal na mahal namin siya Ina at Ama. Pakiramdam namin isa siyang anghel. Isang anghel na walang ibang ginawa kundi magpasaya at mapabuti lahat.
Dinala namin siya sa mundo ng mga tao dahil ayaw namin mapabilang siya sa kagulohan sa mundo ng Zirconia. Nais naming maranasan niya ang tahimik na mundo, ayaw naming masaksihan niya ang kagulohan sa zirconia. Masakit sa amin ni Ina na palayuin si Ambrosia, pero para sa kanya ang ginagawa namin. Ayaw namin siya mapahamak. Gusto naming mamuhay siyang normal na parang tao.
Simula pagkabata ay mahina na ang tibok ng puso nito. Hindi ito tulad sa akin na malakas. Mahin ito at masakitin. Kaya ayaw namin iparating ang mga nangyayari dahil ayaw namin siya pagalalahanin. Ayaw naming masaktan siya. Ganoon namin inaalagaan si Ambrosia. Hindi ko maiwasang matuwa habang iniisip ang araw na kami ay bata pa. Ito lagi ang nagpapalakas ng loob ko. Si ambrosia ang pinakamalakas na tao na nakilala ko. Matapang ito at masayabin lalo na at positibo sa buhay.
Pero sa bawat paglipas ng taon, sa pagbago ng pangyayari unti-unting nagbago ang lahat. Ang dating ambrosia na naninirahan sa mundo ng mga tao ay iba na. Ang dating ambrosia na kakambal ko ay ibang-iba na. Hindi ko akaain na makakasama ko rin siya sa mundong ito. Biglang nagbago ang lahat dahil sa isang digmaan, nang mawala sila Ama at ina ay nagiba ang lahat.
Hindi ko na kayang malayo sa kakambal ko. Hindi ko na kayang mawala ito sa akin. Si Ambrosia na lang ang na iwan sa akin. Kaya ng makuha ito ni Cassius halos mamatay ako sa kakaisip kay Ambrosia. Hindi niya kayang indain ang sakit tulad ko. Hindi nito kayang lumaban kagaya ko. Wala itong alam, inosente ito. Masyadong nakakagulat ang lahat ng pangayayari. Hindi ako makapaniwala na mahal na ni Ambrosia si Cassius.
Para sa akin ay bata pa si Ambrosia para umibig. Hindi niya alam kung sino ang iniibig niya at ano ang kahulogan ng pag-ibig. Sa dinami-dami ang kaaway pa namin ang napili niyang mahalin. Sa masama pa siya napunta. Sa katulad pa ni Cassius at ang masaklap pa ay ang pumatay sa magulang nami
Alam kong patas na kami, napatay ko ang magulang at mahal nito. Pero hindi ko alam kung ako nga ba. Ang tangi kong naalala ay may nakalaban ako dahil nilusob kami pero biglang nandilim ang paningin ko. Nagising na lang ako na duguan at katabi ang mga mahal nito sa buhay. Alam konh maya napatay ako no'n sa digmaan 'di ko alam kung sila ba ang napatay ko. Hindi ko alam kong sila ba talaga 'yon pero alama kong si Suzie ang huli kong nakalaban no'n. Kami ang naglalaban no'n dahil sa pagpilit niyang pagsakop sa kaharian namin. Alam kong napatay ko siya noon, pero ang magulang ni Cassius ay hindi ko alam. Wala akong maalala.
YOU ARE READING
The Vampire Anger ( Vampire Trilogy)
VampiroSabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prin...
