Tok ! Tok ! Tok !
Narinig ko ang pagkatok pero hindi ko yun pinansin hinayaan ko lang siyang kumatok ng kumatok hahaha. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nagtulog tulugan ako, alam kong palapit siya sakin hinawakan niya ako sa braso at niyugyog ako.
"Ashley gumising kana may pasok ka diba" si manang.
Dali dali akong napabangon ngayon ko lang naalala may pasok pala ako. Bagong lipat lang ako ng school sa madaling salita ako ay tranferee.
Pagkatapos kong maligo bumaba na ako dala dala ang bag ko. Nakita ko naman ang mga pagkain na nakahain sa mesa kaso lang late nako wala na kong oras kumain kaya naman kumuha lang ako ng sandwich at umalis na.
Nakarating na ako ng school na may trenta minutos pang natitira naglakad ako upang hanapin ang room ko. Ng may babaeng tumatakbo na may dalang kape at nadunggol ako nito pero di ako nito pinansin tuloy parin sa pagtakbo.
Ano yan bastusan. akala mo kabayo kung makatakbo.Maglalakad na sana ako ng may marinig ako sa likuran ko. May limang lalaki at yung babaeng nakabunggo sakin natapunan niya ng kape ang mukhang leader nila.
"Pa-pa-sen-sya na" aniya ng babae na halatang takot na takot.
"I don't need your apology" seryosong aniya ng lalaki. "Do you know how much it costs" dagdag pa nito.
"Pu-pu-na-san ko na-lang" aniya ng babae na takot na takot pa rin.
Kinuha ng babae ang kanyang panyo at ipupunas sana sa damit ng lalaki ngunit tinulak siya nito.
"Don't touch me" inis na aniya ng lalake.
"So---rry" sabi ng babae.
"Next time don't be fooled and look at your way " aniya ng lalake,kinuha ang hawak na kape ng babae at tsaka ito ibinuhos dito.
Oh my godness.
Sino ba sila bakit ganyan nalang sila kung umasta halos lahat ng estudyante nakatingin lang sa ginawa niya. Ano bang meron sa kanila,sinisira nila ang ganda ng school.Tinalikuran nila ang babae at papunta na ito ngayon sakin,bakit ganto bigla akong nanginginig para nakuryente buong katawan ko. Huminto sila sa harap ko hindi ko alam ang gagawin ko.
Ano ba ashley umayos ka bigyan mo sila ng daan baka ikaw naman ang pag-initan nila hayyysss.
"Hey Get out of my sight" sigaw ng lalaki sakin.
Nagulat ako sa pag sigaw niya sakin kaya naman kusang tumabi ang mga paa ko. Nakita kong lingunin ulit ako ng lalaki kaya di ko napigilang yumuko sa kaba.
"Don't block my way transferee" sabi nito at umalis.
Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim. Kala ko katapusan ko na yung kanina ngayon alam ko na kung bakit ganun nalang ang takot ng babae na yun sa kanila iba pala talaga kapag kaharap mo na.
Oo nga pala hahanapin ko pa ang room ko. Ano ba yan nawala sa isip ko pahamak talaga ang lalaki na yun.
At sa wakas nandito na rin ako sa harap ng room ko, pumasok nako ng makita ko na naman ang limang lalaki.
Hindi ako makapaniwala na magiging kaklase ko sila,kaya naman dumeretso nalang ako sa upuan ko doon ako nakaupo sa pinakadulo kaya di nila ako mapapansin tumingin nalang ako sa labas ng bintana hanggang sa nanjan na pala ang teacher kaya napaayos na ako ng upo."Good morning class"
"Good morning sir. Lax" kami.
"I know you're not in your seat, now back to your seat" sigaw ni sir. lax pinalo ng palakas ang table. Kaya dali daling bumalik sa upuan ang iba.
BINABASA MO ANG
THE FIVE GANGSTER AND ME
RomanceAshley comes from a wealthy family. He did not know that his real father was a gangster. She will know everything about herself when she meets the five men who are messing with her life. But in the end they will be the ones to help him and he will...